Ikalabintatlong Hibla
[ALICE]
"Bye, Mommy. Bye, Tito." sabi ko kay Mommy at Tito sabay halik sa mga pisngi nila.
"Bye, Clio." sabi ko kay Clio, anak ni Tito Clarence ( kapatid ni Daddy). Sila 'yung sinundo nila Mommy kahapon sa airport.
Hindi ako sinagot ni Clio pero ngumiti naman siya sa'kin kahit papaano. Napangiti na rin ako, para kasi akong nakatitig sa salamin kapag nakatingin ako sa batang 'to.
Pero simula noong namatay ang Mommy niya dahil sa isang aksidente ilang buwan na ang nakakalipas--- kung saan iniligtas siya ni Tita Regine mula sa pagkakabundol ng isang rumaragasang kotse at namatay sa mismong harapan niya, madalang nalang siyang marinig magsalita. Sabi daw ng mga doctor, sobra ang traumang naidulot kay Clio nang aksidente kaya siya nagkaganyan. At kung kailan siya gagaling? Walang nakakaalam.
Humarap na ako kay Daddy. "Daddy, tara hatid mo na ako."
"Tara." sabi niya at naglakad na kami papalabas sa gate.
Maaga akong gumayak ngayon para maaga rin akong makapasok. Hindi pa kasi ako handang makita si Gold.
Pero maiiwasan ko ba naman 'yun?
Nakatayo siya ngayon sa harapan ng gate nila, hinihintay siguro sila Silver at Copper.
Napatingin siya sa'kin kaya bumaling ako sa kabilang gilid at itinago ang mukha ko sa buhok ko.
Papasok na sana ako sa kotse noong biglang sumigaw si Daddy. "Gold! Papasok na rin ba kayo? Tara, sabay na kayo kay Alice!"
Shit.
Narinig ko naman ang pagtanggi ni Gold. "Hindi po, Tito. Ayos lang kami. Salamat nalang."
Nakahinga na ako ng maluwag. Kaya lang...
"Shut up, Gold! Of course, Tito. We would take the ride!" narinig ko nalang na sigaw ni Copper at pamaya-maya lang, nasa tabi ko na siya at hinawakan na ang kamay ko.
"Come on, babe!" sigaw pa nito sabay ngiti.
Ugh.Pahamak ka little pervert! Packing sheet of paper!
Pumasok na kami ni Copper sa loob, pinagsiksikan ko 'yung sarili ko doon sa gilid kahit maluwag naman 'tong kotse ni Daddy. Tapos ilang segundo lang, lumabas na 'yung makupad mag-ayos na si Silver sa bahay nila.
Nakita kong kinausap siya ni Daddy, tumango siya, sinigawan si Gold. At eto na nga, papalapit na sila sa kotse.
"What's wrong, babe? Do you have diarrhea?" tanong ni Copper na mukhang naguguluhan na dahil kanina pa ako natataranta dito sa loob ng kotse.
Tumingin ako sa kanya. "Wala, baliw! Basta dito ka lang sa tabi ko, ha?" sabi ko at napangiti naman siya.
Tapos nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa loob ng kotse, hindi siya nauntog kasi nga maliit lang siya. "I knew it, babe! You have a crush on me, too! Or better yet, you're already madly and deeply in love with me! Oh, God! I think I'm gonna faint! Catch me, babe!" sabi niya sabay arte na nahihimatay kaya napaatras ako sa kabilang gilid, at sa kamalas-malasang pagkakataon--- nakapasok na pala sa loob si Gold kaya nabunggo ko siya at nagkatinginan kaming dalawa.
Shit. Shit. Shit. SHIT!
Bigla namang nagfake-cough si Daddy. Parehas nanlaki ang mga mata namin nang marealize namin na ilang segundo na pala kaming nagtititigan kaya umusog ako sa kabilang gilid--- sa tabi ni Copper at yumuko.
BINABASA MO ANG
That Red-haired Alice
Teen Fiction| COMPLETED | COVER BY @PASTELDRIPS | Si Alice ay isang magandang--- este dyosang halimbawa ng isang modernong dalaga na talaga namang hindi biniyayaan ng kahinhinan. Maingay, magaslaw, hambog at nagtataglay ng kung ano-ano pang katangian na talaga...