Charm Scarlet
First day of school naging ok naman ang mga nangyari pwera nalang sa malditang iyon di ko talaga makakasundo iyon . Gaya ng inaasahan ay walang basic subject ang itinuro sa amin puro lang tungkol sa mga zombies , kung saan ba ito nag mula , ano ang dahilan , paano ito mapipigilan at marami pa .
Dumaan ang isang Linggo ay iyon lang ang itinuro sa amin . Sa susunod na Linggo ay puro daw physical training na ang mangyayari .
Saturday ngayon kaya wala kaming pasok . Pumunta kami nina Dann sa Mini lab namin at doon ay pinagaaralan ulit namin ang virus na ito at kagaya padin ng dati ay di namin ito matukoy at kung paano ba ito susulusyonan . One thing na alam lang namin ay pag nakagat ka na nito ay mabilis itong kakalat sa iyong katawan and it's better to kill yourself than to be one of them .
Pagkagaling namin sa Lab ay bumalik na kami ng Bahay at doon ay nanood kami ng tv . Isang channel nalang ang natitirang nakatayo dahil yung iba pa ay nasira na at naatake na ng virus . Gaya ng lagi naming napapanood ay puro tungkol sa zombie , yung mga nakasanayan na namin noon na telenovela ay wala na , mga cartoons at iba iba pang mga palabas . Minsan napapaisip tuloy ako kung hanggang kailan ba tatagal ang station na ito at paano kung maatake nalang sila . Paano na ang taong bayan , paano na nila malalaman ang mga pangyayari sa ibang lugar . Kaya sana wag naman itong mangyari .
Paalis na ako ng sala at papatayin ko na bali ang TV ng bigla nalang nag live ang palabas . Binabalita dito ang pag atake ng Zombie sa Bayan ng Zenebi na kung saan naron ang Headquaters ng TV station na ito .
Paano na yan di maari ito pag nawala ang TV station na ito ay siguradong lalong mahihirapan ang mga tao sa pag kalap ng mga bagong balita .
Habang pinapanood ko ang nangyayari ay di ko magawang di malungkot . Di pa tuluyang napapasok ng mga zombies ang buong bayan ng Zenibi naroroon parin ang mga ito sa unang wall na kanilang ginawa kung saan naroon ang Line of defense . Di ko na napanood kung paano ba nakapasok ang mga zombie dito sa first wall . Sa napapanood ko ngayon ay unti unti ng nauubos ang mga sundalo rito . They immediately kill their self when the zombies bite them , dahil kung hindi rin nila iyon gagawin ay siguradong magiging isa rin sila sa kanila . Kung bakit kasi ang mga zombies na kalaban namin ngayon ay di katulad noong mga nasa palabas na ang babagal kumilos at madaling patayin ang nakakatakot lang naman doon ay napakarami nila . Pero ngayon ang dami na nga nila ay ang hirap pa nilang patayin dahil yung puso nila ay gawa sa Iron kaya nahihirapan tuloy gumana dito ang mga ordinaryong baril , maging ang pagkilos nila ay sobrang bilis na mas mabilis pa ang kilos sa ordinaryong tao at dagdagan payon ng kanilang sobrang tulis na kamay na isang kalmot lang sa iyo ay pwede kanang agad mamatay .
Unti unti na ngang nauubos ang mga sundalo at ang buong first wall nga ay bumagsak na tanging mga helicopter at mga battle tanks nalang ang lumalaban dahil halos napatumba na ng mga zombies ang mga sundalong gamit lang ay baril .
Isang tanke ang bumaril sa isang kumpol ng zombie at doon ay maraming namatay . Pero pag katapos noon ay siya namang nagalit at nagwawalang sinugod ang tangke na ito ng mga zombies . Matibay ang tangke ayun ang pagkakaalam ko pero napatumba nila ito . Padami na ng padami ang dumarating na Zombies at pabawas naman ng pabawas ang mga sundalong lumalaban dito . Ilang oras nalang ay tiyak na mapapasok na sila .
Inilipat naman ng Station ang Balita sa lagay ng Train Station doon ay nag uunahan ang mga takot na takot na mga tao sa pagsakay dito . Marahil ay di nila kasi alam ang susunod na mangyayari . Doon sa station na iyon ay nakapalibot ang mga naglalakihang monitor ng TV sa kanila . Kaya nagagawang malaman ng mga tao kung ano na ang nagyayari sa labas at doon na nga nilang nakita na tuluyan na silang napasok ng mga zombies . Ang mga panic tuloy ngayon ng mga tao ay mas lalong nadoble at lalong nagkagulo .
BINABASA MO ANG
Modern Zombies ( The Birth Of A New Hero )
ParanormalLimang taon na ang nakalilipas Ng nagsimula ang sakit na halos burahin na ang mga bakas ng tao sa sanlibutan Isa lang itong experimento Experimentong naglalayon na bumuhay ng mga patay Pero sa halip na ito'y makabuhay ay ito'y pumatay ng nakarar...