Chapter 43

33 1 1
                                    

A/N: Hi guys! So habang may 1 week pa akong bakasyon, I'll try my best para matapos ko na tong Dreaming of you. Excited na kasi akong i-publish yung KN FanFic ko so ayun. 

Btw, 7 chaps remaining nalang, including special chaps na siya :)

Follow me on my acct:

Facebook: https://www.facebook.com/bluevioletlovewp

Enjoy reading! :) 

--

Dani's POV

"Wala na si Cleonel, Areya..." pagdating na pagdating palang ni kuya dito sa states, eto na agad ang bumungad saking balita. "Hindi ka ba pupunta man lang sa burol niya?" 

Halos anim na buwan na ako dito sa states pero hanggang ngayon natatakot padin akong umuwi ng Pilipinas. Hindi ko din alam kung pupunta pa ako sa burol ni Cleo o hindi. Alam kong malaki ang naging hindi namin pagkakaintindihan pero bago naman ako umalis, nagkaayos naman kami. Pero kinakatakutan ko sa lahat... magkikita kami ni Sev dun. Ayoko na ulit tabuyin niya ako katulad ng pagtataboy niya sakin 6 na buwan ng nakakalipas.

"Hindi ko pa alam kuya." 

"Kaya ako andito para sunduin ka at sabay tayong pupunta kay Cleonel. Hinahanap ka nadin ni daddy. Kaya please Areya? Sumama ka na sakin."

Kahit anong pilit sakin ni kuya hindi padin niya ako napapayag kaya nauna na siyang umuwi kinabukasan. 

Simula nung umalis ako ng Pilipinas, nawalan na ako ng balita sakanila. Kung hindi pa magkw-kwento si kuya hindi pa ako makakarinig ng balita sakanila. Kay Sev? Wala akong balita. Ang alam ko hindi niya tinatanggap yung sulat ko.

Huling araw na ng burol ni Cleo at sa susunod na araw na ang libing niya. Tumawag si daddy sakin para sabihin na umuwi ako kahit saglit lang. 

Buong araw kong pinagisipan kung handa ba akong harapin ang lahat at harapin ang puntod ni Cleo.. Baka di ko kayanin. Pinabook ko ang flight ko sa secretary ni daddy. 

'Hinga Dani. Hindi ka naman magtatagal sa Pilipinas. Pupuntahan mo lang si Cleo tapos aalis ka na ulit. Kalma ka lang'  paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko yan habang lumalapag ang eroplano sa airport. Ilang minuto nalang nasa Pilipinas na ulit ako.

Sev's POV

"Sev anak?" bumalik ang sistema ko ng tawagin ako ni mommy "Magsisimula na ang libing ni Cleonel."

"Sige po bababa na po ako." 

Kanina pa kasi ako nandito sa kotse pagdating namin ng sementeryo. Hindi ko pa kasi kayang bumaba. Hindi ko padin kasi tanggap ang pagkawala ni Cleo. Ang sakit padin.

Habang papalapit ako sa lugar kung saan ililibing si Cleo, natatanaw ko yung mga kaibigan namin nung highschool, ang barkada at ang daddy niya.

'Ang dami naming nagmamahal sayo Cleo.. Bakit mo naman kami iniwan agad? Miss na miss ka na naming lahat...'  bulong ko sa kabaong niya. 

Pagkatapos ng libing, dumiretso sila agad sa bahay nila Cleo. Sa bahay ng mommy niya, hindi sa bahay nila Mr. Burton. Naiwan ako dito sa sementeryo at pinapanood kong ayusin nila ang huling hantungan ni Cleo. 

Habang pinagmamasdan ko kapaligiran, biglang humangin ng malakas. Alam kong andito siya, nararamdaman ko siya. Para bang sinasabi niya sakin na nakikita niya ako at wag na daw akong malungkot.

"Paano nga ba maging masaya Cleo?" sabi ko sa tapat ng puntod niya

Pagkatapos ay dumiretso agad ako sa bahay nila Cleo. Andun na kasi silang lahat ako nalang ang inaantay nila. Pagkadating ko dun, nakaalis na pala si Mr. Burton. Nagmamadali daw siyang umuwi sabi nila mommy. Pinagtataka ko lang.. hindi man lang nagpakita o dumalaw si Dani sa kapatid niya? Alam kaya niyang wala na si Cleo? Siguro naman alam niya? Pero bakit wala siya???

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon