···♥♥···
"Next weapon will be Two Handed Sword. Please prepare students."
"Hays.. That Two Handed Sword always makes my arms hurt. It's too heavy you know."
"Yeah, yeah.. Mag-prepare palang naman daw eh, kaya mag-relax ka muna Sicily."
"Much better.."
Tumabi ito sa akin kaya parehas na kaming nakahiga dito sa may quadrant namin. Ah, inaantok tuloy ako, ang lamig pa naman.
Bumalik na ulit sila Lili sa upuan nila kanina. Sobrang thankful talaga ako dahil nawala yung sakit ng katawan ko. Parang na-refreshen talaga ako. Nakakatuwa, parang walang nangyari.
Natawa kami ng bongga ni Sicily dahil nagsabay kami sa paghikab. Parehas na kaming tinatamad, no doubt.
"This P.E class makes me want to sleep. So boring."
"I feel you Sicily. Kanina sobrang nag-enjoy akong makipaglaban kay Caline eh, ngayon waley na, gusto ko ng matulog. Tara alis na tayo dito."
Napahikab ulit ito. "As much as I want to but we can't. Hay, I just want to end this class. The boredom is killing me!"
Napatawa naman ako do'n. Ibang klase palang ma-bored si Sicily.
Tumayo na din kaming dalawa ng sinabing mag-sisimula na daw. Katulad kanina, kung may gustong i-duel, pwedeng-pwede.
"Diba wala naman sinabi na kailangan nating gumamit ng Two Handed Sword? So ibig sabihin pwede tayong matulog na lang dito?"
Bigla namang nag-lighten up yung mata ni Sicily na sobrang bored na bored na kanina. "Your right, Yanderie! That's brilliant! Okay, let's sleep!"
Kumuha kami ng tig-isang Two Handed Sword at itinukod sa harap namin. This time naka-upo lang kami at nakaharang yung sword para hindi kami makitang natutulog. Malapad naman yung sword kaya no problem.
Habang busy-ing busy yung mga classmates naming magpakitang gilas do'n, kami naman ni Sicily, walang pakialam na nakaupo lang dito at may binabalak na matulog. Ang sipag namin eh.
Unti-unti na akong hinihila ng antok. Sobrang papikit na yung mata ko, nang bigla kong maramdaman yung kakaibang tunog ng hangin sa kanan ko. Napadilat ako at sasanggain ko na dapat ang atakeng 'yon ng may nauna sa akin.
I saw Sicily, standing there wearing her bored eyes again. Nakatayo siya gilid ko at sinangga ang atakeng dapat ay para sa akin.
Sa lapag nando'n yung weapon na binato, which is Two Handed Sword. Paano naman nakayang ibato 'to? Lubhang mabigat kasi talaga ang Two Handed Sword at ayon sa sarili kong karanasan hindi siya kayang buhatin ng isang kamay lang.
Tumayo ako at tinapik sa balikat si Sicily. "Thank you, Sicily."
"No problem, Yanderie." sabi nito sabay hikab.
"I don't expect that you can block my attack, Sicily Hautkins." At mula sa pinanggalingan ng sword lumabas yung lalaking kulay raven yung buhok, may headphone sa leeg at nakapamulsa pa habang papalapit sa amin.
"Oh, it's you, Falion Cleave. Can you please leave us alone? We want to sleep as you can see."
Tumawa naman yung Falion. Nabaliw na yata.
"Then you can sleep once that Newbie fight me. Do you agree, cousin?"
Nagulat naman ako do'n. "Cousin?! Magpinsan kayo niyan Sicily?" sabi ko sabay duro do'n sa Falion gamit yung sword ko. Woah, nabuhat ko siya ng isang kamay lang, achievement! Kaya lang nakakangalay, itigil na 'to.
BINABASA MO ANG
Trained To Be a Guardian
Fantasy"It's my duty to protect her. I'd rather die by protecting her than to leave this world without doing anything for my friend's safety." ---- Yanderie Cassiopeia