Chapter 38

41 3 0
                                    

A/N: Last update bago magpasukan!!! ♥ Susubukan ko parin mag-update ng weekdays if ever may free time ako. At tska kasi may sinusulat akong panibagong kwento :) KathNiel Story siya so sana suportahan niyo rin :) ♥

Follow me on my accts:

Facebook: https://www.facebook.com/ilalovebee

Twitter: https://twitter.com/ilalovebee

Tumblr: iloveblueviolet.tumblr.com

Instagram:@mvmangarin

Enjoy reading! :)

--

Sev's POV 

Maaga akong nagsimulang magayos para sa gaganapin na Ball mamayang gabi. First time kong mararanasan to sa buong buhay ko. Sana maging memorable ang gabing to...

"Sev? Andito na yung pina-laundry mong damit kay manang.." sabi ni mommy pagkapasok niya ng kwarto ko dala-dala yung damit na susuotin ko mamaya. 

"Sige My, palagay nalang po dyan sa kama." 

Umalis narin kagad si mommy pagkalagay niya ng suit ko para mamaya. Habang ako naman kanina pa hindi mapakali sa kakatext kay Dani. Hindi pa kasi siya nagtetext ngayong umaga. Last text niya sakin ay yung pagkauwi namin sa bahay pero hindi ko na nareplyan dahil sa nakatulog ako agad. Nagalit kaya sakin yun? 

 Mabilis na lumipas ang oras at 5pm na. Mamayang 7pm pa ang Ball pero kailangan ko ng magayos. Dapat susunduin ko si Dani pero hindi parin siya nagrereply hanggang ngayon. Nag-aalala na ko.

"'Nak?"

"Oh My? Bakit po?"

"May naghahanap sayo sa baba.."

"Ah sige po. Sunod na po ako."

Sumunod narin agad ako kay mommy pagkaligpit ko ng mga gamit. Nakaligo na naman ako kaya hindi na hassle para mamaya. Pagkababa ko sa sala nakita ko na agad yung likod nung naghahanap sakin.

"Ti-tita Isabel?" napatayo si tita pagkatawag ko sakanya. Umiiyak na naman siya..

"S-sev.."

"Ano pong ginagawa niyo dito? At bakit po kayo umiiyak?"

"Si C-cleo.." pagkarinig ko ng pangalan ni Cleo bigla akong kinabahan.

"B-biglang huminto ang pag-pump ng blood sq puso niya. S-sev.. Muntik na siyang mawala sakin... Muntik ng mawala ang anak ko." hindi pa man naaabsorb ng utak ko ang mga sinabi ko bigla na naman siyang lumuhod sa harap ko. Pati si mommy umiiyak na sa tabi ni Tita Isabel.

"Ma-mahirap po kasi ang pinapagawa niyo tita. Ilang oras nalang po ay makukuha ko na ang sagot ng babaeng pinakamamahal ko..."

"Pe-pero Sev.."

"Sorry po tita. Pwede naman po ako maging kaibigan ni Cleo pero hindi ko po siya kayang balikan."

Pagkatapos nun ay dumiretso na ko paakyat sa kwarto ko. Nasira bigla ang mood ko sa nangyare. Oo, mahalaga sakin si Cleo pero mas mahalaga kasi si Dani para sakin. Siya ang mahal ko at hinding hindi ko siya bibitawan. Ipinangako ko sakanyang aalis lang ako kapag narinig ko na mismo sa bibig niya na umalis na ko sa buhay niya. Hangga't gusto pa ni Dani na manatili ako sa tabi niya hinding hindi ako aalis. Pangako yan!

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon