Ikasampung Hibla

2K 57 18
                                    

"Take a deep breath and jump then fall into me." -Jump then Fall by Taylor Swift

----X

Ikasampung Hibla

[ ALICE ]

Nagising ako dahil sa sinag ng araw galing sa bintana na tumatawag na sa kadyosahan ko.

Ang saya ko pa rin kahit broken-hearted ano?

Ganyan kasi dapat! Sayang lang ang alindog ko kung magmumukmok lang ako dito!

Tsaka normal lang naman para sa isang tao ang masaktan, ang hindi normal eh 'yung nasaktan ka lang kung makapag-inarte ka akala mo end of the world na.

Tayo ang nagpapakatanga't umaasa eh, so we should be ready to face the consequences of falling in love with someone who doesn't love us back.

Life may be full of pain, problems and sorrows... but being able to conquer those bad things can give us true happiness.

Bumangon na ako sa kama pagkatapos ng madamdamin kong pagmumuni-muni, inayos 'yung mga bedsheets at nagdasal.

Kahit asal-kanto ako sanay naman akong magdasal 'no! Mabait naman ako hindi lang halata!

Tinapos ko na ang dasal ko at dumiretso na ako sa banyo para maligo at magtoothbrush.

Cancelled nga pala ang mga classes ngayon sa C.A. May seminar daw kasi na kailangang attendan 'yung halos lahat ng mga teachers namin kaya hindi nalang kami pinapasok.

Mga 10 minutes after... natapos na akong maligo kaya nagbihis na ako at nagsimulang magtoothbrush.

Tumingin naman ako sa salamin at pinagmasdan ang maganda kong pagmumukha. "Ang dyosa mo talaga, Alice! Ewan ko ba kung anong klaseng katarata ang meron sa mata ng lecheng Gold na 'yan! Bwisit! Napakamanhid! Napakatanga! Napakabobo! Istupido! Mukhang kulugo! Mukhang basurero! Ang sarap ipatapon sa kanto! Ang sarap basagin ng bungo! Ang sarap halikan sa nguso! Tama! Halika--- AY, PUCHA! NABABALIW NA AKO!" sigaw ko at sinampal-sampal sa sarili ko. Putek! Masyado akong maganda para maging baliw!

Pagkatapos ng makababag-damdaming pagsampal sa maganda kong mukha, bumaba na ako sa kwarto ko at ipinarada ang kadyosahan ko sa sangkatauhan.

Hindi ko pa nga pala napapalitan ng gauze 'yung sugat ko. Sabagay, as if naman kaya ko. Sasabihin ko nalang kay Mommy mamaya, gagawa nalang ako ng katanggap-tanggap na excuse.

Pagdating ko sa kusina, sumalubong agad sa'kin ang mabangong amoy ng omelette at french toast! Yum!

Umupo na ako sa harap ng dining table at sinimulan nang lagyan ng pagkain ang plato ko. "Mauuna na akong kumain, Mommy! Nagugutom na ang dyosa mong anak!" sigaw ko at kumain na.

Infairness masarap ata ang luto ni Mommy ngayon--- naglevel-up na. Maalat kasi siyang magluto dati eh.

Sabagay, hindi naman kasi forte ni Mommy ang pagluluto. Fashion designer kasi siya tapos model din dati. Oh, diba? May pinagmanahan talaga ako ng kadyosahan. Fashion din ang naging dahilan kung bakit sila nagkakilalang mag-asawa, may-ari kasi si Daddy ng isang maliit na clothing line tapos naging model doon si Mommy one day. Na-inlove sila sa isa't-isa and then, boom! Nagbunga sila ng isang anak na walang alam sa fashion kuno na 'yan pero at least maganda naman!

"Eto oh, juice." may kung sinong nagsabi sa gilid ko.

Kinuha ko naman 'yung juice at ininom. "Salamat--- AY KULUGONG GOLD!" gulat na sigaw ko dahil noong paglingon ko, pagmumukha ni Gold ang nakita ko! Packing sheet of paper from the beach!

That Red-haired AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon