Chapter Twenty-Seven : Stay For Always

11.8K 290 149
                                    

JORJINA

"I SAW HIM moved..." ani Leon. Ang panic sa boses niya ay napalitan ng excitement. "I think, he's awake."

Lahat kami ay napatayo.

"'Tang ina..." Tres swore habang nakasilip sa glass wall at nakita niyang gumagalaw na si Lolo Ponso.

Lolo Ponso was trying to open his eyes.

Tumingin si Tres sa aming lahat at nagtapos ang tingin kay Bobby. "What now?!" halos pasigaw niyang tanong.

Tulad ni Leon, may panic sa boses niya pero naroroon din ang excitement na makitang tila gising na ang kanyang lolo.

Hinawakan ko si Tres sa kamay. He automatically linked his fingers through mine.

"I already called the resident doctor," kalmadong sabi ni Bobby. "He'll be here in a minute. And the hospital already called for Doc Ave. Hindi muna tayo pwedeng pumasok sa loob hanggang hindi natitingnan ng doctor niya si Lolo Ponso, Tres..."

"Will he be fine?" nag-aalalang tanong ni Tres. Halos magdikit ang mga kilay niya sa pagsalubong.

I gently squeezed his hand, trying to calm him down.

Bobby smiled reassuringly. "He'll be fine, don't worry." He gently tapped Tres's shoulder.

Tila nakahinga naman nang maluwag si Tres sa sinabi ni Bobby.

"SENYOR IS OKAY now. Nothing to worry about," nakangiting sabi ni Doc Ave nang lumabas siya mula sa kuwartong ni Lolo Ponso.

Lahat kami ay nakahinga nang maluwag. I looked at Tres. Relief washed through his handsome face.

"The vitals are perfectly okay. He just needs some rest," patuloy ni Doc Ave.

Hindi kababakasan ng pagod ang mukha nito maski na ipinatawag ito sa bahay sa dis-oras ng gabi.

It was a call of duty. At nakikitang masaya naman ito sa ginagawa.

Tumingin si Doc Ave kina Tres at Leon. "Siguraduhin ninyong magpapahinga ang Lolo ninyo mula sa pagtatrabaho. He has to manage his level of stress para hindi na ito maulit. Napakasipag naman kasi ng Lolo ninyo." But then Doc Ave smiled fondly when she realized one thing. "But, well, he wouldn't be the Senyor if he's not like that. But, then again, the level of stress should be managed," paalala muli nito.

Matipid na ngumiti si Tres kay Doc Ave. "Don't worry, Doc Ave, we will make sure that Lolo will surely get his much-needed rest." Sumulyap si Tres kay Leon. "Right, brother?"

Leon's lips twitched upward. "You bet. Kung kailangang itali sa bahay, itatali para hindi makapasok sa opisina."

Nagtawanan ang lahat.

"Joke lang," sabi ni Leon.

Maski paano ay napangiti ako sa dalawang magkapatid. Kitang-kita sa mukha nilang dalawa na wala ang agam-agam sa dibdib nila.

At alam kong sisiguraduhin ng dalawa na makakapagpahinga si Lolo Ponso.

Na kung kinakailangang salitan silang magbantay sa Lolo nila ay gagawin nila huwag lamang itong makabalik muna sa pagtatrabaho.

"Can we see him now?" excited na tanong ni Tres.

"Of course. He's been waiting for all you..." Nilibot kaming lahat ng tingin ni Doc Ave.

Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa labi ng magkapatid na sina Tres at Leon.

"Thank you, Tita Ave..." ani Tres at mahigpit na niyakap si Doc Ave. He even kissed Doc Ave on top of her head.

Beyond Words And EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon