Ikalabing-apat na Hibla
Tumulo ang luha sa mga mata ni Silver nang mahawakan niya ang mukha ni Alice. Hindi niya lubos akalain na makikita ulit niya si Alice sa kalagayang 'to--- nakabenda ang ulo, bali ang kaliwang braso, at puno ng pasa at mga sugat ang katawan.
"Bakit ba kasi ang hilig mong magpakabayani, Alice?" wika niya sabay hawak ng mahigpit sa kamay nito. Dumukdok siya sa gilid ng kama ni Alice at umiyak ng tahimik habang inaalala ang unang beses na naaksidente si Alice--- naaksidente at muntik nang mamatay dahil sa kanilang dalawa ni Gold.
Maraming taon na ang nakalipas simula noong nangyari ang aksidente, pero dala-dala pa rin ni Alice ang marka no'n--- ang takot niya sa dugo at ang malaking peklat niya sa hita na dahilan kung bakit ayaw niyang magsuot ng sobrang maiikling damit.
Kaaalis lang nila Glitter at Glimmer noon sa bansa, at hindi pa rin tanggap nila Silver at Gold Alice bilang kaibigan. Pero dahil likas na mapilyo noon ang kambal, palagi nilang pinagtritripan at pinagkakatuwaan si Alice.
"Tara, Silver! Magbike tayo!" aya ng batang si Gold kay Silver.
"Sama ako!" sigaw naman ni Alice na bigla nalang sumulpot sa mga harapan nila.
"Ayoko nga." masungit na sabi ni Silver.
"Huwag! Hayaan mo siya! Siguro namang matatalo 'yan kapag nagkarera tayo." mayabang na sabi ni Gold.
Napasimangot naman si Alice. "Hindi ah! Mabilis kaya akong magbike!"
Siniko naman ni Gold si Silver. "Ang yabang talaga ng babaeng 'to, oh! Tara nga Silver! Pakainin natin 'to ng alikabok!
"As if you can." mataray na sabi ni Alice at sumakay na sila sa sari-sarili nilang mga bike.
Nauna na sila Gold at Silver sa karera, napag-usapan nila na doon sa may panglimang puno mula sa kinatatayuan nila ang finish line. Pero sa kalaunan, tinamad si Silver sa pagpepedal kaya tumigil na siya at naupo muna sa ilalim ng isang puno.
"Talunin mo 'yang mayabang na babaeng 'yan, Gold!" sigaw nito sa kapatid.
Napangisi naman si Gold. Pero nawala ang ngising 'yon noong naabutan na siya ni Alice.
"Kapag nanalo ako, tatanggapin niyo na ba ako bilang kaibigan?" sigaw ni Alice na nasa tabi na noon ni Gold.
"Asa ka naman!" sigaw ni Gold at inunahan na si Alice sa pagliko, pero hindi niya napansin na may makakasalubong pala silang motor na humaharurot ng takbo.
Napapikit siya sa pag-aakalang mabubundol na siya ng motor. Pero naramdaman niya ang malakas na pagtulak sa kanya ni Alice papunta sa kabilang bahagi ng kalsada.
Nagkaroon siya ng galos sa gawing braso at iba pang sugat sa katawan dahil sa pagkakabagsak niya noong itinulak siya ni Alice--- pero walang kapantay ang takot na naramdaman niya noong nakita niya si Alice na nakahandusay sa kalsada, walang malay at naliligo sa sarili niyang dugo.
Kaya simula noong araw na 'yon, ipinangako ng kambal na gagawin nila ang lahat ng makakaya nila para maprotektahan si Alice. Pero alam ni Silver sa loob niya na hindi nila natupad ang pangakong 'yon--- dahil kadalasan, sila pa mismong dalawa ang dahilan kung bakit nasasaktan ang babaeng pareho nilang mahal.
Umayos na ng upo si Silver at hinalikan ang kamay ni Alice. "Pangako, Alice. Sa oras na magising ka, babawi ako. Babawi ako, Alice--- gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ka."
---
Sa kabilang dako, dire-diretso namang pumasok si Copper sa loob ng ospital kung saan nakaconfine si Alice. Umiiyak siya pero mas nangingibabaw sa kanya ang galit. Nalaman niya kasing naaksidente si Alice dahil sa pagliligtas niya sa isang bobong bata na handang magpakamatay para lang sa alaga nitong aso.
Noong tinanong ng Mommy niya kung nasaan ang room ni Alice, tinanong din niya kung saan ang room noong batang iniligtas nito. Agad-agad siyang naglakad papunta sa kwarto na 'yon habang nasa likuran naman niya ang Mommy niya at si Leri.
"Wait for me, Copper!" sigaw ni Leri pero hindi siya pinansin nito. Lumingon lang si Copper noong tinawag na siya ng Mommy niya.
"Copper, mauna na ako sa room ni Alice. Behave, okay?" sabi nito pero tumango lamang si Copper at nagpatuloy na sa paglakad.
"Can you slow down for a while?!" reklamo ni Leri pero dire-diretso lamang si Copper sa pagpasok sa loob ng kwarto ni Clio--- ang batang dahilan kung bakit naaksidente ang pinakamamahal niyang si Alice.
"HEY YOU FUCKING---" pero hindi na niya natuloy ang sinasabi niya dahil natulala siya pagkakita niya sa batang nakahiga sa kama na nasa loob ng kwartong iyon.
"Copper!" sigaw ni Leri at hinawakan si Copper sa braso pero nanatili lang itong nakatulala kay Clio, kaya maging si Leri ay napatingin din dito at nanlaki rin ang mga mata sa nakita.
Binitawan ni Leri si Copper at lumapit kay Clio. "Oh my God, you look exactly like Unnie Alice." hindi makapaniwala nitong sabi.
Totoo nga ang sinasabi ni Leri, si Clio ay eksaktong replica ni Alice. Mula mata, hanggang ilong at bibig ay magkahawig sila. Hindi naman ito kataka-taka dahil magpinsan silang dalawa.
Pero nanatili lang na nakatulala si Copper, inaalala ang hiling niya nang may nakita siyang shooting star noong nakaraang gabi.
"I wish I can meet someone who looks exactly like Alice. 'Cause you know, I really really love her but it's awful that she's too old for me. I want someone who looks like her that I can someday marry."
---
A/N:
Click the external link if you want to read Copper Louis Kendall's story, Melting Steel. Pero 'SOON' muna ang magiging status niya hangga't hindi ko pa natatapos 'tong TRHA. Para naman hindi maging spoiler tsaka iba na kasi ang timeline nito, magiging 18 years old na si Copper. Salamat sa lahat ng mga patuloy na tumatangkilik sa TRHA!
So may itatanong lang ako sa inyo, at kung sino ang makakasagot ng tama at may pinakamagandang explanation ang siyang pagdededicate-an ko ng Epilogue ng TRHA at may pagkakataong makasali sa cast ng Melting Steel. Game?
So here's the question:
Sino sa tingin niyo ang makakatuluyan ni Alice? At bakit?
BINABASA MO ANG
That Red-haired Alice
Fiksi Remaja| COMPLETED | COVER BY @PASTELDRIPS | Si Alice ay isang magandang--- este dyosang halimbawa ng isang modernong dalaga na talaga namang hindi biniyayaan ng kahinhinan. Maingay, magaslaw, hambog at nagtataglay ng kung ano-ano pang katangian na talaga...