Iniisip ko pa lang na pupunta na naman ako sa Capones Island naeexcite na ako at ito nga pong katabi ko ay seryoso lang magmaneho.Pinabayaan ko na lamang ayoko rin syang kausapin noh.
Inabot ng tatlong oras ang pagmamaneho galing Manila to Zambales.
Natatanaw ko na dito ang munisipyo ng San Antonio,Pandaquit,Zambales. Namangha lang ako sa ibat-ibang banderitas na nakasabit at nakakalat sa mga kabahayan.Natigil lang ako sa pagkalat ng tingin ko nang maramdaman ko na huminto pala ang sasakyan.Tiningnan ko ito.
"Which way??" Ani nito habang pabaling baling ng tingin sa daan.
"Sa may bandang kaliwa" turo ko pa doon sinimulan nya nang iliko muli ang manibela nang kotse.
Nalalanghanap ko na ang sariwang hangin na dito ko lamang nalalanghap sa Zambales.Agad akong pinagpawisan ng makita ko na ang bahay namin.Naku nman paano ko ito papaliwanag ki Nanay.
"Yang red na pader na bahay,Ihinto mo dyan " Turo ko pa sa bahay nmin na abot tanaw na dito sa sasakyan.
Pakapark park lamang ng kotse nito sa may bakanteng lote katabi ng bahay namin ay agad na akong bumaba.Nagtaka lang ako bat d ko ata nakikita sila Nanay.
"Halika na" Tiningnan ko ito at nauna nang naglakad sakanya.
- - - - - - -
"Nay" Pakabungad bungad ko sa pinto.Dumiretso ako sa may kusina at baka nagluluto lamang ang inay at nakita ko nga ito doon nagsasaing.
Nagmano muna ako saka niyakap ang inay.Sobrang na miss ko sya.
Umalis ng yakap ang inay at tumingin sa may bandang likod ko.
"Uhm nay boss ko po,Si Sir Clebourne " Kinakabahan ako ng makita kong d maipinta ang mukha ni nanay makatapos ng ilang minuto ay bumalik na ito sa dati.
"Sandali lang anak magluluto muna ako,Paupuin mo muna sya dyan sa may bangko" Nagulat ako ng iyon lang yung sagot ni Nanay.Hindi pinansin ang kamay ni Clebourne.
Hinatid ko muna si Clebourne sa may sala at bumalik ki nanay sa kusina.
"Dito ka muna,sandali kausapin ko lang si Nanay" Ani ko pa dito bago ko ito ewan.Tumango lamang ito.
"Nay" pukaw ko ki inay.Tumingin lamang ito sakin bago ibinalik sa kaldero ang tingin.
"Ba't po ganun nay?May masama po ba? kaya d nyo man lang na bati pabalik yung boss ko "Sabi ko dito habang nakatingin ki Inay.Bumuntong hininga ang inay sabay titig sakin
"Kaano-ano mo ba sya anak?" sabi nito sakin sabay hawak sa dalawang balikat ko.
"Boss ko po.Bakit nay?" nagtataka ako.Bakit para atang iba ang pakikitingo nya sa boss ko.May mali ba??May something ba na hindi ko alam?Imposibleng mag kakilala sila.
Napabuntong hininga ang inay.Inalis na nito ang pakakahawak sa balikat ko sabay upo sa malapit na bangko.
"Akala ko kasi syota mo" Sabi pa nito sabay buntong hininga na para bang nabunutann ng tinik sa lalamunan.
"Ayoko lang na matulad ka sa mga babae rito na pag lumuluwas ng bayan buntis na at may kasama nang mga lalaki paguuwi" Sabi pa nito sakin habang titig na titig sakin.
Agad na pumula ang mga pisngi sabay sigaw .
"NAY!,Wag kang maingay baka marinig tayo nakakakiya" ani ko pa dito sabay tanaw sa sala at baka narinig nito ngunit seryoso itong nanood ng telebisyon.
"Binabalaan lang kita anak.Ayokong matulad ka sakanila.Naiintindihan mo ba yun?" Namula na nman ang pisngi kasi titig na titig na naman kasi si Nanay sakin.Lumapit ako sakanya at niyakap ko ito
"Nay,May pangarap ako sa buhay diba nangako ako na iaahon ko kayo dito." Ani ko pa dito habang nakayakap ako sakanya.
"Sige anak samahan mo muna sa sala yung boss mo at baka mainip yun" Akmang tatalikod na ako nang hawakan ni Nanay ang kamay ko.
"Teka muna,Bakit nga pala sumama yan sayo??" Ani pa nito.Habang hinihila ako pabalik sa kusina.
Tiningnan ko muna ang inay tyaka ikinwento ko dito yung napagusapan nmin ni Clebourne.May meeting kasi sya sa may Tarlac sabi nya malapit lang dto kaya ayun bahala sya,Sya nman mag dadrive.
Tinanguan lang ako ni Nanay.Ako naman ay napa kibit balikat na lang..
Dapit hapon na nang mamataan kung papasok ng gate si Hermes.Tsk tong kapatid ko talagang ito adik sa basketball.Kaya ayun pulang pula na nman ang mukha.Haha natural na ata ito sa amin kasi sabi ni Inay nagmana daw kami pareho ni Hermes sa tatay naming kano.
"Ate!" Twag nito sakin sabay lapit at akmang yayakapin ako nito ng pigilan ko ito.
"Hep-Hep" Ani ko pa dito sabay taas ng kilay at takbo palayo dito.Mahilig po tlaga kami sa ganun pag tuwing uuwi sya ng bahay galing basketball hinahabol ako nyan kasi ayaw ko sa amoy ng pawis nya.Kaya iniinis ako nyan.
"Hermes tigilan mo ako d ako natutuwa" dagdag ko pa dito.At ang hudad nga tumakbo papunta sakin.whahhhh wala akong nagawa kundi tumakbo aakyat na sana ako papuntang kwarto ng matigil ako kasi naramdaman kung wala na palang humahabol sakin at nang tingnan ko iyon.Laking gulat ko nang makita kung magkatitigan ang kapatid ko tyaka si Clebourne.
Agad akong lumapit sa dalawa.Hinila ko palayo si Hermes.
"Uhm Hermes Boss ko pala si Sir Clebourne" Ani ko pa dito ng hindi inaalis ang tingin ki Hermes.Anu kayang magiging reaksyon nito?ani ko pa sa isip ko.
"Wow!ikaw po ba yung boss ng ate ko.Nakikita ko po kasi kayo sa magazine minsan nung nagpadala ang teacher namin ng magazine" Napatawa ako sa reaksyon nito.Baka ang tinutukoy nito is ung magazine about sa mga bachelors.Baka nakita nya ito doon.
At ayun nga nagkwentuhan na ang dalawa at wow parang close ang bwisit at alam nyo ba kung anung topic nila walang iba tungkol sa BASKETBALL.Maruno pala tong lalaking to magbasketball hahaha.Tama nga nman mataas rn ito aabot mga 6'1 ung height at dahil nakalimutan na atang may isang tao pang nag eexist sa tabi nila.
Pinabayaan ko na lng ang dalawa mas mabuti na nga yung bati sila kaysa magkaaway dba.Naputol lang ito ng tawagin na kami ni Nanay para kumain.
Wow hahaha pakbet ang ulam.Tiningnan ko si Clebourne nang makita kung ano ang reaksyon nito.Sa dismaya ko wala akong nakita doon.Ok bahala sya.
Kumain kami ng tahimik.After 30 minutes inutusan na ni nanay si Hermes na ayusin ang kwarto nya at doon matutulog si Clebourne dahil wala kaming guest room.Alangan naman sa kwarto ko duh hahaha
Tulog na ang lahat pero maingay parin sa labas.Nagiinuman na nman mga tao dito kasi nga disperas na bukas.Kahit namn ako excited na pero kelangan kung matulog nang maaga dahil maglilinis ako ng bahay.
Pasadong alas 9:30 bumaba ako kaya nakaramdam ako nang uhaw.Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay naka sindi rin ang ilaw sa kwarto na kaharap ko bali kwarto ito ni Hermes.Nakaawang ang pinto nito at sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang naka sandong lalaking may hawak ng telepono..
Akmang lalapitan ko na ito para ipaalam na hindi nakasara ng maayos ang pinto ng marinig ko ang pinag uusapan nila.
Agad na nanlalaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang pinaguusapan nila.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Yehey!!Sa wakas naka update na rn yohoooo.Quota na ako hahaha 1k words😂😂.
Do vomment.
DarkEira
BINABASA MO ANG
(EDITING)THE BILLIONAIRE CHASER (Completed)
RomansaThis is a work of fiction.Names,Characters,Places and Events are fictitious unless otherwise stated.Any resemblace to living real,living or dead person or actual event are pure coincidental and just author's wide imagination All rights reserved.No...