Cam's POV
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana the whole time. Naiinis pa rin kasi talaga ako sa kanya. Di ko ma gets ang ugali niya.
" Magkakastiff neck ka diyan sa ginagawa mo." I heard him talked pero di ko parin siya nililingon. I am really pissed off. I heard him sigh.
Naramdaman kong huminto yung sasakyan at nakatapat kami ngayon sa isang malaking gate. Nakita kong naglakad ang isang guard patungo sa amin. Quinn opened the car window at isinungaw ang ulo doon. I saw how the guard's face looked shock upon seeing Quinn.
"Sir Quinn! Andito na po pala kayo!" gulat na gulat na sabi ni Manong guard. Ngumiti lang ng bahagya si Quinn.
"Pakibukas po ng gate Mang Hernan." utos nito.
"Ayy opo Sir." the guard replied and ethusiastically opened the gate. Agad namang nagmaneho si Quinn papasok sa loob. Napamangha ako ng matanaw ko ang malaking bahay. Napakalaki at napakaganda nito. Malapalasyo ang laki ng bahay. Maya-maya pa ay inihinto ni Quinn ang sasakyan sa malaking garahe. He went out of the car and went to my side. He opened the car and offered his hand to me. Tinanggap ko naman yun. I muttered a silent thanks to him. Lumakad ito at sumunod naman ako. Napadako ang tingin ko sa isang ginang na humahangos na lumabas sa pintuan. She smiled ng makita si Quinn. The woman I think is in late 40's already. Nakabulaklaking duster ito.
"Naku Alexander! Umuwi ka na nga! Halos hindi ako makapaniwala nung sabihin ni Hernan sa akin sa intercom na andito kana! Diyos kong bata ka! Pinag-alala mo kami!" sermon ng ginang dito ng makalapit na kami. Nasa likuran parin ako ni Quinn at parang hindi parin ako napansin nito. I heard Quinn laughed and hugged the woman.
" I miss you Nana Minda." narinig kong sabi ni Quinn.
"Aba'y namiss din kitang bata ka!" sabi naman ng ginang. Nakita kong natigilan ang ginang ng mapansin niya ako sa likuran ni Quinn. Napabitaw naman ito sa pagkakayakap kay Quinn. Napansin ni Quinn na natigilan ang ginang. He cleared his throat and started talking.
"Nana, si Cameron po. Asawa ko. Cam si Nana Minda, ang mayordoma dito and at the same time parang pangalawang nanay ko na rin." pagpapakilala nito sa amin. I smiled shyly.
"Magandang araw ho." magalang kong bati.
Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng babae. Pagkatapos ay kumunot ang noo nito.
" Asawa kamo?" paniniyak nito.
"Oho." ngiting-sagot ni Quinn. Natigilan naman ang ginang at napabuntong hininga. Hindi ko naman masisisi ito kung ganito ang reaksyon nito. Ako din ay nawiwindang sa mga pangyayari sa buhay ko. Heto ako ngayon, kasal sa lalaking kelan ko lang nakikilala.
Nakita kong ngumiti ng bahagya ang ginang.
" Hala sige. Pumasok na kayo at magpahinga. Alam kong pagod kayo." mahinahong sabi ng ginang. Napangiti lang si Quinn sa ginang at inakbayan ito. Nakahawak naman si Quinn sa kamay ko at pumasok na kami sa loob.
----
Nalula ako sa sobrang laki ng bahay. Elegante ang pagkakadesinyo ng bahay na ito. The house itself screams a million worth. And if I'm not mistaken, galing pa sa ibang bansa ang mga gamit at furnitures dito. Alam kong mayaman si Quinn ngunit hindi ko kailanman naisip na ganito siya kayaman.
"Nana, pakihatid po si Cameron sa silid ko. Kukunin ko lang po ang mga gamit namin." pakiusap ni Quinn sa matanda. Tumango ang ginang at ngumiti sa akin.
"Tayo na iha." iginiya niya ako paakyat ng hagdan.
"Ito ang silid ni Alexander. Magpahinga ka muna iha, alam kong pagod ka. Kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako." sabi nito at bahagyang ngumiti. Tumango ako at ginantihan din siya ng ngiti.

BINABASA MO ANG
Saved (TUV)
RomanceHe went to a secluded place to find peace. Lumayo siya sa sibilisasyon upang makalimot sa mga masasakit na pangyayari dulot ng kanyang sawing pag-ibig. Ngunit nabulabog ang kanyang pananahimik nang may hindi inaasahang panaunhin ang kumatok sa kanya...