Chapter Nineteen : Coffee, Tea Or...Me?

11.8K 248 63
                                    

(Hi, there! Just in case you're wondering, Chapter 18 is in private mode. Thank you!)

JORJ

INILAGAY NI TRES ang nakaplatong itlog na kapi-prito lang niya sa counter. At pagkatapos ay lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang-balikat at iginiya ako palapit sa mesa. "Just stay..."

Parang ibinulong niya iyon sa tenga ko. And again, I could hear the pleading in his voice.

Namamalikmata ka lang, Jorj.

I heeded my heart this time again.

I stayed.

You never learned your lesson, Jorj, tila warning ng isang parte ng utak ko.

Pero nawalang lahat iyon nang makita kong nakatingin sa akin si Tres--smiling handsomely.

How can you resist a sexy handsome smile like that? Pray tell me.

Umupo ako sa high stool.

Siya naman ay nagpunta sa sala at kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa center table. Pagkatapos ay inilapag niya iyon sa tabi ko.

May ilang messages galing kay Miranda ang naka-appear sa screen ko. At may isang galing kay Mama Clark na kinukumusta rin ang date ko kay Charlie.

Binasa ko lahat iyon. Nasa tono ng text ni Miranda ang pag-aalala.

I am with Tres, reply ko kay Miranda.

Agad-agad ay sumagot si Miranda. Na para bang naghihintay talaga ng text ko.

Your KISA! I know. Nagkausap na kami kagabi kaya kampante na akong nakatulog, reply niya.

Bumuntong-hininga ako.

My KISA. May bumalot na namang lungkot sa puso ko. KISA ko pa rin nga ba siya? At isa pa, wala namang gagawing masama sa akin si Charlie. Hindi niya ako dapat na protektahan pa sa ka-date ko.

Si Tres ay kumuha ng mga plato. Sinusundan ko siya ng tingin habang naglalagay siya ng plato sa harap ko at pagkatapos ay bumalik muli sa harap ng kitchen counter.

Dati ay ako ang gumagawa ng lahat ng iyon para sa kanya. Na para siyang haring pinagsisilbihan ko habang nakaupo lang siya sa high stool.

Ngayon ay siya na ang gumagawa para sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa mga piniritong bacon na nasa plato.

"Jorjina..."

Nag-angat ako ng tingin. Tres was holding the coffeemaker.

Tres Esquivel smiled--a devastatingly, impossibly handsome half-smile. Bahagya lang umangat ang isang sulok ng labi niya. Pero ang guwapo-guwapo niya sa ngiting iyon. Siguro ay dahil umabot iyon sa maganda niyang brown eyes.

"Coffee, tea or...me?" he asked, flashing me a boyish grin.

You.

No, Jorj! Ano ka ba?

Tiningnan ko siya ng masama sa kabila ng gusto kong mapangiti.

The playful, naughty and flirty Tres was back.

He laughed out loud. Ni Hindi natakot sa tinging ibinigay ko. "Hindi pala ako kasama sa choices. Just coffee and tea." Then he smiled handsomely.

So good looking.

"Coffee..." pasuplada at matipid kong sagot. Pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin sa mga nakahandang pagkain.

Ayokong mahalata niyang apektado ako sa tanong niyang iyon at muntik nang siya ang piliin ko.

Beyond Words And EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon