Chapter 23: Fight or Flight

5.3K 130 25
                                        



She didn't know how the party ended. She didn't even know how she managed to stay and still shook people's hands after Quinn's uncle left the party. After Clifford left the party, ipinagbilin siya ni Quinn kay Emerald and left her side without even uttering a word to her and that hurt her big time. He just looked at her at saka nagpunta sa mga co investors nito. Habang siya ay pilit na nakikipagpalitan ng ngiti sa mga bisita nito na para bang walang nangyari, ang asawa naman niya ay hindi siya magawang tingnan. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya, gusto niyang sigawan si Quinn. She doesn't deserve this kind of treatment. Hanggang sa matapos ang party ay hindi parin siya pinapansin ng asawa.

Kakatapos lang ng party at nasa silid na sila ngayon. Akala niya ay pagkatapos ng party ay kaakausapin na siya ng asawa ngunit pagkapasok nilang dalawa sa silid ay agad na pumasok sa banyo ang asawa niya. Gusto niyang pag uumpugin ang pinto ng banyo ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Though she felt she's being lied to by her husband, she wanted to settle this problwPumikit siya at bumilang ng sampu upang kalmahin ang sarili niya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit mas may gana pa itong hindi siya kibuin na kung tutuusin ay ito ang naglihim sa kanya. Gusto niyang magsusumigaw sa sobrang inis at galit.

"So hanggang kailan mo ako balak kausapin?" Pambungad na tanong niya sa asawa nang makalabas ito ng pinto ng banyo. Kahit nagpupuyos na siya sa galit, pinilit niya paring pakalmahin ang boses niya. Nakaupo siya kama habang nakatingin dito. Nakatapi lang ito ng tuwalya saka nagpapatuyo ng buhok nito. He took a glance at her at saka naglakad patungo sa walk in closet na para bang hindi siya narinig nito. And that was her last straw. She can't take this silent treatment anymore.

All she wanted was an explanation. All she wanted was to ask him why he hid something this important matter to her. She wanted to settle this once and for all and talk this through like two mature couple but all he gave her was a silent treatment. She does not deserve this shit. If he wanted silence, then fine, she'll give it him. She's done.

Agad siyang tumayo at saka pabalyang binuksan ang walk in closet. Nagulat pa ang asawa niya ng pumasok siya ngunit agad siyang dumiretso sa kang saan nanduun ang maleta niya. Hindi naman ganun kalaki ang closet pero feeling ni Cameron ay sobrang layo nilang dalawa sa isa't isa. Walang lingun-lingong pinaghahablot niya ang kanyang mga damit at saka inilagay sa maleta.

"What are you doing?" frantic na tanong ni Quinn sa asawa nang makita nito ang ginagawa niyang pag alsa balutan. Call her immature but she can't take this shit anymore. Hindi siya sanay na iniignora lalo na sa ganitong kalaking bagay.

"I gave you a chance to explain everything to me but then, you refused to talk. I can't... I can't live with some who keeps on hiding matters from me. I can't live with someone who treats me like I don't exist at all. I'm leaving. If you're ready to sort this out, you can call me. I can't continue living play house with you knowing you are not being honest at all. " Walang lingon-lingong sabi niya sa asawa. Sumasakit ang puso niya sa tuwing iniisip niya na iiwan niya ang asawa. Kumikirot rin ang puso niya sa tuwing naalala niya kung paano siya iniignora nito.

"You can't do that! You just can't leave me!" frantic na sabi ni Quinn sa asawa habang kinukuha ang mga damit niya na nakasilid sa maleta. Habang siya ay nagsisilid ng mga damit niya sa maleta, ito naman ang nagbabalik ng mga damit na inilagay niya sa maleta sa lagayan niya.

"I can and I will." Matigas na paninindigan niya sa asawa. Nakipagtitigan siya kay Quinn at nakita niyang lumambot ang mukha nito. Tumaas ang mga kamay nito sa pisngi niya at saka pinahid ang luhang kumawala sa mga mata niya. Hindi niya napansin na naiiyak na pala siya out of frustration. Agad niyang tinabig ang mga kamay nito at saka tumayo bitbit ang maleta niya. When he gently touched her cheeks, she wanted to cave in and just forget about what happened pero kailangan niyang panindigan ang desisyon niya. Lumabas siya ng closet saka nagtungo sa kama at duon pinagpatuloy ang pag iimpake. Agad namang sumunod si Quinn sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saved (TUV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon