TRES ESQUIVEL
Present Day. Leblon, Rio de Janeiro, Brazil
FUCKING HELL, I thought. Ang sakit!
"Mamay, kape, please..."
Padapa akong nakahiga sa kama and I couldn't open my eyes because of a fucking terrible headache.
Fucking, fucking terrible headache na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.
"Mamay, kap—"
Shit!
Realization hit me. There was no Mamay to make me a cup of steaming hot, black coffee whenever hangover hit.
Mamay was my yaya since birth. She was the one who took care of me simula pagkapanganak sa akin ng mommy ko, twenty five years ago.
Siya na ang nag-alaga sa akin lalo na nang maulila ako sa mga magulang ko sa edad na labing-isa. Parehong araw namatay ang mga magulang ko pero magkaibang oras at pangyayari. My dad, Alfonso Esquivel The Second, in a freak accident with his one great love, Leona Nicdao and my Brazilian-Flipina mom, Helena Cerdenia Esquivel, when she committed suicide by hanging herself.
Si Mamay na lang natirang nag-alaga sa akin. Well, of course there was my lolo, Don Alfonso Esquivel Senior and my half-brother Leon Alfonso Esquivel, whom I just met five years ago, shortly before I ran away from home.
No Mamay. No family. No one.
I was in another place, I realized.
Hell, perhaps? sarkastiko kong isip.
I sighed. Gawain ko na ang magpatimpla ng kape kay Mamay kapag gumigising ako na may hangover. Habits are hard to break.
Dumilat ako. Then squinted my eyes when the sunlight hit my eyes. Bukas na ang glass door sa veranda. Tanaw ko na ang tabing-dagat. Bahagyang hinahangin ang manipis na puting kurtina na humaharang sa glass door.
Inabot ko ang wristwatch ko na nasa side table. It was aleady ten-thirty in the morning. Alam kong si Mia ang pumasok sa kuwarto ko at siya ang nagbukas ng glass door.
Tumihaya ako. Napansin kong I was only in my briefs. Pagkatapos ay bigla akong napahawak ako sa ulo ko. Putang ina. Napapikit ako sa sakit.
Ang sakit ng ulo ko ay iyong tipong merong pumupukpok at bumibiyak dito na konting galaw lang ay masakit na. The hangover was caused by excessive partying and drinking last night. Sobrang kalasingan ang inabot ko.
At si Mia siguro ang nag-uwi sa akin. Siya naman ang laging nag-uuwi sa akin.
I tried to sit up. Pero napasabunot ako sa buhok ko. "Argh!" frustrated kong ungol. Naparami talaga ang inom ko kagabi.
Alak pa more, Esquivel... said a familiar voice in my mind.
Natigilan ako. Shit. Fucking hell! Go away.
Not again. Not ever.
I shove that fucking thought away from my mind. It should not stay there.
Pinilit kong tumayo kahit na napangiwi ako sa sakit at agad na tinungo ang banyo para mag-shower.
"OH, HELLO, TRES Esquivel. Good morning. Finally, you're awake," sabi ni Mia sa akin nang makita akong papalapit sa dining area. May hawak siyang plato na naglalaman ng hotdogs. Inilapag niya iyon sa mesa. "Tamang-tama, nakapagluto na ako ng brunch natin. Sit down."
Parang batang masunurin na umupo ako sa mesa. Nakita kong nakahain ang fried rice, bacon, hotdogs at itlog. Mahilig sa ganitong almusal si Mia.
"Coffee?" malambing at nakangiti niyang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Beyond Words And Endlessly
General Fiction"Hello guys... What have I missed?" "Oh, my God! Tres!" excited na sabi ng mutual friend nilang si Miranda. Tres? The great Alfonso Esquivel The Third? Five years ago, during college, Tres was her boyfriend and she was Tres's sweetheart and they wer...