Chapter 37.2

82 3 0
                                    

A/N: Last part ng chapter 37 :) Sorry late update! :)

Follow me on my accts:

Facebook: https://www.facebook.com/ilalovebee

Twitter: https://twitter.com/ilalovebee

Tumblr: iloveblueviolet.tumblr.com

Instagram:@mvmangarin

Enjoy reading! :)

--

Sev's POV 

Maaga akong gumising para makapag-prepare para sa talent portion mamaya. Grabe! Kinakabahan talaga ako. Sana hindi ako magkamali T____T Sobrang pressure na ko dito kahapon pa! Buti nalang medyo madaling chords yung binigay sakin ni Leanne kaya nakaya ko siyang gawin. Bilib nga ako dun sa babaeng yun, ang galing mag-gitara! 

Dumiretso na agad ako sa B.U pagkabihis ko at pagkakaen ko. Magpapractice parin kasi kami ni Leanne para mamaya. Kailangan smooth ang performance namin para maganda yung tunog nung kanta. 

"Hey Leanne!" tawag ko sakanya pagkapasok ko ng room.

"Uy aga mo ah?"

"Kinakabahan kasi ako eh. Ano practice tayo?" 

"Sige sige. Kunin ko lang gitara ko." 

Buong umaga lang kami ngpractice ni Leanne para sa talent portion mamaya. Pag-break naman, jamming ang buong block. Kaya hindi ganun ka-boring yung araw na to para samin. Hindi na nga ako nakadaan sa room nila Dani para kamustahin siya. Gising na kaya yun? Itetext ko na sana siya nang may biglang tumawag sakin mula sa pintuan.

"Sevyyyyy!" pagkalingon ko, nakita ko si Ardie. Mukhang kanina parin siya practice ng practice. Pawis na pawis kasi siya at naka-training outfit parin. 

"Hoy Ardie! Hindi ba uso sayo magpunas ng pawis? Tingnan mo nga oh! Pag ikaw natuyuan ng pawis, lagot ka sakin!"

"Awwwhhh! Ang sweet naman ni Sevy."

"Heh! Bakit ka pala andito?"

"Halika sumama ka sakin!"

"Saan naman tayo pupunta, aber?"

"Basta! Wag ka ng maraming tanong!"

Bago ako sumama kay Ardie, nagpaalam muna ako sa block. Tinanong pa nga ni Vince bakit siya hindi kasama eh. Pero nagkibit-balikat nalang ako sakanya at dumiretso na pabalik kay Ardie.

Dire-diretso lang kami ng lakad ni Ardie hanggang sa umabot kami sa tambayan. Ano kayang meron? Tsk! Pinapasok ako ni Ardie sa loob kahit na nakapatay ang ilaw. Anong meron?

"One..Two..Three....Surprise!!!!" 

Nilingon ko yung mga boses na naririnig ko at saktong bumukas ang ilaw. Nakita ko rin sila Rylie at Eric sa tabi ko na parehong gulat na gulat rin sa nangyayari. Alam niyo ba kung ano? Isang romantic lunch set-up ang nasa harap naming 3. 

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon