Chapter Eighteen : The Kiss - Tres's POV

11.2K 211 26
                                    

TRES

"BROWN EYES..." TAWAG ni Jorj matapos ko siyang mailapag sa kama. Then she giggled softly.

She smelled of vomit. And she looked like a mess.

But still beautiful. Beautiful mess.

Her giggle was like my favorite music in the world. Na kahit paulit-ulit kong marinig ay hindi ko kahit kailan pagsasawaan.

"What, sweetheart?" I gave emphasis to the last word.

Sweetheart. I missed it coming from my lips. Ilang taon ko ring hindi binanggit ang salitang iyon dahil alam ko sa puso ko na para sa iisang tao lang ang salitang iyon.

Only for Jorjina.

She held my gaze. It made my heart jump. "Kung aalis ka, gisingin mo ako, ha?" parang batang sabi niya. "Para lang hindi ako magulat na wala ka na pala..."

Isa na namang patama. Hugot, sa madaling salita.

Paulit-ulit na lang kami sa ganito.

Matagal ko siyang tinitigan. I made my reaction void of any expression. It was hard doing it when I wanted to look at her lovingly.

Tell her what really happened, Esquivel.

Not when she was drunk. Sa tindi ng kalasingan ni Jorj, alam kong bukas, ni isa sa mga sinabi at ginawa niya ay wala siyang matatandaan.

I just smirked. "You're just drunk...Sleep and get some rest..."

Pagkatapos ay lumabas na ako sa kuwarto.

Halfway through the kitchen, my cellphone rang. It was Miranda.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung totoong vibrations nga ba ni Miranda kung bakit gusto niyang sunduin ko si Jorj o gusto lang niyang paglapitin kaming dalawa.

But knowing my honey, she would not do that. Alam ni Miranda kung kailan siya papasok sa isang sitwasyon. Ganoon siya ka-marespeto.

Baka lang talagang hindi maganda ang nararamdaman niya sa date na iyon ni Jorj. And from the looks of it, Miranda was right.

"Honey..." I fondly said habang kumukuha ng ice cubes sa refrigerator. Mabuti na lang ay meron.

I really had to thank Mamay. Alam kong dahil sa kanya kaya kumpleto ako sa supplies sa unit ko na para bang inuuwian ko pa rin ito.

Kailangan kong mapunasan ng malamig si Jorjina para mahimasmasan ng konti. Init na init siya. Para na rin maalis ang amoy suka sa mukha at katawan niya.

"Tres, is she with you?" nag-aalalang tanong ni Miranda.

Bumuntong-hininga ako. "Yeah... She was heavily drunk. Dito ko na siya dinala sa condo unit ko."

"Hay!" isang exaggerated na buntong-hininga ni Miranda ang narinig ko sa kabilang linya. "Salamat naman..."

Hindi na ako kumibo. There was a long pause between us. Na para bang nag-iisip si Miranda sa kabilang linya. Maski ako ay nahinto sa ginagawa ko at napaisip.

Kung kay Miranda siguro ako tumakbo noong makipag-break sa akin si Jorjina, baka hindi ako umalis. She would put some sense into my head. She would use her convincing powers to cool my head down so that I could think straight.

Napasabunot ako sa buhok. Tapos na iyon. Nangyari na ang nangyari.

Everything happened for a reason, 'ika nga.

"Tres..." ani Miranda.

"Yes, honey?" malambing kong tanong. She was my little sister. The one I would gladly have. The one I wished I have.

Beyond Words And EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon