Chapter 1: Confusion

12.9K 114 0
                                        

Chapter 1

Nagising si Cameron sa isang kwartong banyaga sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba ng matagpuan ang sariling wala ni anumang saplot sa katawan. Pinakiramdanan niya kung meron bang kakaiba sa kanyang sarili at lubos niyang ipinagpasalamat ng matiyak na walang pagbabago sa kanyang katawan. She tried her best to remember everything at isa-isang nagpop-out ang mga eksenang nangyari kani-kanina lamang.

Cam's POV

Kalalabas ko lang sa hospital na pinagtatrabuhan ko and I feel very exhausted dahil madami ang naging pasyente ko today. I am a pediatrician. Noon pa man ay magiliw na talaga ako sa mga bata kaya ito ang napili kong linya.

I was about to open my car's door nang biglang may tumakip sa aking ilong. I was about to scream pero unti-unti akong nanghihina. Then everything went black. The next thing I knew is that I am here, in an unfamiliar room with nothing on.

Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto at kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang yate ako! I felt a tingle of nervousness but I quickly calm myself. Hindi ito ang panahon para paganahin ang takot. I need to find a way out. There must be way out. Kung sino ang may pakana nito ay saka ko na iisipin pagkalabas ko dito. The most important thing by now is to escape from this room. I once again scanned the room, nagbabakasaling may ibang labasan maliban sa pintuan. Nakaramdam ako ng konting lamig dahil sa lakas ng aircon at dun ko napagtanto ulit na nakahubad pala ako. I was about to stand up but I stiffened the moment I heard a click coming from the doorknob.

Nahihintakutang itinaas ko ang kumot to cover my nakedness. I counted one to three anb Boom! Biglang lumitaw ang taong kailanma'y hindi ko inaasahang gagawa sa akin ng ganito. Ang taong itinuring ko ng kapatid ng mahigit tatlong taon. Bigla ang pagsalakay ng galit, pangamba, takot at pagkalito sa aking mukha.

"So you are finally awake."

Saved (TUV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon