Nakakawalang buhay pala pag wala kang ginagawa sa bahay.Mula nang lumabas ako ng clinic ay bihira na akong utusan ni Inay.Siguro ay nagaalala rin ito sa kondisyon ko.
Hindi ko masisisi ang Inay dahil kht ako man ay nagaalala pa rin sa sarili ko dahil hndi ko alam kung anung sakit meron ako.Pero isasawalang bahala ko muna ito dahil alam kung hndi naman ito malala.
Bumangon ako ng higaan upang sana ay uminom ng tubig.Tiningnan ko ang orasan malapit sa kama ko.
"Gabi na pala,aiishh" Tiningnan ko ang aking bintana at ayun nga madilim na sa labas.
Bumaba ako nang kama at dirediretsong naglakad pababa ngunit napahinto ako nang may marinig akong yapak malapit sa may backdoor sa kusina.Nilapitan ko ito.
Nakita ko ang Inay na may kausap sa lumang telepono nito.
"May nakakaalam na ata sa usapan ntn,balak pa makiilam nang lalaking yun sa plano ko.Nagsisimula palang ako pero haharang na sya.Tangina nya" Natutop ko ang bibig ko dahil sa narinig ko.Ni minsan hindi ko narinig nagmura si Inay.
Maigi kong pinakinggan ang paguusap nila.
"Alam kung alam nya na.Pero kung pwdeng umalis kami dito gagawin ko.Pero paano ako makakaganti kung lalayo kami" Bumuntong hininga ito.
- - - - - - - -
Hanggang sa lumipas ang mga araw.Nakakapgtaka lang kasi napapansin ko ang Inay palaging hawak ang telepono nya habang may kinakausap.
At ang nakakapanghinala ay ang palagi nyang pagulit sa pangalan ng lalaki dw na haharang sa plano nya.Kht ako man ay kinikilabutan sa tuwing naririnig ko ito.
Siguro nman kaht ganito ang nararamdaman ko ay wla pa ring gagawing masama ang inay.Kasi ang pagkakaalam ko wlang sinumang ina ang gustong saktan ang anak nya.Masaktan na lamang sya wag lang ang anak nya.
Ipinasawalang bahala ko na lamang ang nga iyon.Ngunit kaht na rn may nararamdaman pa akong hndi magandang mangyayari.Katulad na lamang ng mga panaginip ko na siguro ay yung mga nakalimutan kung ala-ala.
Nangingilabot ako sa mga nagdaraang panaginip ko.Panaginip nga ba?Palaging may batang babae napagtanto ko rin na ako yun dahil kamukhang kamukha ko.Si Inay nakikita ko sya pero bkt nakapang maid syang damit.
Sabi ko sa sarili ko ay baka dating naging katulong si Inay dahil mnsan na rin ito nagkwento samin ni Hermes na naging kasambahay ito ng classmate nya na dating hinangaan nya.Yan yung kwento nya.Yung batang babae nman ay nakapang mayamang ayos at ang nakakapagpalito pa sa akin ay pinagsisilbihan ako ni Inay not the way that a mother did but yung parang amo sa alaga ganun.
"Baka may kambal lang ako" ani ko pa sa isip ko.Pero imposible dahil sabi ni Inay ay wala daw akong kambal ng minsan ko na itong tanungin.
Sa ilang panaginip ko rin minsan ay nakikita ko si Clebourne.Siguro tama nga ata ang hinala ko na baka childhood friend kami dati ni Clebourne pero sa nakikita ko hindi sya yung taong lapitin sa mga dukha na kagaya ko.Maaari ba kayang prinsesa ako dati?tagapagmana?Mayaman?
"Pssh this is not a fairytale story Heymitch,ni hindi ka nga si Cinderella,Snowhite o kht sino pa man na non-fiction character" Napabuntong hininga na lamang ako.
Lumabas ako ng bahay dahil ang aking inay ay busy ata sa kausap nya.Hayy!
Naglakad lakad muna ko.I need to unwind myself.Naaaliw rin ako sa mga batang naglalaro sa nadaraanan ko.Tuwang tuwa sila na para bang walang problemang kinakaharap sana lamang ay hndi sila matulad sakin na madaling sumuko.Sumuko na nga ba ako sakanya? Siguro oo kasi kung mahalaga sayo ang isang tao gagawin mo ang lahat makapiling lamang ito.Pero heto ako ngayon luhaan at kulang.
BINABASA MO ANG
(EDITING)THE BILLIONAIRE CHASER (Completed)
RomanceThis is a work of fiction.Names,Characters,Places and Events are fictitious unless otherwise stated.Any resemblace to living real,living or dead person or actual event are pure coincidental and just author's wide imagination All rights reserved.No...