TRES
AGAD AKONG NAGTULOY sa kuwarto sa villa na assigned sa amin nang magpaalam ako sa mga taong naiwan sa ballroom.
Nagkakasayahan pa ang lahat. Pero parang binibiyak na ang ulo ko sa sakit. Siguro ay dahil sa jetlag.
At sa marami pang bagay na nangyari simula nang umapak ako sa Pilipinas.
Jorj's was not at the ballroom anymore when I left. Nabanggit ni Miranda na nagpaalam na rin si Jorj's na magpapahinga.
Napagod rin siguro dahil sa mga raket na pinuntahan.
Hinubad ko ang suit ko at inalis ang bow tie ko pagkatapos ay mabigat ang mga paang lumakad ako patungong veranda ng kuwarto namin. It was the room I will be sharing with Jacob.
Pero wala pa si Maravilla dahil masaya pa itong kasayaw si Miranda sa ballroom. Lahat sila ay masaya.
Bobby and Ashley with their cute daughter Chelsea.
Cobi and Mira.
And of course, the newly weds, Lucas and Stasha. May forever. Silang lahat ay may forever.
Maliban sa akin.
Tumingin ako sa direksyon ng kuwarto nina Jorj. Nasa dulo iyon sa bandang kanan ng sa amin.
I inhaled sharply, like I needed it for my dear life. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako.
I was suffocating from her presence.
Jorjina's presence.
Breathing the same air that she was breathing was painfully hard. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na umuwi. Ang dami agad na nangyari at nasabi simula nang umapak ako sa Pilipinas ilang oras lang ang nakakaraan.
"I HAVE ALREADY disposed them-all three..." Leon said, referring to my two motorbikes and the pick up.
Parang may biglang bumayo sa dibdib ko. Isang malakas na suntok na bigla kong ininda.
Dumiretso ako ng tayo mula sa pagkakasandal ng mga braso ko sa barandilya habang magkasalikop ang mga kamay ko. Si Leon ay nakatayo at nakahalukipkip.
Tinawag ako ni Leon sa ballroom papuntang villa para sabihin iyon sa akin.
Bumuntong-hininga ako bago sumulyap kay Leon. Ang bigat sa dibdib na malaman na wala na ang paborito kong Ducati at BMW na motorbikes pati na ang pick up.
Ang buong akala ko ay hindi magiging ganito ang epekto sa akin.
"Pwede ko bang malaman kung kanino mo ipinamigay?" nakakunot ang noong tanong ko kay Leon.
Fucking hell! Those were special to me. Gusto kong malaman kung magiging espesyal din ba ang magiging trato ng bagong may-ari sa mga iyon.
I wanted to know.
"Is it really necessary? Ang sabi mo lang, i-dispose ko ang dalawang motorbikes mo at ang pick up. You even told me na wala kang pakialam kahit na ipamigay ko kahit kanino basta ang gusto mo, pag-uwi mo, wala na ang tatlong lumang sasakyan mo dahil ayaw mo na ng luma-"
Yeah, right.
'Tang 'ina, Esquivel. Sinunod lang ni Leon ang gusto mo. Pinalabas mo kasing wala ng halaga sa 'yo ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Beyond Words And Endlessly
פרוזה"Hello guys... What have I missed?" "Oh, my God! Tres!" excited na sabi ng mutual friend nilang si Miranda. Tres? The great Alfonso Esquivel The Third? Five years ago, during college, Tres was her boyfriend and she was Tres's sweetheart and they wer...