Chapter Fifteen : Pusong Bato

9.6K 256 59
                                    

TRES

I WAS NOT ready with my reaction when I saw Jorj dancing with the guy she was dating.

Hindi ko nagustuhan ang eksenang umiindak ang balakang niya habang nasa likuran lang ang ka-date niya at hawak siya sa beywang.

No, I did not fucking like it.

Pati ang paghawak ng lalaki sa hita ni Jorj habang nag-uusap sila. Na ang isang kamay ng lalaki ay humahagod sa likod ni Jorj pababa sa puwitan.

Fucking hell!

But worst of all, hindi ko nagustuhan nang mapansin kong tila may inilagay ang lalaki sa pangalawang shot glass na in-order nito. Na hula ko ay ipaiinom niya kay Jorj.

But I was not really sure. Masyado kasing madilim. Pero nasa mukha naman kasi ng ka-date ni Jorj na mapagsamantala ito.

Dalawang anak sa magkaibang ina? Hindi man lang pumili ng mahusay na ka-date ang babaeng 'to.

At putang ina niyang gago siya! Huwag na huwag siyang magkakamaling samantalahin ang kalasingan ni Jorj.

My chest was thudding. I was furious inside that I wanted to punch the fucking guy. Pero ayokong gumawa ng eksena.

For Jorj's sake. Baka makasira sa image niya. Kaya pigil na pigil ang galit ko.

'Tang ina naman, Esquivel. Kapakanan pa rin ni Jorj ang iniisip mo? kastigo ko sa sarili.

At isa pa, ayoko rin namang ipakita kay Jorj na apektado ako. Lalo lang siyang magkakaroon ng dahilan na bigyan pa ako ng masasakit na salitang bibitiwan niya mula sa bibig niya.

I put out my cellphone and texted her habang ilang dipa lang ang layo ko mula sa likuran niya.

Go home now, Jorj. And leave that dick, I texted her.

His date was one hundred percent dick.

Nakita kong napapitlag si Jorj nang maramdaman marahil ang pag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng maong shorts niya.

She was having a hard time getting her cellphone from her pocket. Meaning, she was that drunk already.

'Tang ina!

I heard her giggle. Paghagikgik ng isang lasing. "Hindi ko makuha..." aniya. Then she giggled again.

Fucking hell! Walang nakakatawa dahil lang hindi mo makuha ang cellphone mo sa bulsa.

"Allow me," ani ng lalaking ka-date niya at ito na ang kumuha ng cellphone sa bulsa niya. The bastard's hand lingered on her thigh.

Putang ina. Merda! That dick was really taking advantage of her.

I couldn't see her reaction upon reading my text. Her back was on me.

I said go home. Your date is a dick. Kung saan-saan na napapadpad ang kamay niya, I texted her again.

I did not want to call her. Baka sumigaw lang ako kapag nagkausap kami.

Tumunog ang cellphone ko. A text message from her.

Who you? Sino ka ba ha?

I replied immediately. Halos bumaon ang daliri ko sa screen ng cellphone sa panggigigil.

The great Alfonso Esquivel The Third, I replied immediately.

"Shit, shit!" Narinig kong mura ni Jorj. But her back was still on me.

Beyond Words And EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon