Dann Van Leyn
Pagkarinig namin ng alarm ay agad kaming nag punta sa aming lab . Doon kasi naka tago ang aming armored RV na ginawa ng kompanya nina Charm . Isa itong big size na RV na fully armored. Kasya dito hanggang 20 na katao .
Ang labas ng track ay nababalutan ng ginto dahilan para di agad ito masira ng mga zombies . Dahil kung ordinaryong bakal lang ang iyong gagamitin sa iyong sasakyan ay saglitan lang ito at kaya itong sirain agad ng mga zombies . Napapalibutan din ito ng mga spikes upang hindi rin agad agad makalapit sa amin ang mga zombies . Ang bintana naman nito ay lahat gawa sa bullet proof glass . Meron din itong mga machine gun sa harap at likod na bahagi ng RV at sa gilid naman ay may roong blade na pwedeng palabasin at sa taas naman ay may malaking malakanyong baril na pwedeng pwedeng pumatay agad ng mga zombies and lastly ay kaya nitong sasakyan nato na maglabas ng napakalakas ng boltahe ng kuryente upang sa gayon ay kapag marami na talagang nakalapit sa aming zombies ay kukuryentihin agad namin ang mga iyon .
Sa loob naman ay may tatlong computer para sa mga controls ng RV at meron din ditong isang malaking higaan na kung saan ay pag may pinindot kang button ay lalabas ito . Dahil ang RV na ito ay naka design para sa malayuang byahe kaya ito'y merong higaan . Meron din ditong drawer na lagayan ng mga foods , at meron din itong dalwang table at walong upuan don . Syempre may CR din dito . Kung di niyo maimagine yung parang sa Ben ten lang pero tatlong beses na mas malaki don .
Charm Scarlet
Excited ang lahat na pumunta ng RV dahil ito ang first time na gagamitin namin iyon para lumaban . Normally kasi ay ginagala lang namin ito sa buong bayan upang mapag aralan na namin ang bawat task na kailangan naming gawin .
Si Rave ang bahala sa pag dra drive habang si Leanne , Queen at Ako naman ang sa mga controls ng RV pag dating sa labanan . Si Snow naman ang bahala sa GPS at taga tingin kung gaano pa bang kadami ang mga zombies at anong lagay ng buong RV . Habang si Charlie , Dann at Ethan naman ang bahala sa pagbaril sa mga zombies using their Guns .
Nag kanya kanya na kami ng puwesto at pumunta sa bawat designated part namin . Pinaandar na ni Rave ang RV na sobrang bilis papunta sa Main gate .
Pagkarating namin doon ay busy ang lahat ng tao sa pag babaril sa mga zombies . Sinabi namin na buksan nila ang gate at lalabas kami . Pero di nila kami pinayagan dahil mga baguhan palang daw kami . Nag pumilit kami pero di talaga nila kami pinayagan .
Mga ilang minuto din kaming nakanga nga ng maisip ni Queen na ipakita sa mga ito ang nagagawang ng aming RV .
Bago palang kasi itong modelo at dinesign talaga ng kompanya namin para sa amin . Request kasi namin ito kay Spencer at ang paggawa nito ay napakatagal na processo . Inabot nga ito ng dalwang taon para lang tuluyang ma perfect ang pag kakagawa dito . Meaning kami palang ang merong ganitong ka hightech na sasakyan .
Kinausap na ni Queen ang mga sundalong pumipigil sa amin . Sinabi nito na hindi kami mapapahamak dahil itong RV na ito ay gawa sa mga bagay na hindi madaling masisira ng mga zombies at ito rin ay may mga sandata rin na kayang pumatay sa mga ito . Di padin naniwala ang mga sundalo dahil wala pa naman daw ganong naiimbento kaya no choice kami at pinalabas na namin ang mga machine guns , laser blade , spikes at ang kanyo nito . Pagkalabas naman noon ay nag taray pa si Queen ang sabi niya ay . "Ano gusto niyo gamitin namin ito para sirain yang gate na yan at makalabas kami para makalaban sa mga zombies ".
At sa wakas ay pinayagan narin kami . 1 week narin naman at mag oonduty narin naman kami kaya ayun totally na napapayag na namin sila .
Binuksan na nila ang gate ng masigurado nilang ligtas nang lumabas ay agad agad na kaming lumabas . Pag karating namin doon ay nakita agad naming ang situasyon sa labas . Napa nga nga pa kami dahil sa TV lang namin ito nakikita noon at ngayon ay live na live na naming itong nakikita . Iba pala talaga pag actual mo ng nakikita ang mga bagay bagay .
BINABASA MO ANG
Modern Zombies ( The Birth Of A New Hero )
ParanormalLimang taon na ang nakalilipas Ng nagsimula ang sakit na halos burahin na ang mga bakas ng tao sa sanlibutan Isa lang itong experimento Experimentong naglalayon na bumuhay ng mga patay Pero sa halip na ito'y makabuhay ay ito'y pumatay ng nakarar...