Ika-apat na Hibla

2.4K 58 20
                                    

Ika-apat na Hibla

[ ALICE]

"Oy, Alice! Malungkot ka ata?" nagulat nalang ako nang biglang sumulpot si Levi sa harapan ko.

"Ha? Hindi 'no!" sigaw ko. Si Ayla kasi eh! Sinira 'yung mood ko kanina.

Umupo naman siya sa swing sa tabi ko. Nasa garden kami ngayon sa likod ng school.

"Huwag mo nga akong lokohin, Red! Alam mo namang mahal na mahal kita kaya alam ko kung malungkot ka o hindi!" pagbibiro niya. Red nga pala ang tawag niya sa'kin. Ang cute 'no? Bagay na bagay sa dyosang kagaya ko.

"Namiss ko 'yang nickname na 'yan." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Ako hindi mo namiss?" tanong niya.

"Hindi." straight-faced kong sabi kaya nagpout siya. Natawa tuloy ako.

"Joke lang, Levi! Syempre namiss kita!" sabi ko sabay kurot ng pabiro sa pisngi niya.

Siguro sweet kaming tingnan ni Levi pero magkapatid lang talaga ang turingan naming dalawa. Tsaka iba ang gusto ng isang 'to.

"Naibigay mo na ba?" tanong ko.

Namula naman siya agad. "Hindi pa eh." nauutal niyang sabi.

Agad ko naman siyang hinampas. Napakatorpe talaga ng mokong na 'to!

Tumayo ako sa harapan niya at pumameywang. "Paano nalang malalaman ni Ayla na may gusto ka sa kanya kung ganyang totorpe-torpe ka?!" panenermon ko. Oo, may gusto siya kay Ayla. Bumili pa nga siya ng diamond necklace noong nasa abroad siya para ipasalubong kay Ayla eh!

"Red... alam mo namang 'yung kambal ang gusto ni Ayla diba?" malungkot na sabi niya.

Nabatukan ko naman siya. "Crush lang 'yon, Levi! Nasindak lang siya sa 'kagwapuhan' kuno nung dalawa!"

Napapout naman siya ulit. Pwe! Ang bading! "Eh kahit na--- crush pa rin 'yun."

"Wala kang mapapala kung hindi mo susubukan! Hindi ka sasaya kung hindi ka magtatake ng risk! Levi--- tama na ang pagiging torpe!" sigaw ko kaya tinakpan naman niya ang bibig ko.

"Ang ingay mo, Red! Eh sa mahirap eh! Akala mo ba madali lang 'yun para sa'kin? Hindi, Red! Mahirap! Naduduwag ako kapag babaeng mahal ko na ang pinag-uusapan!"

Natulala naman ako. Ngayon lang kasi ako sinigawan ni Levi ng ganito. Napasobra ata ako.

"Tara na nga. May i-aannounce daw si Gold." sabi niya sabay buhat sa'kin na parang sako ng bigas. Ugh! Nakapalda kaya ako!

"Levi, ibaba mo 'ko! Baka masilipan ako!" sigaw ko.

"Don't worry, Red. Hindi ko hahayaang makita nila ang Spongebob mong shorts." sabi niya sabay tawa kaya napairap ako. Bipolar!

---

"Walanghiya ka talaga, Levi!" sigaw ko habang binababa niya ako. Eh kasi pinagtatawanan niya pa rin 'yung shorts ko!

"Oo na, Alice." sabi niya habang tumatawa pa rin at ibinaba na ako ng tuluyan. Sumimangot naman ako at nag-crossed arms ng bongga.

"Tss. Ang lalandi." obvious naman siguro na si Silver ang nagsabi nito diba?! Bwisit talaga!

"Okay... okay... tama na 'yan. May inaannouce ako sa inyo." sabi ng self-proclaimed naming leader na si Gold. Oo, siya lang ang nag-proclaim sa sarili niya na maging leader! Ang tapang lang ng hiya!

"Ano 'yun?" tanong ko nalang kasi naiilang ako sa titig ni Ayla. Oo, nandito rin siya. Nakaupo siya sa tapat namin, katabi niya si Silver.

"Magkakaroon daw muna ng screening ng mga banda dito sa Clifford Academy. Mamimili daw sa Top 5 kung sino ang mismong papalabanin sa School Battle of the Bands."

That Red-haired AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon