· TTBG 4 ·

32 0 1
                                    

···♥♥···



Pagkagising ko ay pinuntahan ko kaagad si Aling Maring upang magpaalam. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari at kung bakit ako napilitang mag-aral sa Seidrin Academy.

Sinabi naman niyang naiintindihan niya ako at mas makakabuti pa nga raw sa akin kung mag-aaral ako. Magaling naman daw talaga ako pagdating sa pakikipaglaban at kahit papaano naman daw ay may maipagmamalaki akong talino. Kaya hindi naman daw magiging problema sa akin ang pag-aaral do'n.

At kung tungkol naman sa karinderya, siya na daw ang bahala do'n at hindi ko na daw dapat pa siyang alalahanin dahil marami naman daw siyang mga kaibigan na makakatulong sa kanya. Hindi daw magiging madali pero kakayanin niya basta daw ay pagbutihin ko ang pag-aaral ko, na siya namang sinang-ayunan ko.

Natawa nga ako dahil parang sinabi na din ni Aling Maring na hindi na ako babalik samantalang uwian naman ako. Masaya naman ako dahil pumayag si Aling Maring at least papasok akong walang inaalala.

Medyo may advantage naman ang pagpayag kong pumasok sa Siedrin dahil makakauwi pa rin ako. At isa pa, makakapag-aral ako ng libre, yun nga lang sa lugar na puro cannot be reach ang mga tao ako mag-aaral.

Hay, I really hope I can make this through.

This will gonna be tough.

···♥♥···

Nandito ako ngayon sa tapat ng malaking gate ng Siedrin. Ang gara talaga nito. Parang hindi bagay ang tulad kong normal na tao lang dito. Kung iisipin ay dapat wala talaga ako dito eh, kung hindi lang talaga ako pinilit ni Lili ay hindi ako pupunta.

Katulad ng sinabi ni Lili ay hindi talaga ako nagdala ng kung ano. Ang tanging dala ko lang ay yung passcard at letter ni Lili. Sabi din naman niya kasi ay nandito na lahat ng kailangan ko at ang kailangan ko lang gawin ay pumunta dito at gampanan ang trabaho ko. That's why I'm here without anything.

Anyway, makapasok na nga lang. Bahala na kung anong mangyari.

Lumapit ako sa may gate at itinapat ang passcard do'n sa something sa may gate. Ewan ko ba kung ano yun.

Biglang bumukas ang gate kaya pumasok na din ako. So, anong gagawin ko dito? Wala namang katao-tao.

Tanaw mula dito ang naglalakihan at naggagandahang building. Kung titingnan ay parang nasa siyudad ka lang sa laki ng mga buildings. Yung totoo nasa school ba talaga ako? Para kasing hindi eh.

"Miss, are you Yanderie Cassiopeia?"

Nagulat ako sa biglang nagsalitang iyon kaya napatalon ako. Sa likod ay nakatayo ang lalaking parang Men in Black ang ayos, may shades pang suot ito.

"A-ah.. Yes, yes." sagot ko dito ng makabawi ako mula sa pagkagulat.

"So, you finally arrive. Here," Inabot nito sa akin ang hawak nitong bag. "Miss Liliene ask me to give you that when you arrive. She said that all you need in your class is in there. Do you have you're schedule with you Miss Yanderie?"

"Yes po.." Inilabas ko yung schedule ko sa may bulsa ko. "Then, what should I do with this?" Sinukbit ko na ang bag na inabot nito sa akin.

"Well, I'm gonna escort you to your classes since you don't know the way. Shall we?"

"Ah, okay po.."

Lumakad na ito kaya sumunod na lang ako. Ayoko namang maligaw sa first day ko, syempre.

Hindi talaga ako makapaniwala na ganito ang loob ng Seidrin, feeling ko hindi ako umalis sa City. Sobrang laki ng school na ito.

Parang lahat nandito na. Sa kabilang part ay ang mga school buildings, sa kabilang parte naman ay may isang malaking mall, fast foods, clothing and electronic sections.

Trained To Be a GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon