···♥♥···
Sobrang wierd talaga ng nangyari kanina. Bigla ba naman silang bumati at ngumiti sa akin, eh samantalang parang ang rude ng pagtanggap nila sa akin. Pinagbabato pa nga nila ako ng kung ano-ano eh. Nakipag-sparring pa ako ng wala sa oras. Tapos biglang nag-iba yung pakikitungo nila sa akin. May mga alter ba yung mga estudyante dito?
Pero sa tingin ko nga'y mabubuti silang tao, dahil friendly pala sila. Saka sinabi na din nila sa akin yung reason kung bakit gano'n ang pinakita nila sa akin.
Tuwing may bagong dating pala silang kaklase at tini-test nila ang kakayahan ng mga ito. Medyo delikado nga lang ang method pero kapag daw nakapasa ay buong puso naman daw nilang tinatanggap ito.
Ang cool nga eh. Parang kailangan mo munang pumasa sa standard nila bago ka nila tanggapin. And I'm glad that I make it through.
Nakatambay lang ako dito sa room. Wala naman kasi akong iba pang alam na lugar kaya mas mabuting mag-stay na lang ako dito.
Mag-isa lang ako dahil nagsialisan na yung mga classmates ko para kumain. Niyaya pa nga nila ako pero, tinanggihan ko na. Wala naman kasi akong dalang pera at isa pa, mukhang hindi ko afford ang mga ibinebenta nila ditong pagkain. Mga rich kid kasi ang nag-aaral dito eh. Mukhang ako nga lang ang hindi.
Pinagdala naman ako ni Aling Maring ng pagkain kaya yun ang kinakain ko ngayon. Sa tingin ko naman ay walang makakatalo sa sarap ng luto ni Aling Maring. The best pa rin 'to sa lahat ng pagkaing nandito sa loob ng paaralang ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa akin si Lili. Siya yung nagpapunta sa akin dito pero parang wala siyang balak magpakita sa akin. Hay, hindi ko pa naman alam kung anong klaseng paaralan ito. Ang alam ko lang ay puro mayayaman ang nag-aaral dito pero kung tungkol naman sa ugali nila, I have no idea.
Pero, sabagay.. Mas makakabuti nga siguro sa akin ang dumistansya kay Lili kapag nandito kami sa Siedrin. Kilalang-kilala kasi dito si Lili since Exosphere nga siya, baka kasi pag-initan ako ng mga estudyante dito once na malaman nila.
Yung mga classmates ko nga eh.. Kaya pala pinagbabato nila ako ng dagger at hinayang makipag-sparring sa akin yung dalawa nilang magagaling na kaklase ay para malaman kung bakit ako pinag-aral dito ni Lili. Mas naging interested sila sa kakayahan ko dahil sa kadahilanang iyon. At sabi naman nilang hindi daw nagkamali ng pagpili sa akin si Lili.
Nakakatuwa naman yun at the same time ay hindi rin. Dahil paniguradong magiging mainit ang mga mata ng ilang estudyante dito sa akin.
Okay lang sana sa akin kung in-introduce ako ni kuya men in black in a normal way. Dapat kasi ay hindi na sinabi nito na si Lili ang nagpa-aral sa akin dito eh. Kaya lang, nasabi na niya, wala na akong magagawa. Siguro nga ay kailangan ko na lang i-endure ito.
Prayer will be a lot of help.
I'll just pray that other student would not know about it. I really hope so..
···♥♥···
Muntik na akong mauntog sa desk nang dumulas ang ulo ko mula sa pagkakapalumbaba. Nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan.
Nakaantok kasi yung pagtuturo ng teacher namin. Saka alam ko na din ang tinuturo niya. Naturo na kasi sa akin yun ni Kuya Serge at nabasa ko din yun sa mga pinahiram sa aking libro. Hindi naman ako madaling makalimot sa mga napag-aralan ko na, kaya hanggag ngayon alam ko pa rin lahat ng yun.
Buti na nga lang at nandito ako sa likod tapos sa harap ko naman yung matangkad naming kaklase kaya takip na takip talaga ako dito.
Napapansin ko din yung ilan kong kaklase na napapapikit na din. Yung iba nga ay nakadukmok na sa kanya-kanyang desk. Para kasing hindi nagtuturo si Ma'am. para siyang naghehele ng sanggol dahil sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Trained To Be a Guardian
Fantasy"It's my duty to protect her. I'd rather die by protecting her than to leave this world without doing anything for my friend's safety." ---- Yanderie Cassiopeia