Chapter 20: One Hurdle Down

3.1K 81 6
                                    

I still don't know what to give him, Fel. I mean he already has everything! What do you give a man who has everything, diba?" Cameron was munching her chicken salad depressingly while talking to Felicity. Nasa isang restaurant sila sa isang mall  ngayon at naglulunch.  She really can't decide what to buy for Quinn's birthday kaya nagpapatulong na siya sa kaibigan at magaling niyang kaibigan ay wala man lang maiambag na suggestions. Busy kasi ito sa kakatitig sa kabilang mesa kung nasaan si Rip at ang dalawa pa niyang bodyguards. At ang hitad niyang kaibigan ay nagpapacute pa kay Rip, Felicity was even eyeing him seductively. Kung hindi niya lang to kaibigan baka tinulak na niya ito.

Rip and her other bodyguards are still accompanying her wherever she goes. She doesn't mind though, as long as they're not making a scene, she's okay with it.

"Look at those lips Cam. Shit. Napakalambot siguro yang halikan no? And those namumutok na maskels, my god I wanna be held in his arms forevah" Bulalas ng may sayad niyang kaibigan. Aba ang gaga nakuha pang mag smile at kumurap kurap pa ang mga mata nang umingon sa gawi nila si Rip. Napatawa nalang siya nang biglang kinagat ng kaibigan niya ang ibabang labi nito. Nakita niyang namula ang mukha ni Rip at saka ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Napatawa naman siya sa reaksyon nito. Hindi niya rin naman masisi ang kaibigan kung bakit humaling na humaling ito kay Rip. The guy obviously has a charismatic appeal but then Cameron has her eyes set only for her husband. Rip is a good man and Felicity deserves a good man. She doesn't mind though if Felicity and Rip will end up together. Siya pa siguro ang magiging self proclaimed president ng fansclub ng mga to.

"Inisnob ang beauty mo, friend." Pang aalaska niya sa kaibigan ng hndi na tumitingin sa gawi nila si Rip. Sinimangutan lang siya nito at saka nagpatuloy sa pagtitig dito. Boy, Felicity had it bad.

"Ah basta, tandaan mo magiging boyfriend ko yan. By hook or by crook!" Felicity said with determination, a mischievous grin plasttered on her pretty face. Oh boy, whatever Felicity is planning is not good. Kabisado na niya ang takbo ng utk ng kaibigan.

"Whatever you plan is, I'M OUT. Sinasabi ko sayo Felicity, wag mo kung idadamay dyan. Sinasabi ko sayo." Pagbabanta niya sa kaibigan.

Felicity grinned at her while raising her eyebrow. "Hindi naman ako gagawa ng bagay na hindi niya magugustuhan eh." Aba at ang bruha may masama ngang balak. Kung ano man ang balak nito kay Rip ay ipapasa Diyos na lamang. Iba kung mag isip ang kaibigan niya. There was this one incident when they were still in med school, Felicity caught her boyfriend cheating on her with a skinny bimbo from the nursing department. Instead of making a scene, she plotted her revenge on them. Isang linggo din nitong pinaghandaan at pinag isipang mabuti ang paghihiganti nito. Pati siya ang ginawang accomplice nito.

Felicity and her broke into Felicity's ex boyfriend's dorm. Nilagyan nito ng dugo ng isda ng aftershave nito at saka pinaggugupit ang lahat ng briefs nito. Wala itong itinira kahit isa. Gnawan niya rin ng doodles ang lahat ng sapatos nito. Binutasan niya rin ang lahat ng pakete ng condoms nito gamit ang thumbtacks saka ibinabad ang mga pakete sa tubig na may maraming siling labuyo and chilli powder. Hindi lang yan, she broke into  the girl's dorm at saka nilagyan ng shoe glue ang shampoo nito. The next day, kumalat na ang balita na nagpa check daw privately ang ex niya at ang babae nito sa isang hospital dahil daw sa nangyari sa mga genitals nito. Nalaman din nila na muntik nang makalbo ang babae dahil sa dami ng shoe glue na nalagay sa buhok nito.

At ang bruhilda niyang kaibigan ay isang linggo ring nagsaya dahil nagtagumpay ang pagganti nito. Ilan lang yun sa mga kalokohan ng kaibigan niya.

"Naano ka na naman diyan?" Tanong sa kanya ni Felicity nang mapansin nitong napabuntong-hininga siya.

"Eh bukas na nga yung birthday niya tapos wala akong gift, what kind of wife am I?" Distressed paring sabi ni Cameron habang nilalantakan naman ang pizza. Hindi alam ni Fel kung maaawa siya o maiinis sa kaibigan dahil sa sobrang emotera nito. Gusto niya tuloy batukan si Cameron.

Saved (TUV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon