Chapter 31

94 3 1
                                    

A/N: Hi guys! Eto na po ang POV ni Cleo! Please don't hate her :) 

Dedicated nga pala ang chapter na to kay @NikkiAtienza20 :) Thanks sa pagsuporta sa Dreaming of you :) Don't forget to leave your votes and comments ☺

Follow me on my accts:

Facebook: https://www.facebook.com/ilalovebee

Twitter: https://twitter.com/ilalovebee

Tumblr: iloveblueviolet.tumblr.com

Instagram:@mvmangarin

Enjoy reading! :)

-

Cleo's POV

Siguro sa tingin niyo isa na ako sa kontrabida sa buhay nila Sev at Dani. Nagkakamali kayo, biktima rin ako rito. Kung hindi lang naman dahil sa sakit ko hindi ko siya iiwan eh. Pero anong magagawa ko? Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, sakin pa napunta ang sakit na ito.

Simula ng umalis si Connor papuntang States, naging sobrang hirap na para sakin lahat. Si Connor na nga lang ang kasama ko sa laban na to pero pati siya nawala na sakin. Ayoko naman maging selfish kay Connor. Buong buhay niya inilaan na niya sakin kaya hindi ko kayang hayaan nalang siyang sirain ang mga pangarap niya para lang samahan ako. 

Nasa isang sikat na banda si Connor. Tumatakas lang siya para makasama ako at dahil mejo maluwag yung manager niya, pinayagan siyang makapag-aral sa B.U. Pero dahil sobra daming projects na dumadating sakanila ngayon kinailangan niyang ihinto ang pag-aaral niya at magfocus sa pagbabanda.

Hinayaan ko si Connor dahil alam kong yun ang makakabuti sakanya. Kahit na alam ko sa sarili ko na ikakasama ko naman yun. Pagkaalis ni Connor tska naman nagkagulo-gulo ang sitwasyon namin nila daddy at ng mga kapatid ko. Lalo pa naging magulo nung nakita kong masayang masaya na si Sev kay Dani.

Ang sakit lang...

Nung mga panahon na tinanong ni Sev si Dani kung pwede ba siyang manligaw nasa isang tabi lang ako nanonood. Hindi ko kayang masaksihan ang buong detalye kaya umalis nalang ako bigla. Napag-isip isip ko nun na hindi ako pwedeng mawala ng hindi ko napaglalaban si Sev. Napagod siya kakalaban sakin kaya ako naman. Ako naman ang lalaban para sakanya.

Nung nakasalubong ko ang barkada niya, aatras sana ako pero dahil parang walang alam si Diane ay hinayaan ko nalang. Hanggang sa makarating kami ng mcdo ay hindi parin ako pinapansin ni Sev. Nasaksihan ko pa ang pagiging sweet ni Sev kay Dani. Nakakainggit.. Dati rati ako ang ginagawan ni Sev na mga ganyan.. Ngayon may iba na...

Matapos namin kumaen nagsisakayan na lahat sa kotse. At pilit na pinapasakay ako ni Diane sa kotse ni Sev. Dahil wala ng magawa si Sev kaya pumayag narin siya sa gusto ni Diane. Pero kala ko aalis na kami yun pala ay lilipat ng sasakyan ni Dani at dun kay Rylie sumabay.

Naging awkward para samin ni Sev ang byahe. Lalo pang naging awkward ng inamin ko sakanyang mahal na mahal ko parin siya. Ibinaba niya na ko agad nang wala man lang kahit anong reaksyon sa sinabi ko.

Dreaming of you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon