Ignored
JULIA
Today is monday at may klase pa kaya ready na ako. Iniintay ko na lang si Clifford na sunduin ako. May nagdoorbell. Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na dahil anjan na si Clifford pero iba ang nakita ko.
" Cold? " Taka kong tanong ng maabutan ko siya sa labas ng gate namin.
" Di ka masusundo ni Clifford ngayon may pupuntahan daw siya. " Cold
" Ahh ganun ba, sinabi niya na lang sana sa akin para di ka pa niya naabala. " Nahihiya kong sabi.
" Magiging parte ka na rin ng pamilya namin soon kaya responsibilidad na rin kita. " Yan si Cold eh! Kala mo masungit pero deep inside mabait yan.
" Thanks tara na baka malate pa tayo. " Sabi ko na lang at sumakay na kami.
Pagdating namin sa school nasa cafeteria na ang lahat except si Clifford at Sheena.
" Iseah my labs! Bakit di mo ako hinintay kanina? " Grey
" Hehe sinundo pa kasi ako ni Cold Grey. " Ako na ang sumagot para kay Cold.
" Bakit di ka ba sinundo ni pareng Clifford? " Takang tanong ni Grey habang nakaakbay pa kay Cold.
" May pinuntahan lang daw na importante. " Sabi ko naman.
" Oh ayun na pala siya eh. " Cloud.
" Pero ba't kasama niya si Sheena? " Allyssa
Oo nga magkasama silang dumating.
" Sorry Julia kung di kita nasundo. " Agad na sabi ni Clifford sa akin.
" Ok lang ano ka ba. " Ako
" Bat pala kasama mo si Sheena? " Zach
" A-ah yun b-ba? U-uhm nakasabay ko lang siya sa pagpasok! Oo yun nga. " Alanganin niyang sagot.
" Ano kumain ka na ba? " Tanong ko.
" Hindi pa nga eh sige order lang ako. " Sabi ni Clifford at umalis.
Naupo na kami at lahat sila ay may kanya kanyang mundo.Si Cold at Grey nasa gilid at as usual kinukulit ni Grey si Cold. Magkakasama naman sila Zach, Ian, Kaizer, Faye, Celine, Shana, Raeri, Hazel at Ailee. Tinuturuan kasi nila Raeri sila Ian sa assignment nila at pati naman si Faye eh nakikijoin. Si Allyssa naman at Cloud ayun PDA kung PDA. Si Alex naman eh nagsousoundtrip naman at ako eto nakatunganga lang.
Nilabas ko na lang rin ang notebook ko at nagreview. May test kasi kami mamaya pero easy lang naman. Nagbabasa ako ng notes ko ng umupo na sa tapat ko si Clifford at Sheena habang may hawak na tray. Pati pala si Sheena bumili.
" San ka pala pumunta Clifford? " Tanong ko.
" Ah may inutos lang si mom. " Sabi niya pero nakatingin pa rin sa pagkain niya.
" Ano naman yun? " Tanong ko.
" Basta, sige na magreview ka na muna jan at kakain muna ako. " Walang gana niyang sabi.
Anong problema? Yumuko na lang ako at nagbasa pero lumilipad talaga ang utak ko eh. Bakit bigla nalang siyang naging ganun? May ginawa ba ako?
Sa kakaisip ko nabitawan ko tuloy yung ballpen ko kaya nahulog yun at nagroll sa ilalim ng table. Wala namang nakapansin nun kaya ako na mismo ang pumulot pero nagsisi agad ako. Sana pala hinayaan ko na lang yung ballpen. Sana di ko na lang pinulot.
Naramdaman ko na ang luha ko kaya pumikit ako at nagpunas saka tumayo.
" U-hm guys una na muna ako may test pa kami eh ge bye! " Sabi ko at agad na kinuha ang mga gamit ko.
" Uy Julia malayo pa time ah! " Sigaw ni Raeri pero di ko na lang pinansin at nagtatakbo palabas ng caf.
Dumeretso ako sa cr at nilock yun. Dun ako umiyak. Wala lang naman siguro yun diba? Wala lang naman siguro yung nakita kong magkahawak ang kamay ni Clifford at ni Sheena. Wala lang diba?
" Think positive lang Julia! Baka nagkapatong lang yun! Di sinasadya. "
Nagpunas na ako ng luha at nagayos uli. Lumabas na ako ng cr at sakto namang papadaan din sila.
" Oh anyare sayo Julia? " Hazel
" Sumakit kasi tyan ko guys hehe! " Palusot ko.
" Ahh ok ka na ba? " Ailee
" Oo naman haha. " Fake laugh ko pa.
" Sige una na kami guys! " Sabi ni Allyssa at Bea.
Sunod sunod silang umalis at di ko ineexpect na linagpasan lang rin ako ni Clifford ng walang sinasabi.
Di niya ba ako nakikita o sadyang ayaw niya lang talaga akong pansinin? Napansin ko naman ang ballpen ko na hawak niya. Pano napunta sa kanya yun?
" Clifford teka lang! " Sigaw ko.
Tumigil naman siya pero nakatalikod parin. Lumapit ako sakanya.
" Yung ballpen ko pala. " Ako
Humarap siya sa akin at iniabot yun at kinuha ko naman.
" Uhm Clifford may problema ba? " Tanong ko ng tinitigan niya ako.
" Wala. Sige na mauna na ako papasok. " Sabi niya at umalis na sa harap ko.
Ano ba talagang nangyayari?
COLD
Habang kinukulit ako ni Grey eh napansin kong yumuko si Julia sa ilalim ng table parang may aabutin yata pero bigla bigla nalang siyang tumayo at umalis.
" U-hm guys una na muna ako may test pa kami eh ge bye! " Sabi niya at nagtatakbo na paalis pero di nakaligtas sa mata ko ang butil ng luha ng tumulo.
Nakita ko ang pagangat ng ulo ni Clifford at nakatingin kung saan tumakbo si Julia. Ano na naman bang ginawa mo Clifford?
May napansin naman ako sa baba ng table na ballpen. Ito siguro yung aabutin ni Julia pero ng mapatingin ako sa gilid saka ko lang naintindihan ang lahat. Nakita ni Julia ang magkaholding hands na kamay ni Clifford at Sheena. Sino ba namang girlfriend ang hindi masasaktan niyan?
Tumayo ako at sinamaan ng tingin si Clifford. Di niya man maintindihan pero ramdam ko ang takot niya.
" Naiwan ni Julia ballpen niya. " Malamig kong sabi at malakas na nilagay sa harap niya. Napatingin sila Grey sa gawi namin at nanahimik lang.
Naupo uli ako at nagpalamig ng ulo saka kami umalis na. Kaya lang naabutan namin si Julia na kalalabas lang ng cr at napansin ko ang medyo namumugto niyang mata.
" Oh anyare sayo Julia? " Hazel
" Sumakit kasi tyan ko guys hehe! " Palusot niya.
" Ahh ok ka na ba? " Ailee
" Oo naman haha. " Halatang di totoong tawa.
" Sige una na kami guys! " Sabi ni Allyssa at Bea. Sunod sunod na nagpaalam ang iba hanggang sa nagpaalam na rin ako.
Ano bang nangyayari sayo Clifford? Na brain wash ka ba ni Sheena?
×××
Awtss naman!
Kawawa naman si Julia!
Eto kasing si Clifford!
Sarap kalbuhin ni Sheena!
Paano na ang JulFord?
Waaaahhh ipaglaban ang JulFord!
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
The Near Ending
Genç KurguBook 2 of Gangsters Meet The Mysterious Blonde Girl. ××××××××××××××× When they already thought that everything is falling into place, there comes a person ready for revenge. A revenge full of anger. A revenge full of tears. A revenge full of battles...