10: Unexpected Breakup

4.7K 137 17
                                    

Unexpected Breakup

JULIA

Halos magiisang linggo na niya akong iniiwasan. Ni hindi ko man lang alam yung dahilan. Triny kong magtanong pero umiiwas siya pag napupunta na sa amin yung topic. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Friday na ngayon at uwian na namin in 3-2-1----

" Class Dismissed. " Ma'am

Hayy sa wakas makakauwi na rin ako. Sa buong week rin na ito eh halos bahay school bahay lang ang mga setting ko. Wala ako sa mood mag-gala lalo na at alam kong may problema kami.

Oo, hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga pagbabago niya. Mga pagbabagong di ko inakala.

Andito na ako sa parking lot iniintay si Cold. Siya na kasi ang naging tagahatid ko rin dahil ayaw niya akong pag-commutin dahil delikado raw baka may masama pang mangyari sa akin.

Habang nagiintay may biglang nagsalita sa likod ko.

" Pwede ba tayong magusap? "

Napalingon ako at tama nga ang hinala ko. Si Clifford nga. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kinikilig ako pero dahil kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

" O-oo naman. " Sagot ko ng nauutal.

Wala pa naman masyadong tao dito sa parking lot dahil 3 palang ng hapon. Wala na kasi ang last subject teacher namin may meeting kaya diretso uwi na kami.

" Julia magpapakatotoo na ako. Di na kita paaasahin pa. Di na kita papahirapan pa. Sasabihin ko na sayo ngayon mismo. "

Di ko alam pero naluluha ako. Di ko ata keri ang mga sasabihin niya ngayon.

" Ahy Clifford pwede wag muna ngayon? Kahit next week, next month, next year basta wag lang ngayon. " Sabi ko.

" Julia alam kong masasaktan ka sa mga sasabihin ko--- "

" ALAM MO NAMAN PALANG MASASAKTAN AKO SA MGA SASABIHIN MO THEN BAKIT MO PA ITUTULOY! " Pagputol ko sa sasabihin niya. Umiiyak na ako ngayon habang siya at nakayuko lang.

" Di ko naman sinasadyang saktan ka. Wala akong intensyon na ganun. " Mahina niyang sabi kaya mas lalo akong naiyak.

" Wala ka ngang intensyon, di mo nga sinasadya pero ginagawa mo na ngayon mismo. " Sabi ko.

" Nagbago ang lahat nung bumalik si Sheena.  Di ko yun inaasahan pero kasabay ng pagbalik niya ay ang pagbalik ng nararamdaman ko para sa kanya. Di ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang na mahal ko pa rin siya. Oo may past kami pero matagal na yung tapos. Bago pa maging tayo wala ng kami. Totoo lahat ng pinakita at pinadama ko sayo Julia. Minahal naman kita pero parang mas matimbang parin yung pagmamahal ko kay Sheena. " Mahaba niyanh sabi na parang humihigop sa lakas ko.

" Anong akala mo sakin Clifford? Tanga? Alam ko yan! Nakita ko na yan! Ilang beses ko ng naramdamang may mali pero isinasantabi ko lang kasi naniniwala parin akong maaayos natin yan pero mali pala ako. Hindi ako manhid Clifford para hindi maramdaman yung iba mong pakikitungo sa akin. Oo masakit, sobra pero tinitiis ko kasi mahal kita. Masakit man na marinig mula mismo sayo na mas mahal mo siya at minahal mo lang ako, sige tatanggapin ko. Bakit? Kasi mahal kita. Dapat sana sinabi mo gaad para di ako nagmukhang tanga habang umaasang maaayos pa itong relasyon na kahit saang anggulo ko tignan eh palubog na talaga. " Sabi ko.

" I'm so sorry Julia. I'm setting you free. I'm breaking up with you. " Clifford

I'm breaking up with you.

I'm breaking up with you.

I'm breaking up with you.

I'm breaking up with you.

The Near EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon