Chapter Two : Touchdown Manila. Welcome Home, Tres Esquivel

12K 326 44
                                    

TRES

"AABOT KA BA sa kasal ng mga kaibigan mo?" tanong ni Mia sa akin habang inaayos ko ang ilang damit na dadalhin ko pauwi sa Manila na sapat lamang sa isang handcarry bag. Nakaupo si Mia sa gilid ng kama habang nakamata sa ginagawa ko.

"Yup. That's what my brother said. I trust my brother."

Apat na araw pagkatapos kong sabihin kay Leon na uuwi ako para sa kasal nina Lucas at Stasha ay agad niyang inayos ang flight ko pauwi. I did not know how he did it in such a short notice but he did.

Ngayon pa lang ay pinabibilib na ako ni Leon Alfonso Esquivel. He could pull strings and twist arms if he wanted to. Isang tunay na Esquivel. I smiled at the thought.

An Esquivel private plane would be waiting for me at the Sao Paolo Guarulhos International Airport that would fly me non-stop to Ninoy Aquino Interntional Airport.

Darating ako ng Pilipinas sa mismong araw ng kasal nina Lucas at Stasha. Ilang oras bago ang martsa sa simbahan. Mabuti nga at nagawan pa ng paraan ni Leon at naayos niya ang dapat ayusin para masundo ako ng private plane sa napaiking panahon na ibinigay ko sa kanya.

Just in time for Lucas and Stasha's wedding.

I did not want to ruin their wedding day by not attending. Iniyakan na ako ni Stasha. To attend the wedding was the least I can do to both of them. Mali ang akusasyon nilang hindi sila mahalaga sa akin. My college friends were importat to me. They were my family.

Maski na ang totoo—kung tatanungin ako ngayon—ay ayoko na sanang umuwi pa. Brazil had been very good to me. Nakilala ko si Oscar, my one and only distant maternal cousin who accepted me as part of Helena Cerdenia Esquivel's family. Siya lang ang tumanggap sa akin sa pamilya ng mommy ko.

Brazil had been my sanctuary for the last five years. Protecting me from all the unhappy memories back in Manila. Helping me exorcise her memory.

Jorjina.

"Mami-miss kita..."

Nilingon ko si Mia. May lambing ang pagkakasabi niya noon. Hindi lambing na galing sa isang babaeng may pagnanasa sa akin kundi galing sa isang kaibigang alam kong nagpapahalaga sa akin.

My mouth twitched up in a half-smile. "I know," mayabang kong sabi. "Your life wouldn't be the same without me."

Mia giggled. "'Yan. 'Yang kayabangan mo at sexy mong smile ang mami-miss ko."

Napangiti ako at ipinagpatuloy ang pagtutupi ng mga t-shirt. Kinuha iyon ni Mia sa akin at tinulungan niya ako sa pagtutupi. Hinayaan ko siya at ibinaling ko ang atensyon ko sa mga dokumentong kailangan kong dalhin.

"Excited ka?" kaswal na tanong ni Mia.

"A little," I admitted, not wanting to sound really, really excited.

I was excited, yes, but fucking scared and hesitant, too. It had been fucking five years since I closed my door to them.

"Excited kang makita si Jorj?" she teased. Mia even looked at me sideways and smiled.

"Excited akong makita ang mga kaibigan ko, ang lolo ko, ang kapatid ko at ang Mamay ko, Macadamia."

Sinimangutan niya ako sa pagtawag ko sa buo niyang pangalan pero hindi niyon napigil ang panunukso niya. "Eh, si Jorj?"

Bahagyang kumunot ang noo ko. The mere mention of her name sent shrivers down my spine.

Oh, give your fucking self a fucking break, Alfonso Three. Hind ka na dapat maapektuhan. You have moved on, right?  kastigo ko sa sarili.

Beyond Words And EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon