Chapter 39

44 3 0
                                    

A/N: Hi guys! Break time ko sa paggawa ng plates kaya mag-u-update ako! Yey! Sorry medyo mabagal update ha? :)

Follow me on my accts:

Facebook: https://www.facebook.com/ilalovebee

Twitter: https://twitter.com/ilalovebee

Tumblr: iloveblueviolet.tumblr.com

Instagram:@mvmangarin

Enjoy reading! :)

--

Third Person's POV

Dumiretso si Sev sa playground pagkarating niya ng B.U. Wala siyang pake kung ma-late man siya sa ball ngayon gabi o hindi. Ang importante ay hihintayin niya si Dani dito sa playground kung saan una niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam kay Dani.

"Sev pasensya na. Ayaw kasi ni Dani makipag-usap ngayon.."

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ni Sev ang mga sinabi ni Rylie kanina. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Bakit bigla-bigla nalang ayaw siyang kausapin ni Dani? Anong nangyari?

Lumipas ang 2 oras pero wala paring Dani na nagpapakita. Kanina pa nag-uumpisa ang party pero parehong missing in action sila Sev at Dani.

Kahit na alam ni Rylie kung nasaan ang dalawa, mas pinili na niyang manahimik.

"Asan na ba sila Sevy? Nako naman!" reklamo ni Ardie dahil kanina pa sila inip na inip sa kakaintay kay Sev.

"Chill nga Ardie. Malay mo nagpapagwapo lang yun!" sabi naman ni Vince.

"Nagpapagwapo? Eh tumawag ako sakanila kanina bago ako umalis eh. Sabi ni tita maagang umalis si Sev sa bahay."

"Eh saan naman yun pupunta?"

"Hindi ko alam.."

Wala nang umimik pa sa kanila at nagpasya nalang na enjoyin ang gabi.

Sa kabilang dako naman ay tahimik parin naghihintay si Sev sa may swing. Hindi man lang nagbago ang pwesto niya simula nung nakarating siya rito.

"Dani please.." bulong niya sa sarili nito.

Unting unti tumulo ang mga luha ni Sev sa kanyang mga mata. Hindi na niya napigilan pa ang luha niya kaya bigla nalang itong bumuhos.

Ang sakit sakit lang na hindi talaga nagpakita si Dani sa kanya. Kala niya ito na ang pinakamasayang araw sa buhay niya yun pala isa ito sa pinakamalungkot na araw sa buhay niya.

Tumayo siya sa swing at nagsimulang maglakad palabas ng playground. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa dalhin siya ng mga paa niya sa bahay nila Dani.

"DANI! PLEASE LUMABAS KA DYAN! DANI KAUSAPIN MO NAMAN AKO OH! PARANG AWA MO NA!" sigaw nito mula sa labas ng bahay nila Dani.

Lumabas ang katiwala nila at hinarap si Sev.

"Sir.. Wala po rito si Mam Dani. Hindi pa po sila umuuwi simula kagabi."

"Asan po sila manang?"

"Hindi ko po alam sir."

Bumalik na sa loob yung katiwala at nagpasya siyang maghintay nalang sa labas ng bahay nito.Makalipas ang isang oras ay nagsimulang bumuhos ang ulan.

"Fck! Bakit ngayon pa umulan!?" bulong nito sa sarili niya.

Hindi nalang ininda ni Sev ang ulan at nagpabasa nalang siya. Tutal basa narin siya kaya bakit sisilong pa siya?

*beep beep*

Nakarinig si Sev ng busina ng sasakyan kaya bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya.

"Dani?" tawag nito nang may lumabas na babae mula sa kotsenh bumubusina.

"Sev? A-anong ginagawa mo dyan? Ang lakas ng ulan!"

"Da-dani.." unting unti nakaramdam si Sev ng pagkahilo at panghihina dahil sa pagbabad niya sa ulan. Magda-dalawang oras narin siyang nakababad sa ulan.

"Oh my god Sev! You're burning! Manang!!!! Manang tulong!!!" tumawag si Dani ng tulong mula sa loob ng bahay nila at ipinasok si Sev sa kanila. Inihiga naman nila si Sev sa kama ni Dani.

Pinagpalit rin nila si Sev ng damit dahil basa ang mga damit nito. Mabuti nalang ay kasya ang damit ng kuya niya rito.

Pinunasan niya si Sev ng maligamgam na tubig para bumaba ang lagnat nito. Sinubukan niya rin ito painumin ng gamot pero hindi niya ito magising kaya nagpasya siyang mamaya nalang pagnaalimpungatan ito.

"Da... Dada..." nagising si Dani dahil sa nananaginip yata si Sev.

'Dada..' sabi niya sa isip niya.

"AAAAHHH! DADA!" bigla nalang sumigaw si Sev kaya nagising ang buong diwa ni Dani.

"Sev okay ka lang ba?"

"Dani? Nasaan ako?"

"Nag-collapse ka sa may gate kanina. Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagpabasa ka sa ulan!?"

"Hinihintay kasi kita Dani. Kailangan natin mag-usap."

"Sev.. Wala na tayong dapat pag-usapan pa."

"Meron Dani! Marami!"

"Sev tama na.. Itigil mo na toh."

"Hindi Dani. Hindi ako titigil."

"Sev please. Stop this nonsense."

"Nonsense? Huh! Sa tingin mo walang kwenta tong ginagawa ko sayo? Dani mahal kita at gagawin ko ang lahat para sayo. Kung natatakot kang saktan kita, hindi yun mangyayari. Kung natatakot kang iwan kita, hinding hindi rin yun mangyayari!"

"Hindi mo kasi naiitindihan Sev eh. Please itigil mo nalang toh. Mas lalo lang natin sinasaktan ang isa't isa eh!"

"Ipaliwanag mo kasi Dani!" nakita niyang huminga muna ng malalim si Dani bago ito magsalita ulit.

"Ako ang batang nang-iwan sayo noon.. Ako si Dada, Sev."

Hindi makapaniwala si Sev sa sinabi ni Dani. Bigla nalang sumakit ulit ang ulo niya at para bang nagflashback lahat nang nangyari sakanya noon. Kasama ang mga alaala niya kay Dada.

"No.. Hindi to totoo... Hindi..."

"I'm sorry Sev..."

"Please tell me Dani you're lying?! Tell me!!"

Hindi na nakaimik pa si Dani kaya tumakbo na palabas ng bahay nila si Sev. Mabuti nalang ay wala oa ang kanyang kuya kaya hindi niya kailangan ipaliwanag pa ang nangyari.

Halos bumigay ang buong katawan ni Dani dahil sa pagod. Napagdesisyunan kasi niyang bantayan si Cleo sa ospital para makabawi sa mga nangyari sakanila noon. Yun rin ang rason kaya hindi siya nakaattend mg B.U. Ball.

"Aminin mo na kay Sev na ikaw si Dada..." biglang nagreplay sa utak niya yung hiling ni Cleo sakanya.

"Nagawa ko na ang gusto mo Cleo. Sabi na sayo, magagalit siya.. Siguro mas mabuti ng galit siya sakin ngayon. Para mas mapadali ang pag-iwas at pag-le-let go ko sakanya..."

--

Bluevioletlove's Note ♥

Short update! Enjoy!

xx

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon