Chapter Thirty-Five : Like A Sunrise

14.9K 275 156
                                    

JORJINA

MR. AND MRS. Esquivel, I present to you my wedding gift--sila...” ang nakangiting sabi ni Cobi. Inilahad pa niya ang isang kamay na parang isang in-charge sa isang showroom na nagpapakita ng magagandang merchandises.

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig. Nanginginig iyon.

“Fucking hell! Fucking hell!” Nadinig kong mahinang sabi ni Tres.

Pareho kaming hindi makapaniwala ni Tres.

Dahil naririto ‘silang’ lahat.

Silang lahat.

Ang Ducati motorcycle ni Tres na madalas niyang gamitin noong college kami.

Ang BMW motorcyle.

At ang pick-up.

Where our first kiss happened.

Ang pick-up na ito ang piping saksi sa first kiss namin ni Tres  na kung saan gaano ko man pigilan ang sarili ko sa pampi-flirt ni Tres sa akin noon ay hindi rin ako nakaligtas sa malakas na hatak ng Tres-effect.

'Silang' lahat.

Silang lahat na narinig kong ipinadispatsa ni Tres kay Leon noong gabi ng kasal nina Lucas at Stasha.

To get rid of my memory from his memory.

Nanginginig ang buong katawan ko nang dahan-dahan akong lumapit sa pick-up ni Tres. I stretched my arms on the hood as if embracing it.

I missed them so much. Hindi ko sila ipagpapalit sa bagong Alfa Romeo na gamit ni Tres ngayon.

And then I cried. Humihikbi talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because these three vehicles held so much memories.

May sentimental value sila sa akin. Kaya nga sobrang nasaktan ako nang marinig kong ipinadispatsa sila ni Tres.

Na alam kong labis niyang pinagsisisihan.

Mabuti na lang at may isang Jacob na nakaintindi kung gaano kahalaga sa amin ni Tres ang mga sasakyan.

I looked at Tres. Nasa mukha niya ang kasiyahan. At isang ‘hindi-makapaniwala’ look na naririto silang tatlo sa harapan namin.

Dahan-dahan din siyang umikot sa dalawang motorsiklo. Tingin ni Tres ay para itong rare art museum pieces na bawal hawakan at pwede lang tingnan.

Then, he tocuhed it--the Ducati. And he closed his eyes. Na parang bang nai-connect ng motorsiklo ang lahat ng memories sa kanya at nanumbalik iyon.

Alfonso Esquivel The Third was equal to motorcycle. Nakilala siya sa HFU na iyon ang gamit niya. Nobody in HFU can equal how Tres Esquivel drive his expensive motorcycle around.

Maangas at matikas.

Like a motorcycle racer. Lalo na kapag hinubad na niya ang suot na helmet na kahit na nagulo ang buhok ay hindi nakabawas sa angas at tikas niya.

“Fucking hell!” Tres muttered under his breath.

Then he rode the Ducati motorcycle. At tulad ng isang batang binigyan ng isang gustung-gustong laruan, Tres’s smile was wide. He was grinning like a happy child.

At hinayaan lang kami nina Jacob, Miranda at Andrew. Maging ang lalaking nagngangalang Mario.

They were giving us time to savor this special moment.

Ang makita 'silang' lahat muli.

Pagkaraan ng ilang minuto ay naka-recover na kami ni Tres sa pagkabigla. Nilapitan niya ako at magkahawak-kamay kaming lumapit kina Cobi.

Beyond Words And EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon