Chapter 28

64 2 1
                                    

A/N: Hello!! I'm back! Sorry sa mga nabitin last chapter :)

Dedicated nga pala ang chapter na to kay @watty_promote. Thank you guys for promoting Dreaming of you!! Love you guys! ♥ 

Follow me on my accts:

Facebook: https://www.facebook.com/ilalovebee

Twitter: https://twitter.com/ilalovebee

Tumblr: iloveblueviolet.tumblr.com

Instagram:@mvmangarin

Enjoy reading! :)

 --

Sev's POV

"Mr. Burton?"

Nagulat ako ng makita ko ang daddy nila Rylie sa loob ng kwarto ni Cleo. Siya ba ang kausap ni Cleo kanina? Eh daddy ni Cleo yun eh.. Hindi kaya?

"Oh Sev.. Anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ko lang po si Cleo.. Magkaibigan po kasi kami.." nakita kong parang nabigla si Mr. Burton sa sinabi ko.

"Oh so you're friends with Cleonel too? What a coincidence!"

"Dad!" napatingin ako kay Cleo ng marinig kong tinawag niyang "Dad" si Mr. Burton. So tama ako? Ibig sabihin ba nito magkakapatid sila?! Ano ba ang gulo gulo!

"Okay okay, I'll go now. Please take care of yourself Cleonel. I'll be back later." sabi niya kay Cleo at hinalikan ang tuktok ng ulo nito at tumingin sa akin. "Please don't leave her, okay?"

Hindi ko alam kung double meaning ba yung sinabi ni Mr. Burton o hindi eh. Kaya napatango nalang ako sa kanya at lumabas na siya ng kwarto.

"Sev.." rinig kong tawag sakin ni Cleo pero hindi ako lumilingon. Hindi ko parin matanggap ang mga nalaman ko ngayon.."Alam kong naguguluhan ka ngayon.. Pero Sev kausapin mo naman ako.."

"Hindi na muna ako magtatanong tungkol sa pamilya mo.. Hindi naman kasi yun ang ipinunta ko rito..."

"A-anong gusto mong malaman?"

"Tama ba ang narinig ko kanina na you're dying? Tama ba Cleo!?" nanginginig ako sa galit habang tinatanong ko kay Cleo ang mga narinig ko kanina.. "Tell me Cleo it's not true! Tell me!"

"Hindi yun totoo... Ma-masyado lang siyang OA.. Wa-wag kang maniwala sa narinig mo kay da-daddy.." pilit na pilit na ngiti ang lumabas sa mukha ni Cleo.

"You're lying.."

"Hi-hindi Sev.. Totoo ang sinasabi ko.."

"Naniniwala ako sayo Cleo.. Sinabi mo sakin na gagaling ka kaya yun ang panghahawakan ko..."

Mabuti na lang at dumating na din agad si Tita Isabel.

"Sev? Andito ka pala.."

"Opo dinalaw ko lang po si Cleo. Pero paalis narin po ako.."

"Ah ganun ba. Sige magiingat ka.."

Bago ako lumabas binigyan ko ng isang makahulugang tingin si Cleo. Alam kong alam niya ang gusto kong iparating..

Sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso na ko pauwi. Bago ako bumaba inalala ko ang mga paguusap namin ni Cleo nun sa rooftop. Yung araw na sinabi niya na nakilala na niya ang daddy at mga kapatid niya.. Ibig ba niyang sabihin ay hindi siya tanggap nila Rylie at Dani? Kaya ba ganun nalang siya mag-react nung nalaman niyang si Rylie ang mahal ni Ardie?

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon