Unang Hibla

3.7K 93 24
                                    

Unang Hibla

"I think I'm having an identity crisis."

Kumurap-kurap muna siya bago humagalpak ng tawa. Napanguso ako sa inis. Seryoso kaya ako!

Tumawa pa siya nang tumawa. 'Yung tipong eksaherada, 'yung parang ilang segundo nalang malalagutan na siya ng hininga.

"Seryoso ka ba diyan, Alice?! Ikaw--- natitibo? Imposible! Huwag ka ngang masyadong OA!" sabi niya na tatawa-tawa pa. Sapakin ko kaya 'to para tumino?

"Eh sa 'yun lang ang naiisip kong dahilan kung bakit NBSB pa rin ako hanggang ngayon, eh!" sigaw ko at hinampas sa braso niya. 

"Aray! Aray!" daing niya at pinigilan na 'yung kamay ko. "Ang sabihin mo--- masyado ka lang choosy!" dagdag pa niya. Sasakalin ko na talaga 'tong ginto na 'to!

Umirap naman ako ng bongga. Medyo nahilo ako pagkatapos pero hindi ko pinahalata. "Hindi ako choosy, may problema lang talaga sa'kin--- AT IDENTITY CRISIS 'YUN, GOLD! IDENTITY CRISIS!" madiin kong sabi. "Oh baka naman hindi mo alam ang ibig sabihin ng identity crisis?" I asked, staring at him. Medyo mahina kasi ang ulo nito eh, medyo lang naman.

Tumingin naman siya sa'kin na para bang iritang-irita. Sa ganda kong 'to, nakukuha pa niyang mairita sa mukha ko? The nerve. "Alam ko 'yun, Alice! Abnormal ka nga lang kasi kaya gano'n. Masyado ka lang nag-oover react. Hindi 'yan identity crisis, tapos ang usapan. Tanggapin mo nalang na abnormal ka." sabi niya sabay higa ulit sa kama. Aba't ang walanghiyang 'to! Ako? Abnormal?

Pinaghahampas ko ulit siya ng unan. "Gold! Identity crisis nga kasi 'to! Ano ba! Bakit ba ayaw mong maniwala?"

I shrieked when he pulled me down suddenly then wrapped his arms around me. Ipinulupot din niya sa'kin 'yung isang binti niya. Hindi ako makahinga!

"Walanghiya ka, Gold! 'Wag mo 'kong rape-in, hindi kita type!" sigaw ko sabay pumiglas pero malakas talaga ang bakulaw.

"Asa ka naman. Gusto ko lang ng teddy bear." he said then hugged me tightly. Feeling ko talaga may lihim na pagtingin sa'kin 'to eh, wagas maka-chansing sa sexy kong katawan.

"So sinasabi mong mukha akong teddy bear?" naiiritang tanong ko. 

 He guffawed. "Oo. Ang taba mo kasi."

Ginamit ko ang lahat ng lakas na meron ako para makawala kay Gold. Napantig kasi ang tenga ko sa sinabi niya eh. Ako? Mataba? Ang sexy ko kaya!

Tumayo ako sa harapan niya at pumamewang. "FYI, Gold Matthew Kendall. Hindi ako mataba!" sabi ko at tiningnan naman niya ako at ngumiti nang nakakairita. Bwisit lang.

"Mataba ka kaya." sabi niya kaya binato ko sa kanya 'yung nadampot kong unan, at syempre hindi rin nagpatalo 'yung loko kaya nauwi kaming dalawa sa isang pillow fight.

"Bwisit ka, Gold! Bwisit ka talaga!" sigaw ko sabay hampas sa kanya ng unan na para bang wala ng bukas.

"Bakit ba ayaw na ayaw mong nasasabihan ng mataba?" pabalik na sigaw niya sabay ilag.

Umirap muna ako bago ulit mamalo ng unan. "Eh kasi hindi naman totoo!"

Tumawa naman siya. "Totoo nga kasi, Alice! Wala ka kasing ginawa ngayong bakasyon kundi kumain!"

Mas lalong umusok ang tainga ko. Ang sarap kaya kumain!

Nagulat naman kami ni Gold nang biglang iniluwa ng pinto ang isang lalaking sa kasamaang palad ay hindi nabiyayaan ng abs at maihahalintulad sa isang tingting na palaging may buwanang dalaw. "Manahimik nga kayo! Ang ingay niyo hindi ko maintindihan 'yung binabasa ko!" sigaw niya sa'min habang may hawak na libro. Sinilip ko 'yung title sa pag-aakalang Fifty Shades of Grey 'yun, pero hindi naman pala. Mukhang mystery o horror base sa cover.

That Red-haired AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon