Chapter 37.1

104 2 0
                                    

A/N:Hello! Continuation ng foundation week sa Burton University!!! Break muna sa malulungkot na scene. :) Hinati ko yung chapter na to sa parts. PAALALA: Medyo mahaba kaya pagtyagaan ♥

Follow me on my accts:

Facebook: https://www.facebook.com/ilalovebee

Twitter: https://twitter.com/ilalovebee

Tumblr: iloveblueviolet.tumblr.com

Instagram:@mvmangarin

Enjoy reading! :)

--

Sev'sPOV

Monday

Hindi parin ako makapaniwala na kami ni Leanne ang nanalo ng Mr. & Ms. Business Management 20**. Hindi na nga namin masyado sineryoso yung pag-rampa tska yung Q&A eh! Nakakainis, dagdag problema na namin to sakin. Kinakabahan ako!

"Huy Sev! Tulong naman dito sa paggawa ng props!" sigaw ni Vince sakin. Siya kasi ang na-assign sa classroom design diba? So busy siya sa paggawa ng mga props at design para ilalagay sa room.

"Hanggang ngayon parin ba di ka parin makapaniwala? Tsktsk! Grabeng hangover yan ah!"

"Tumigil ka Padilla ah! Upakan na kita dyan!"  

Monday na ngayon at abalang-abala ang buong block para sa classroom design na gaganapin sa Wednesday. Kasabay nun ang talent portion para sa Mr. & Ms. B.U. 20**. Wala parin kaming naiisip ni Leanne na talent na gagawin namin. Well marunong naman siyang kumanta at tumugtog ng gitara at ako pwede naman akong kumanta. Kaso naisip namin kung paano namin gagawin kakaiba ang talent namin.

Dumiretso ako sa pwesto ni Vince para makatulong sa ginagawa nilang props. Kanina pa kasi ako nakatulala kakaisip ng talent.

"Hind iko alam na may creativity ka pala sa katawan Vince!"

"Peste ka ah! Hahahahahaha!"

Asaran lang kami ng asaran ni Vince buong umaga. Mamayang hapon kasi gaganapin ang opening ng foundation week. Lahat ng colleges ay magtitipon sa quadrangle mamaya.

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon