Dann Van Leyn
Sinamahan ko na nga silang makapunta ng ligtas sa kanilang sasakyan . Tinawag ko na si Aira at ilang segundo pa ang lumipas ay nakarating na siya sa amin .
Pag kasakay naming dalawa ni Aira sa kanilang sasakyan ay pinaadar na agad ito ng nag mamaneho ng mabilis .
Nag pakilala sa amin ang batang babae at ganon din ang mga kasamahan nito . Ang batang babae pala ay si Rain at kasama niya ang kanyang papa na si Dew at ang kaniyang dalawang kuya na si Cloud at Sky .
Sila pala ang nakatira sa lawa na aming nakita pero dahil delikado kung babalik agad sila doon ay baka matunton iyon ng mga zombies . Kaya minabuti naming ilagaw ang mga iyon .
Tinanong namin din sa kanila kung may iba pa bang nakatira sa bahay nila at sinabi niyang oo may higit sampu pa daw doong nakatira . Kung ganon kaya pala na aatract ako doon sa bahay sa lawa kanina .
Namangha ako sa ginawa nilang proteksyon sa mga zombies . Nagtayo talaga sila ng isang malaking bahay sa gitna ng lawa dahilan para hindi sa kanila makalapit agad agad ang mga zombies .
Nakalabas na nga kami ng forest at patuloy pading sumusunod ang mga zombies sa amin .
Dahil sa sobranga bilis ng pagpapatakbong ginagawa ni Cloud ay sa wakas naligaw narin namin ang mga ito pero nagulat kami ng may biglang usa lumitaw sa daan kaya dali dali niya itong iniiwas na naging dahilan ng pag salpok namin sa isang poste .
Nakaramdam ako ng hilo ng mga sandaling iyon . Narinig kong nagsalita si Dew kung ok lang ba ang lahat and thank God dahil ok naman ang lahat .
Bumaba na kami doon para maghanap ng ligtas na lugar at sasakyan na magagamit namin pabalik sa kanilang tahanan .
Habang naglalakad kami ay napansin naming may malaking sugat si Cloud sa kanyang kaliwang braso . Nakita ko ang dugo na tumutulo sa kanyang kamay at amoy na amoy ko iyon .
Muli ay nakaramdam na naman ako ng gutom . Pero pinigilan kong mabuti ang aking sarili at buti nalang ay nakayan ko .
Tumakbo pabalik si Rain sa kanilang sasakyan at sinundan ko naman siya . Nakita kong may kinuha siyang first aid kit sa doon at nakangiti siyang sinabi sa akin na "Muntikan na natin itong maiwan kuya ".
Pag kakuha niya niyon ay bumalik na ulit kami sa kanila at nagsimula na ulit mag lakad . Tanghaling tapat na kaya sobrang init at wala kaming mahanap na masisilungan dahil nasa highway kami kaya minabuti nalang naming pumunta muli ng gubat at maghanap ng malaking puno upang doon kami mag pahinga at doon gamutin ang sugat ni Cloud .
Nakahanap naman kami agad ng isang malaking puno kaya isa isa namin itong inakyat . Dahil bata pa si Rain at hindi pa siya marunong sa pag akyat kaya minabuti kong pababahin nalang siya sa aking likod at umakyat na kaming sabay sa taas . Buti nalang ay nakaya ko siya thank to my zombie things power .
Ginamot na nga ni Rain si Cloud doon sa puno . Namangha naman ako sa batang ito dahil at her young age of seven ay lagi lang itong nakangiti at parang walang zombie apocalypse na nangyayari and beside she knows how to give a first aid .
Pagkatapos niya itong gamutin ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago ulit bumaba pero pababa palang bali kami ay may nakita kami isang grupo ng mga zombies . I think the are all 100 in total .
Minabuti muna naming manatili sa taas . Pero parang nararamdaman na nila na malapit lang kami . May isa na ngang tumingin sa taas kaya iniba ko agad ang pwesto ko .
Narinig kong nagsalita ai Dew na hindi na safe sa aming kinalalagayan . Kaya inilabas na niya ang kanyang baril at itinutok sa isang zombie doon . Pinigilan naman siya ni Aira dahil hindi daw magandang idea iyon dahil mas lalo lang magagalit ang mga iyon at matutunton kami at isa pa ay hindi naman sa kanila tumatatalab ang mga baril .
BINABASA MO ANG
Modern Zombies ( The Birth Of A New Hero )
ParanormalLimang taon na ang nakalilipas Ng nagsimula ang sakit na halos burahin na ang mga bakas ng tao sa sanlibutan Isa lang itong experimento Experimentong naglalayon na bumuhay ng mga patay Pero sa halip na ito'y makabuhay ay ito'y pumatay ng nakarar...