···♥♥···
"Pasok na po ako, Aling Maring. Mag-ingat po kayo dito ah."
"Sige, Andy.. Mag-ingat ka din ah.."
"Opo!"
Tumakbo na ako. 30 minutes na lang kasi ang natitira. Baka ma-late pa ako, malayo pa naman yung Seidrin Academy dito.
Tinanghali kasi ako ng gising. Pag-uwi ko kasi kahapon ay tinulungan ko pa si Aling Maring mag-ayos ng karinderya. Ang sakit pa ng katawan ko dahil do'n sa mga trials lalong-lalo na no'ng pinagsasapak ako. Grabe lang.
Medyo mainit nga ako ngayon eh. Feeling ko lalagnatin ako, dahil ng nababad ako sa tubig kahapon. Pero masigla naman ako ngayon kaya baka mawala din 'to mamaya.
Pagdating ko sa Seidrin ay tinap ko yung I.D ko sa may monitor ng gate at bumukas din naman kaagad. Woosh! May 10 minutes pa ako bago mag-time. Pwede na akong maglakad lang.. Buti naman.
Nang nasa hallway na ako ay madaming estudyante nakatambay do'n na nagbubulungan habang nakatingi sa akin. Malamang ay umabot na din sa kanilang kaalaman ang nangyari kahapon at ang pagsasabi ni Lili na Guardian niya ako. Hays, napapabuntong-hininga na lang ako.
Napahinto naman ako ng may biglang humarang sa dadaanan ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hays, dapat talaga nasabihan ko si Lili na huwag ipagsabi yun eh. Mapapalaban tuloy ako.
"Ahm. Excuse me lang po." sabi ko saka gumilid pero hinarangan nila. Gumilid ulit ako pero humarang na naman sila. Tsk. Naiinis na ako ah. Tiningnan ko yung mga humaharang sa akin. Kambal sila, lalaki. "What's your problem twins? Can't you see I'm in a hurry? I need to go in my classroom now."
Ngumiti naman silang dalawa at in-extend ang kamay nila. Ang naging initial reaksyon ko ay, hinawakan ko yung kamay no'ng nasa kanan saka ko hinila ang suot suot nito necktie, iniikot ko ito do'n sa kamay pa ng kakambal nito at binuhol. Kinuha ko ang magkabilang kamay nilang dalawa at saka ko pinilipit palikod bago ko sila tinulak pababa sa sahig at itinukod ko sa likod nilang dalawa ang tuhod ko.
"Aw,aw,aw! It hurts!"
"Ouch! Let go of us!"
Sabay na sabi nitong dalawa.
"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ko at mas idiniin ko pa sila sa sahig.
"Ouch! Packing tape! We just want to make friends to you!"
"Is that true? Or you just kidding me?"
"My twin is telling the truth, okay? Just please let go of us! It hurts!"
"How can I be sure that you two are not threat to me?"
Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko yung bulungan ng mga estudyante dito.
"Hindi ba alam ng babaeng 'to na Veiron ang dalawang iyan."
"What do you expect? That girl is such a commoner. Ewan ko ba kung bakit pinag-aral pa iyan dito ni Princess Liliene eh."
"Yeah, right. At mababa siyang uri ng nilalang, wala siyang karapatang ganyanin ang mga Prince dito."
"Tara tulungan natin."
Ah, so Veiron pala talaga ang dalawang ito. I don't care. Hindi ko pa rin alam kung ano ang motibo nila sa paglapit nila sa akin. I'm not sure if they really want to make friends with me or just trying to fool out of me.
Mababang uri ng nilalang? Commoner? It's actually a music to my ears. Mas okay pa sa aking tawaging gano'n. Mas okay ng mas mababa ang pagtingin nila sa akin kaysa mapuno naman ng kayabangan ang pagkatao ko ng dahil lang sa tulong ni Liliene.
BINABASA MO ANG
Trained To Be a Guardian
Fantasy"It's my duty to protect her. I'd rather die by protecting her than to leave this world without doing anything for my friend's safety." ---- Yanderie Cassiopeia