Chapter 30

84 3 1
                                    

A/N: Here's an update for you guys! Hope you'll like it!

 

Follow me on my accts:

Facebook: https://www.facebook.com/ilalovebee

Twitter: https://twitter.com/ilalovebee

Tumblr: iloveblueviolet.tumblr.com

Instagram:@mvmangarin

 

Enjoy reading! :)

 

--

 

Sev's POV

 

Simula ng nakita ko si Dani pagkagising ko pakiramdam ko sobrang kumpleto na yung araw ko. Pinauna ko narin si Dani sa baba para makapagalmusal. Baliw talaga yun, umalis ng bahay nila ng hindi pa nakakapagalmusal. Tsk tsk! Buti nalang at naisipan niyang dumaan dito samin. 

 

Habang naliligo ako hindi ko maiwasan hindi isipin kung anong pakiramdam ni Dani na magkapatid sila ni Cleo. Nahihirapan ba siya? Natatakot ba siya dahil may nakaraan kami ni Cleo? Gusto kong malaman kung anong nasa isip ni Dani. Ayokong isipin niya na may koneksyon kay Cleo ang nararadaman ko para sakanya. Hihintayin ko nalang yung right time para itanong ko kay Dani kung ano bang nararamdaman niya. Kailangan kong iparamdam sakanya na andito lang ako lagi para sakanya. Hinding hindi ko siya iiwan. Kahit na ipagtabuyan niya pa ko, hinding hindi ko siya isusuko.

 

Pagkatapos kong maligo. bumaba narin ako agad para makapagalmusal. Naabutan ko si Purplee, Dani at manang na masayang nagke-kwentuhan sa mesa. I guess hindi pa ito ang right time para malaman ni Dani na alam ko na lahat. Ayokong mawala sa mga mukha niya ang mga ngiti na siyang nagpaibig sakin..

 

"Ang saya niyo ah?" pambungad ko sakanilang lahat. Bago ako umupo ay hinalikan ko muna ang tuktok ng ulo ni Dani at tska tumabi sakanya. Nakita kong nagulat siya dahil sa ginawa ko.

"Yieeee ang sweet!" pang-aasar ni Purplee at manang samin at lalong namula si Dani.

 

Matapos namin kumaen ay nag-ayos na kami para makaalis na papuntang B.U. Dinaan muna namin si Purplee sa building niya at tska kami pumunta sa tambayan ni Dani. Nadatnan namin na kararating lang pala din ni Rylie at Ardie sa tambayan.

 

"Huy guys! Excited na ako next week!!!!" masayang sabi ni Ardie samin.

"Ako rin! For sure marami na naman pakulo ang B.U. nun!" masayang sagot ni Dani kay Ardie.

"Eh ano bang meron sa foundation week?" tanong ko

"Nako marami pare. Pero pinakahighlight nun yung sa last day, meron kasing parang ball nun. Pero wala pa rin akong nasasagap na news about sa mga events. Baka ipopost nila within this week.." sabi ni Rylie

"Lalo tuloy akong naeexcite!" sabi ni Ardie

 

Matapos naming magkwentuhan ay nagkanya-kanya na kami ng alis. Hinatid ko na si Dani sa room niya at tska ako pumunta sa room ko. Pagkadating ko ay sobrang busy na ni Vince sa kakatext.

 

"Huy pre. Busy mo na naman dyan sa cellphone mo ah? Sino yan? Bagong chix mo?" 

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon