Packing sheet of paper from the beach!
"Shit! Hindi to pwede! Hindi!" sigaw ko sabay sabunot sa pula kong buhok.
Mukhang pati kulay ng buhok ko kukupas na sa sobrang stress! Bwisit!
Sumampa naman ako sa kama ni Gold at tumalon-talon.
"Gold! Bakit ako? Bakit ang dyosang 'to pa? Bakit?" sigaw ko sabay upo at yugyog sa balikat ni Gold pero ayaw pa rin niyang gumising. Naiinis na talaga ako, ang ayaw ko sa lahat ay 'yung hindi ako pinapakinggan!
"Gold! Pucha! Gumising ka! Kita mong nag-dradrama ako dito, oh!"
Kumuha na ako ng unan at pinagpupu-pukpok ang ulo niya. Kapag hindi pa siya nagising dahil dito ihahampas ko na talaga sa ulo niya 'yang lampshade sa side table niya!
Napangisi naman ako noong bumangon na siya. "Aray naman, Alice! Kita mong natutulog 'yung tao, oh!" sigaw niya na medyo naiirita na.
Pero hindi ko pinansin ang reklamo niya. Moment ko 'to, eh. Ako lang ang may karapatang magreklamo. "Gold! Ang laki-laki ng problema ko!" sabi ko sabay yugyog ulit sa balikat niya.
"Ano ba kasi 'yang problema mo?" naiinis na tanong niya sabay bangon.
"Napapansin mo ba na ang weird naman ata na hindi pa ako nagkakaboyfriend? 'Yung kahit ni isang nanligaw sa'kin wala akong nagustuhan? 'Yung nandidiri ako sa lahat ng mga lalaki bukod sa'yo? I mean, sa ganda kong 'to? " tinuro ko pa ang precious peslaks ko. "Hindi pa ako nagkakaboyfriend? WHAT THE HELL LANG, DIBA?"
Humikab muna ang loko bago magsalita. "So... ano naman ang pinapalabas mo diyan, Alice?"
Tumingin ako sa mga mata niya.
"I think I'm having an identity crisis."
----
THAT RED-HAIRED ALICE
TAGLISH | HUMOR | TEEN FICTION | ROMANCE
WRITTEN BY RISINGFLARE
STARTED: NOVEMBER 6, 2013
FINISHED: JANUARY 2, 2015
I started this way back when I was just starting to learn how to write with emotions, formality, and such. So I don't blame you if you'll find this story "jeje", "cliche" or "lacking". I'll edit this one sooner but I won't really change the plot so this will go on simply as it is, minus the grammatical errors and typos. Thank you. :)
BINABASA MO ANG
That Red-haired Alice
Teen Fiction| COMPLETED | COVER BY @PASTELDRIPS | Si Alice ay isang magandang--- este dyosang halimbawa ng isang modernong dalaga na talaga namang hindi biniyayaan ng kahinhinan. Maingay, magaslaw, hambog at nagtataglay ng kung ano-ano pang katangian na talaga...