Ikalabing-walong Hibla

1.3K 53 31
                                    

Ikalabing-walong Hibla

[ALICE]

Hindi na ako pumasok sa school pagkatapos kong pumayag sa kagustuhan ni Lola. Naging busy na kasi kami ni Levi sa pag-aasikaso ng mga papeles namin para makapunta na kami sa States sa lalong madaling panahon. Tinutulungan din naman kami ni Lola, hinanap na niya kami ng school na pwede naming lipatan.

Kaunting ayos na lang at makakaalis na kami dito sa bansa.... kaunting panahon nalang at makakapagsimula na kami ng panibagong buhay.

Napagdesisyunan ko na rin na magpaalam na sa kanila ngayong araw.

Kumuha ako ng suklay at humarap sa salamin.

Dyosa pa rin naman ako kahit itim na ang buhok ko--- kaso nga lang, parang hindi ko na kilala ang babaeng kaharap ko sa salamin ngayon.

"Alice! Tapos ka na bang mag-ayos?" pagtawag sa'kin ni Levi mula sa labas ng kwarto ko.

"Wait lang!" sigaw ko pabalik at kinuha ang kwintas ko na kamukha ng binigay ko kay Ayla noong birthday niya.

Napapikit ako. Sa kanya ako unang magpapaalam.

Lumabas na ako sa pinto at agad namang ngumiti si Levi sa'kin, naalala ko tuloy 'yung sagot niya noong tinanong ko kung bakit niya sinabi kay Lola ang nangyari.

'Ayaw ko kasing nakikita kang nasasaktan, Alice. Ayokong nakikita kang umiiyak.'

Ngumiti ako sa kanya pabalik. "Tara na?" tanong ko. Plano ko kasi na pumunta sa Clifford High ngayon at isa-isa silang kausapin. Wala naman silang gaanong klase ngayon sa pagkakaalam ko dahil malapit na ang sports fest at busy 'yung iba sa pagprapractice.

Bigla naman siyang nag-alangan. "Siguro ka ba sa gagawin mo, Alice?"

"Oo naman. Tara na." sabi ko at hinila na siya papalabas ng bahay.

Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Ayla pero bigla kong naalalang nagpalit nga pala ako ng number.

Iniiwasan ko na kasi ang makipag-usap sa kanila. Masakit kasing isipin na ilang araw na lang at kailangan ko na silang iwanan.

Sumakay na kaming dalawa ni Levi sa kotse niya at pumunta na sa Clifford High.

Nagkalat ang mga estudyante sa school grounds pagdating namin. Iniwan na rin ako ni Levi dahil magpapaalam na rin siya sa iba pa niyang mga kaibigan.

Huminga ako ng malalim at naglakad na para hanapin si Ayla.

Eksakto namang nakasalubong ko 'yung isa sa mga kaklase namin. Tinawag ko siya at agad namang nanlaki ang mga mata niya noong nakita niya ako.

"A-alice? Anong nangyari sa buhok mo?" nagtatakang tanong niya pagkalapit niya sa'kin.

Nginitian ko lang siya. "Hindi na kasi ako kasama sa Sweet Serenity. By the way, nakita mo ba si Ayla?" tanong ko.

"Ah... oo. Nakita ko siyang papunta sa rooftop kanina."

Napakunot naman ang noo ko. "Sa rooftop?" she nodded. "Sige, sige. Salamat." sabi ko at nagsimula nang maglakad papunta sa rooftop.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ako makapunta sa mismong rooftop. Wala namang gaanong nagpupunta dito, bali-balita kasing may gumagala raw dito na multo.

Binuksan ko ang kinakalawang na pinto sa harapan ko at nagsimula nang hanapin si Ayla. Agad ko naman siyang nakita sa isang sulok at base na rin sa pagtaas-baba ng balikat niya--- umiiyak siya.

"Ayla." sabi ko pagkalapit ko sa kanya.

Agad naman siyang tumingala at yumakap sa'kin.

That Red-haired AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon