"So this is me swallowing my pride, standing in front of you saying I'm sorry for that night..." - Back to December by Taylor Swift
------X
Ikalimang Hibla
[ ALICE ]
Nakapikit lang ako habang tumutugtog ng piano at dinadama ng mabuti ang bawat nota na lumalabas mula dito.
Wala naman talaga akong specific na piece na tinutugtog--- hinahayaan ko lang na ang puso ko ang magdikta ng mga susunod na nota.
Dalawang araw na nga pala akong absent. Hindi nga kasi ako nakakainom ng gamot diba? Tapos hindi pa ako mapirmi ng nakahiga lang kaya palagi akong nabibinat.
Binisita na rin nga pala nila akong lahat pwera nalang kay Silver.
Sabagay, ako rin naman ang may gustong mapalayo siya sa'kin--- na magalit siya sa'kin.
Napansin kong lumungkot ang tono ng tinutugtog ko, nadadala ata ng emosyon ko.
Pumikit ako at inalala 'yung panahon kung kailan dinurog ko ang puso ng isang Silver Hendrix Kendall.
Malapit kami ni Silver sa isa't-isa noon. Palagi kaming nagtatawanan, palaging nagkwekwentuhan. Akala ko ginagawa lang niya 'yung lahat kasi magkaibigan kami. Pero nagulat ako noong isang araw nang magtapat siya sa'kin.
"Mahal kita, Alice..."
Napatulala nalang ako noong araw na 'yon. Ako? Gusto ni Silver? Sobrang nakakagulat.
Sinimulan niya na noon ang panliligaw sa'kin--- walang nakakaalam maski si Gold. Pero isang araw, narealize ko na hindi ko naman mahal si Silver eh. Bakit ko pa ba siya pinapaasa?
Sinabi ko noon kay Silver na kailangan naming mag-usap. Mas gusto ko pang magmukhang masama kaysa masaktan siya sa huli.
Ganun naman lagi eh... ako ang palaging masama.
"Alice... tungkol saan ba 'yung pag-uusapan natin?" tanong niya sa'kin habang nakangiti.
"Silver... itigil mo na 'to."
His smile faded. "Ano bang sinasabi mo, Alice?" mautal-utal pa niyang sabi.
"Silver... itigil mo na 'tong panliligaw mo sa'kin. Hindi kita gusto."
Pinipilit ko noon na pigilan ang mga luha ko. Kailangan kong magmukhang masama--- kailangan niya akong kamuhian.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Pero matututunan mo rin 'yon, Alice! Lahat naman ginagawa ko na diba? Hindi pa ba 'yon sapat?"
Umiling ako. "Hindi, Silver... sorry."
Inalis niya ang mga kamay niya sa braso ko at tumawa ng mapakla kahit patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. "Ang tanga ko rin pala 'no? Bakit pa ba kasi ako umasa?!" sabi niya sabay suntok sa pader na nasa likuran ko.
Pumikit ako at pinigilan ang sarili kong yakapin siya--- na patahanin siya tulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing umiiyak ako simula pa lamang noong mga bata pa kami.
"Kalimutan mo nalang na minahal mo ako, Silver."
Lumakad ako noon at tumalikod sa kanya. At sa pagtalikod ko--- naguna-unahan na ang mga luha sa pagpatak mula sa mga mata ko.
"Yan ba ang gusto mo, Alice? Sige, pagbibigyan kita." galit niyang sabi.
Sige lang, Silver... magalit sa sa'kin--- magalit ka hanggang matabunan na ng galit mo ang pagmamahal mo para sa'kin.
BINABASA MO ANG
That Red-haired Alice
Teen Fiction| COMPLETED | COVER BY @PASTELDRIPS | Si Alice ay isang magandang--- este dyosang halimbawa ng isang modernong dalaga na talaga namang hindi biniyayaan ng kahinhinan. Maingay, magaslaw, hambog at nagtataglay ng kung ano-ano pang katangian na talaga...