Chapter Thirty : Jorjina's Most Hated Name

10.2K 235 157
                                    

JORJINA

MATAMAN KONG PINAGMASDAN ang Valentino red dress na nakalatag sa kama ko.

Seeing it again brought sweet memories in my mind. And it made me smile.

It was the red dress Stasha bought me for my first real date with Tres when we were in college.

Isang bonggang date na ginawa ni Tres na usherettes sina Miranda at Stasha, singer si Jacob at waiter si Lucas.

And only Tres Esquivel can pull it off.

I sighed. Hindi ko na kahit kailan pa ginamit ang red dress na ito na ang buong akala ko noong una ay ipinahiram lang ni Stasha pero binili pala niya para sa akin.

Hindi biro ang halaga ng dress pero dahil sa todong suporta niya sa real date naming dalawa ni Tres ay talagang ibinili pa niya ako ng dress.

The dress, way back in college, felt too sexy for me. Na-awkward talaga akong suotin ito noon kundi lang talaga sa pamimilit nina Stasha at Miranda.

Mababa kasi ang neckline ng dress. Pati na ang backline. And it hugged my body giving me curves and showed my nice pair of legs.

Pero nang isukat ko ulit siya kanina pagkarating ko galing sa Batangas, I felt I was a woman of the world.

Marami na ang nagbago sa nakalipas na limang taon. Mas naging confident ako sa sarili ko at sa sarili kong katawan.

Isa lang naman ang hindi nagbago at iyon ang pagmamahal ko kay Tres.

Napangiti ako sa pangalang pumasok sa isipan ko.

Sa pangalang hindi kahit kailan nawala sa isipan ko ni isang saglit.

At makaka-date ko ang lalaking iyon. Excited na ako. Hindi ako pinatulog niyon kagabi.

Hindi na rin naalis ang ngiti ko sa labi kahit nakaalis na siya sa hotel namin sa Batangas matapos niya akong puntahan sa hotel dala ang mga pagkaing gusto ko.

Parte ng tradisyonal na panliligaw niya.

Sana nga ay sabihin na ni Tres na mahal niya ako. Iyon ang gusto kong marinig ko. Hindi ba at talaga namang sinasabi ng lalaking nanliligaw na mahal niya ang babaeng nililigawan?

Ganoon ang gusto ko. Kahit sabihin pa ng iba na kaartehan na lang iyon sa parte ko, still, gusto ko pa ring marinig muna iyon mula sa bibig ni Tres.

Pagkatapos ay sasabihin kong mahal na mahal ko rin siya--mula noon hanggang ngayon.

Sana nga.

But first things first.

This something fancy and something wonderful date with Tres Esquivel first.

Napatingin ako sa wall clock. Alas sais na ng gabi. Alas-siyete ang usapan namin ni Tres.

Isinuot ko na ang dress. Naglagay na rin ako ng make-up at inayos ko na rin ang buhok ko.

Marunong na akong mag-make up ngayon. Natuto na ako dahil sa mga raket na ina-attend-an ko.

Nag-decide akong ilugay ang lampas-balikat kong buhok matapos ko iyong i-soft curl.

Kahit marunong akong mag-make-up ay hindi pa rin ako marunong mag-aayos ang buhok. Sina Ashley at Stasha ang magaling sa ganoon.

Hinipo ko ang singsing na pendant sa kwintas na suot ko at masuyo kong ikinulong iyon sa palad ko.

Parang isang paghingi ng blessing sa date ko sa anak ng namayapang si Helena Cerdenia Esquivel.

Kung buhay kaya ang mommy ni Tres ay magugustuhahan kaya niya ako para sa anak niya?

Beyond Words And EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon