Chapter 42

33 1 0
                                    

A/N:

Third Person's POV


"Naalala ko na ang lahat, Cleo..."


Gulat na gulat na tiningnan ni Cleo ang katabi dahil sa sinabi nito.

'Ano??' sabi ni Cleo sa isip niya.


"Hindi ko alam paano nangyari pero pagkagising ko nun sa hospital, naalala ko na ang lahat..." malungkot na sabi ni Sev

"Bakit hindi mo agad sinabi? Bakit kailangan mo pang ipagtabuyan si Dani?"

"Dahil siya ang dahilan bakit namatay si daddy... Umuulan noon ng nalaman kong umalis siya at iniwan ako. Iyak ako ng iyak kaya ang ginawa ni daddy, sinamahan niya akong puntahan si Dada sa airport..." huminga ng malalim si Sev habang kinukwento nya kay Cleo ang mga nangyari sa kanila ng daddy niya.

"Ang lakas ng ulan nun, Cleo. Minamadali ko pa si daddy para maabutan pa namin sila Dada. Pero mabilis ang pangyayari... Nakita ko nalang na inaakap na ako ni daddy dahil may sasakyan na papunta samin..."

"Hi-hindi ko maintindihan Sev... Hindi mo ba siya kayang patawarin? Matagal na yun."

"Cleo... Paano ko mapapatawad ang dahilan ng pagkamatay ng daddy ko? Kung ako nga hindi ko mapatawad ang sarili ko sa pagkamatay ni daddy. Siya pa kaya?"

"Sev, kung nabubuhay man si tito for sure sasabihin nun sayo na wag mong pahirapan ang sarili mo.."

"Hindi ko alam Cleo. Hindi ko na alam..."


Hindi na muli pang nagtanong si Cleo kay Sev matapos silang mag-usap. Hinintay lang niyang makatulog si Sev pagkatapos ay bumalik na din siya ng hospital. Hinang hina na ang pakiramdam niya pero iniinda nalang niya ito dahil hindi pa niya pwedeng iwan ng ganto si Sev.

Pagkabalik niya sa hospital ay naabutan nya si Rylie dun.


"Kamusta si Sev?" tanong sa kanya ng kapatid.

"Nakakaalala na siya, Rylie."


Ikinuwento ni Cleo lahat ng sinabi sa kanya ni Sev. Hindi alam ng dalawa kung anong gagawin nila. Ngayong, umalis na si Dani at bumalik na ang alaala ni Sev...

Dumating ang mga doctor ni Cleo para matingnan siya. Wala pa din pinagbago ang mga resulta... Mamamatay pa din siya.

Mabigat ang loob ni Cleo dahil hindi na nagbago ang resulta nito.

'Paano na si Sev...'

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Cleo at pumasok doon ang mangiyak-ngiyak na si Sev.


"Sev? Bakit ka andito?" tanong ni Cleo kay Sev

"Cleo... Bakit hindi mo sinabi na hindi ka na gagaling? Bakit hindi mo sinabi?!" galit na sabi nito kay Cleo habang pumapatak ang luha sa kanyang mukha.

"Pa-ano mo nalaman?"

"Kinausap ko yung mga doctor mo. Cleonel, bakit?"

"Ayoko na kasing dumagdag pa sa problema niyo..." malungkot na sabi nito

"Pero Cleo, hindi mo kailangan ipagsiksikan ang sarili mo sa amin dahil kahit na noon pa, mahalaga ka na samin. Kaya hindi ka dumadagdag."

"I'm sorry..." humihikbing sabi ni Cleo

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon