Chapter 45

57 1 0
                                    

Sev's POV

Bago bumalik si Dani ng states, sinigurado muna naming okay na kaming dalawa. Wala ng galit at tampo sa isa't isa. 

Ayoko man na umalis siya pero tama si Dani.. Kailangan namin makapagtapos muna bago namin unahin ang isa't isa. Malaki naman ang tiwala ko na hindi ako ipagpapalit ni Dani, ang dami na naming pinagdaanan, LDR lang hindi pa ba namin malalagpasan?

'Teka! Hindi ko padin natatanong kung kami na ba???' bulong ko sa sarili ko. Naurong kasi yung pagsagot niya sakin noon diba? Dahil sa nangyare kaya hindi natuloy.

*calling Danimichelle ^^...* shet naman ring lang ng ring! 

"The subscriber cannot be reached. Please try again later"  shet nakapatay na phone niya! Hay bahala na nga. Hintayin ko na nga lang ang pagbalik niya. Mabilis nalang din naman ang 4 na taon eh.


3 years later.... 


"Omg Sevyyy!!! Hindi ako makapaniwala na bukas gagraduate na tayo!!! Grabe parang kelan lang kakatapak lang natin dito sa university na to!" kanina pa paulit-ulit na sinasabi sakin ni Ardie yan. Pero hindi ko padin siya pinapansin. "Huy!!! Ano ka ba Sev! Kanina pa ko dakdak ng dakdak dito tapos di ka pala nakikinig sakin! Ano ba yang ginagawa mo sa cellphone mo? Matutunaw na yan kakatingin mo eh!" 


Ano nga ba ginagawa ko dito sa cellphone ko? Halos magtatatlong buwan na kasing hindi nagpaparamdam si Dani sakin. Walang chat o video call akong natatanggap. Tinatawagan ko naman sa viber or hangouts pero hindi sumasagot. Nagaalala na nga ako eh! 


"Teka nga Boyd! Wag kang magulo. Ayokong kumurap dito baka biglang magonline sa skype si Dani eh!" 

"Hay nako! Tigilan mo na muna yan. Halika na manlilibre daw si Vince!" 

"Wow ah himala! After 4 years??? Ngayon lang siya manlilibre?" 

"Oo nga eh. Nagulat din ako! Hahaha!" 


At dahil mainipin ang bestfriend ko, tinago ko na ang cellphone ko para makapunta na kami ng tambayan. Wala na kasi kaming pasok, practice nalang ng graduation. Eh dahil bukas na ang graduation, half day ang lahat para makapag-prepare daw bukas. 

Tama si Ardie, parang kelan lang kakatapak lang namin dito, bukas aalis na kami sa B.U. Parang kelan lang din broken-hearted pa ako kay Cleo tapos ngayon may Dani na akong hinihintay. At parang kelan lang buhay pa si Cleo... Sana nandito siya para kasabay namin siyang mag-mamartsa bukas at tatanggap ng diploma. 

Pagkarating namin ng tambayan, kami nalang pala ni Ardie ang wala. Kakakuha lang kasi ni Ardie ng toga niya dahil wala siya kahapon. Sinundo kasi niya ang parents niya sa airport. 


"Buti naman dumating na ang dalawa!" sigaw ni Vince "Kala ko makakaligtaan niyo ang panlilibre ko eh!" 

"Hoy Padilla! Ano nga bang nakaen mo at manlilibre ka? Sa tagal natin magkaibigan ngayon mo lang ata ako malilibre!" sabi ni Rylie


Nagtawanan ang lahat dahil sa biro ni Rylie. 

Habang masayang nagkekwentuhan ang barkada, napansin ko na kanina pa pala nakatingin sakin si Ry.


"Pre, bakit?" tanong ko sakanya

"Ah wa-wala. Kamusta ka naman? Nagkausap na ba kayo ni Areya?" nagkausap na ba kami? So ibig sabihin hindi din nila nakakausap si Dani??

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon