Ikalabing-siyam na Hibla
Nakangiti lamang si Levi habang naghihintay sa isang bakanteng kwarto sa Clifford High. Natutuwa siya sa mga nangyayari. Umaayon ang lahat sa mga plano niya.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok mula rito ang isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang tao ni Levi.
"Travis." wika ni Levi nang nakangiti.
Umupo si Travis sa upuan katapat ng kay Levi. "Kamusta? Nasaan na si Alice?" tanong ni Levi dito.
"Inuna niyang puntahan si Ayla, sumunod siyang pumunta sa music room." sagot ni Travis.
Pinagkakatiwalaan ni Levi si Travis na bantayan si Alice. Hindi aksidente ang madalas na pagkikita nila Alice at Travis--- planado 'tong lahat ni Levi.
Bahagyang kumunot ang noo ni Levi. "Nakita ba niya si Gold?"
Umiling si Travis. "Sinigurado ko na hindi muna makakapunta si Gold sa music room. Tinapunan ko siya ng juice sa uniform niya tapos sinundan ko siya ng palihim. Hindi niya naabutan si Alice sa music room."
Levi grinned. "Good."
"Galing ng plano mo, bro. Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Travis at ngumiti na rin.
"Planadong-planado na. Mapapasa'kin na si Alice ng tuluyan."
"Pinapakamusta ka nga pala ni Daddy, masayang-masaya siya sa trabaho niya sa company niyo." sabi ni Travis.
Mas lumapad ngayon ang ngiti ni Levi. "Tell him I'm fine--- no, more than fine."
Nagpatuloy lamang sa pagkwekwentuhan ang dalawa. Sa sobrang tuwa ni Levi, isinalaysay niya ulit kay Travis ang buong plano at kung paano naging sobrang successful nito kahit alam naman talaga ito ni Travis noong una palang. Pero nanatili lamang na tahimik si Travis at pinakinggan ang lahat ng mga sinasabi nI Levi.
Nagkilala ang dalawa noon lamang summer vacation, pumunta ang pamilya ni Levi sa Australia at doon niya nakilala si Travis. Naging magkaibigan sila, pinakilala siya ni Travis sa mga kapatid niya at doon na nakilala ni Levi si Glitter na naikwento na sa kanya ni Alice noon bilang first love ni Gold. Kahit bumalik man ng Pilipinas si Levi ay patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Travis.
At nagamit niya ang komunikasyon na 'yon para sa plano niya. Pagkatapos siyang i-turn down ni Ayla, unti-unting nabaling ang atensiyon at pagmamahal ni Levi kay Alice. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Alice, palagi siyang nasa tabi ni Levi noong nasasaktan siya. Sabi nga nila, kung sino ang palaging nasa tabi mo sa oras na nasasaktan ka, sa kanya ka mahuhulog pagdating ng araw.
Alam naman ni Levi na hindi niya kayang tanggalin ang pagmamahal ni Alice para kay Gold. Kaya ang naging plano niya ay ang paglayuin ang dalawa---- mas malayo, mas maganda. Ipinangako niya na sa pagkakataong 'to, hindi na niya hahayaan pang makawala ang babaeng mahal niya kahit na ano pang mangyari. Binigyan niya ng permanente at magandang trabaho ang Daddy ni Travis sa kumpanya nila, pero may kundisyon ito. Kailangan niyang manirahan sa Pilipinas kasama ang buong pamilya niya. Sinabihan din niya ang Daddy nila Travis na sa Clifford High pag-aralin ang kambal at si Travis. Hindi niya kasabwat sa plano si Glitter--- sila Glimmer at Travis lamang ang kasama niya dahil ayon kay Travis, masyadong mabait si Glitter para sumangayon. Si Glimmer ang siya talagang gumawa ng paraan para magkalapit muli sina Glitter at Gold.
Para namang umayon kay Levi ang kapalaran dahil sa pagkakaaksidente ni Alice. Narinig niya ang usapan ng mga magulang nito noong bumisita siya noong unang gabi ni Alice sa ospital, narinig niya na sa oras na malaman ng Lola ni Alice ang nangyari, siguradong papabalikin siya nito sa States.
Sinabi niya ang mga nangyari sa Lola ni Alice, sinabi rin niya na handa siyang samahan si Alice sa States para tulungan at samahan ito. Nagustuhan siya kaagad ng Lola ni Alice dahil sa ginawa nitong pagsasabi sa kanya ng katotohanan na labis namang ikinatuwa ni Levi. Naging maayos ang plano, pumayag si Alice sa kagustuhan ng Lola niya at sandaling panahon na lamang ay masosolo na niya ito.
"Kailan nga pala ang alis niyo?" tanong ni Travis pagkatapos ng mahaba-habang pagkwekwento ni Levi.
"Sa Saturday." sagot nito.
Kumunot naman ang noo ni Travis. "Bro, paano kung pigilan ni Gold si Alice?" tanong pa nito.
"Isang malaking tanga si Gold, Travis--- at isang malaking duwag. Hindi niya pipigilan si Alice. Sigurado ako diyan." sagot ni Levi.
Pero hindi naman ganoon katanga si Gold tulad ng inaakala ni Levi, dahil napansin nito na sinusundan siya ni Travis kaya siya naman ang sumunod dito--- kasalukuyan siya ngayong nagtatago sa likod ng pintuan kung nasaan sila Travis at Levi. Narinig niya ang bawat salitang lumabas sa bibig ng dalawa--- at dahil dito ay nakapagdesisyon na siya.
'Hindi kita hahayaang umalis, Alice.' bulong ni Gold sa isip niya.
BINABASA MO ANG
That Red-haired Alice
Teen Fiction| COMPLETED | COVER BY @PASTELDRIPS | Si Alice ay isang magandang--- este dyosang halimbawa ng isang modernong dalaga na talaga namang hindi biniyayaan ng kahinhinan. Maingay, magaslaw, hambog at nagtataglay ng kung ano-ano pang katangian na talaga...