···♥♥···"Kain na po kayo sa karinderya ni Aling Maring! Mura na masarap pa! Mapapamura ka sa sarap! Tara na mga suki at kumain ng malinamnam na mga putahe! Hindi ka na magsisisi, mabubusog ka pa!"
"Tama na nga iyan, Andy. Mapapagod ka lang sa kakasigaw. At isa pa marami ng kumakain, wala ng pwesto."
"Gano'n po ba Aling Maring. Sige po, pagsisilbihan ko na lang po ang mga customers." Nakangiting sabi ko sa butihing matandang dalaga na nag-alaga sa akin mula ng mamayapa ang mga magulang ko.
"Mabuti pa nga kung gano'n. Kaysa pagudin mo ang sarili mo sa kakasigaw diyan."
Sumunod na ako dito papasok sa karinderya.
Matagal na itong karinderya ni Aling Maring at bilang kapalit sa kabutihan niya sa amin ay nanilbihan na ako dito simula pa no'ng bata ako.
Ayaw pa nga no'n ni Aling Maring pero dahil likas sa akin ang pagiging makulit ay pinayagan niya na rin ako.
Hindi rin ako nag-aral since wala naman kaming sapat na pera para mapag-aral ako. Pero lagi naman akong nag-aaral mag-isa para kahit hindi ako nakakapasok sa paaralan ay may kaalaman pa rin ako.
Dito sa Graevill City ay may ranking ang mga taong nanirahan. Ang pinakauna, of course, ay ang mga mayayaman o maharlika na mas kilala sa tawag na Royals. Specially ang pamilyang Exosphere, sila ang pinakamayaman sa lugar na ito. Kayang-kaya nilang mabago ang batas at walang nangahas na kumalaban sa kanila dahil ma-otoridad silang tao.
Pumapangalawa sa kanila ay ang mga Veiron, magkasundo ang dalawang pamilya. Magkaibigan kasi ang mga ito. May pagkakaparehas sila sa ibang aspeto pero pagdating sa kung sino ang mas makapangyarihan, wala paring tatalo sa Exosphere. Although, may mabuting kalooban naman ang mga ito, maliban na lang sa iba pang kasapi ng pamilya nila.
Ilan kasi sa kanila ay sakim pagdating sa kapangyarihan lalong-lalo na sa pera, nagiging dahilan din ito ng pag-aalitan nila. Because of their wealth they're looking down on us. They actually treating us like a slave. That's why I don't like some of them. It's irritating.
Pangatlo ay ang mga Allaens. Sila ang masasabi kong pinakatahimik sa tatlong pamilya. Ni wala ngang nakakaalam kung sino-sino ang kasapi ng pamilya nila. Sila na siguro ang mayaman na hindi ramdam ang existence. Hindi ko din alam kung ano ang ugaling meron sila dahil walang nababalita tungkol sa kanila.
Itong tatlo lang ang pinakakilalang pamilya dito. Pero sigurado naman akong meron pang iba.
Pumapangalawa sa ranking ay ang mga Guardians. Tungkulin nilang protektahan at panatilihing ligtas ang mga maharlika. Malakas at may kakaibang kakayahang hindi taglay ng isang normal na tao. Likas din sa mga ito ang pagiging matalino dahil kinakailangan din ito sa pangangalaga sa kanilang mga pinagsisilbihang pamilya.
Pangatlo sa ranking ay ang mga Predictor. Sila ang nakakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang pinaka-pinagkakatiwalaang Predictor ay si Rain Reinfeild. Sa edad na 17 ay wala pa siyang namaling predictions. Lahat ng nakikita niya ay tama at detalyado kaya agad itong nasosolusyunan.
Yun nga lang, ang mga Predictor ay walang kakayahang makipaglaban. Nakakabilib ang kakayahan nila pero lagi naman silang nasa kapahamakan. Kaya para maging ligtas sila lagi silang may kasa-kasamang mga body guards hanggang maaari.
Pang-apat naman ay ang gobyerno. Sila naman ang nagpapanatili ng kapayapaan dito sa Graevill City. Pero kahit gano'n hindi pa rin maiiwasan ang mga opisyales na nang-aabuso sa mga tao. Yun ang hindi ko magustuhan sa mga sa gobyerno. Hindi man lang sila gumawa ng paraan para matigil ang iba nilang kasamahan sa paggawa ng gano'ng bagay. Nakakapanghinayang.
BINABASA MO ANG
Trained To Be a Guardian
خيال (فانتازيا)"It's my duty to protect her. I'd rather die by protecting her than to leave this world without doing anything for my friend's safety." ---- Yanderie Cassiopeia