JORJINA
PAGKATAPOS NG ISANG set ko pa sa pagkanta ay agad akong lumapit kina Ashley at Bobby, habang karga ni Bobby ang umiiyak na si Chelsea. The little girl was having tantrums.
Si Philip naman ang pumalit sa akin para sa acoustic songs ng set niya.
"Bakit?" concerned kong tanong nang makalapit ako. Karga ni Bobby si Chelsea habang nagwawala.
"Winnie! Po! Where? Winnie... Po..." tili ni Chelsea habang umiiyak. Lumiliyad pa siya habang karga ni Bobby.
"Sweety, no..." masuyong saway naman ni Bobby sa anak. Hinalikan pa niya si Chelsea sa tuktok ng buhok.
"Inaantok na," paliwanag ni Ashley. "Kaya hinahanap na si Po at Winnie n'ya." Tumingin si Ashley kay Bobby. "Ilabas na muna natin si Chelsea, Aldus. Nakakahiya sa ibang mga bisita."
Si Winnie at Po ay ang mga maliliit na teddy bears na naging mahalagang parte ng buhay nina Ashley at Bobby noong mag-boyfriend-girlfriend pa lang ang dalawa. Ang mga teddy bears na iyon ang ginawang anak-anakan ng dalawa noon at ngayong naririto na si Chelsea sa buhay nila ay kay Chelsea naman nila ibinigay ang teddy bears.
At habang lumalaki si Chelsea at nakasanayan na niyang yakapin at hipu-hipuin ang teddy bears hanggang sa makatulog siya.
"Eh, asan na nga ba kasi sina Winnie at Po niya?" tanong ko at nilapitan si Chelsea at inalo-alo ko ang bata. Kasama na nila akong naglalakad palabas sa grand ballroom.
"Nasa bag ni Chelsea kasi nilalaro niya kanina. Pero hindi naman mahanap ni Nene ang bag na 'yun ni Chelsea—"
Sabay kaming napangiwing tatlo nang marinig namin ang malakas na tili ni Chelsea habang umiiyak.
"Winnie! I want Winnie! Po!" nagta-tantrums niyang sigaw. Mabuti at nasa dulong bahagi kami ng terrace sa labas ng ballroom. Hindi gaanong dinig ng mga taong kasama namin sa terrace ang malakas na pag-iyak ni Chelsea.
"Parang nakita ko 'yung bag n'ya sa main sala ng villas natin," sabi ko.
Napansin ko iyon nang dumating ako kanina.
"Oh, God. Good. Tatawagan ko si Nene—" tila nakahinga ng maluwag na sabi ni Ashley.
"Ako na lang," pagboboluntaryo ko.
"Let's put her to bed," suhestiyon ni Bobby. Nagwawala pa rin si Chelsea. Pero hindi kakikitaan ng iritasyon si Bobby kundi puno ng pagpapasensya sa nagta-trantrums na anak.
Lumapit ako kay Chelsea at pinunasan ang pisngi niyang basa ng luha. "Chels, don't cry na. Mama Jorj will find Winnie and Po for you," malambing kong sabi.
"Winnie...Po..." humihikbing sabi ni Chelsea. Pagkatapos ay lumiyad ulit at umatungal ng iyak. Inaantok na talaga ang bata at hinahanap na ang paborito niyang laruang pampatulog.
Ashley winced. "Oh, God. You really are my daughter," natatawang sabi niya.
Bobby laughed quietly. "Ngayon alam mo ng sa 'yo nagmana ang anak natin—feisty at malakas manigaw."
Ashley rolled her eyeballs. "Shut up, jerk," she fondly said while looking at Bobby's eyes with so much love.
Bobby met Ashley's gaze head-on. "Make me, my Gracie," malambing niyang sabi. Parang nang-aakit pa nga.
I rolled my eyeballs. At ako pa na brokenhearted at walang boyfriend ang pinakitaan ng ganoon. Eh, 'di syempre ay nainggit ako. Ang haba ng buhok ni Ashley.
"Halika at dalhin n'yo na si Chelsea sa villa n'yo at ako na ang kukuha sa main sala ng bag at isusunod ko na roon sa inyo. Para makapagpahinga na rin ang bata." Pagkatapos ay ngumiti ako at nag-roll ng eyes. "At saka bago pa ako langgamin sa inyong dalawa. Please lang."
BINABASA MO ANG
Beyond Words And Endlessly
General Fiction"Hello guys... What have I missed?" "Oh, my God! Tres!" excited na sabi ng mutual friend nilang si Miranda. Tres? The great Alfonso Esquivel The Third? Five years ago, during college, Tres was her boyfriend and she was Tres's sweetheart and they wer...