Chapter 1 : Origin

400 18 14
                                    

January 3, 2011 Oxford , England , United Kingdom - Laboratory of Revival

Nagtagumpay ang operasyon . Muling nabuhay ang patay , masayang masaya ang lahat dahil sa wakas sa loob ng napakahabang panahon ng paghihirap ay nagtagumpay din sila .

Ang kaninang walang buhay na bangkay ay ngayo'y tumitibok ng muli ang puso nito . Di pa man ito nagigising ay batid na nilang ito ay buhay na . Mayamaya pa nga ay iminulat na nito ang kanyang mata . Pag kamulat ng mata nito ay agad itong tumayo at umalis sa kanyang hinihigaan at tumitig ng masama at sumigaw pagkatapos nito ay inatake nito ang mga Scientist . Di ito kagaya ng mga zombie sa palabas ito'y mabilis kumilos , malakas , pulang pula ang mga mata at may matatalas na kuko . Agad na nag panic ang mga scientist ang kaninang masayang pagdiriwang ay ngayo'y napalitan na ng takot at hiyawan na animong nagmamakaawa na sila'y wag saktan .

Napatay nito ang halos lahat ng Scientist sa Laboratory maliban sa dalwang scientist na nakaligtas . Agad silang humingi ng tulong sa mga police . Nung una ay di pa ito naniniwala sa kanila pero nakakumbinsi rin nila itong puntahan ang nasabing laboratory nila . Nang makadating na ang nga police sa Laboratory ay napamura nalang sila ng nakita nila ay mga scientist na wala sa sarili . Akala kasi nila ay patay na ang mga ito , inisip nilang prank lang ang lahat ng ito kahit na mismong ang mga sugat ng mga ito ay biro lang .

Kinausap nila ang mga ito at nabigla sila ng lahat ay lumingon sa kanila at sumigaw ng malakas at inatake sila . Masyadong mabilis ang pangyayari lahat ng police na pumunta sa ilang minuto lang ay namatay .

Isang oras ang nakalipas ng mabuhay ang patay at sa loob din ng isang oras ay labing apat agad ang namatay

Kumalat agad ito sa buong bayan ng Oxford sa loob lang ng isang araw ay kalahati ng populasyon nito ay naubos at sa loob ng isang Linggo ay ang pagbagsak ng gobyerno ng England at sa loob ng isang taon ay ang pagbagsak ng Europa at iba pang kalapit na bansa nito

Lubos na na bahala ang mga tao sa pangyayaring ito . Madami na ang namamatay at wala man lang maggawa ang mga tao para dito . Nakatuon na ang lahat ng mga scientist kung paano ba ito susulusyunan ngunit sa loob ng limang taon ay bigo padin silang makahanap ng lunas sa sakit na ito

Tanging ang paggawa ng mga naglalakihang harang sa paligid ng mga bayan ang tanging solusyon na nagawa ng mga iba pang bansang natitira .

Ang mga tao tuloy ngayon ay parang nakakulong sa isang malaking kulungan na kung saan ay ang paglabas ay ipinagbabawal . Tanging mga autorisadong mga tao lang ang pwedeng lumabas dito .

Sa tulong ng mga armored train , Eroplano , mga armored vehìcle at iba pang sasakyan na kayang lumaban sa Zombies ay naging posible padin ang kalakalan .

Hanggat nakatayo parin ang mga harang at kontrolado ng militar ang situasyon ay mananatili padin ang kapayapaan sa kanilang lugar . Ngunit hanggang kailan kaya ito mananatili .

February 24 , 2013 Baguio,Philipines

May bumagsak na eroplano sa mismong sentro ng Bayan ng Trot sa Baguio . Pinagkaguluhan ito ng mga tao roon na wari mo'y nakakita sila ng isang artista . Ngunit ang kumpulan ay nabuwag ng may lumabas ditong isang taong humuhingi ng saklolo at maya maya pa ay nagsilabasan na ang mga sakay nito na Zombie . Agad na nag panic ang taong bayan sa loob ng Bayan ng Trot mga hiyawan na nakabibihingi at mga putok ng mga baril ang tanging maririnig mo lang dito . Maya maya pa ay naging abondonado na ang bayan ng Trot isang oras lang ang kinailangan ng sakit na ito upang ubusin ang mga tao rito .

February 24, 2013 ito ang taon kung saan nagsimula ang virus sa Pilipinas mabilis itong kumalat gaya ng inaasahan . Naging handa man ang mga mamayan ng Pilipinas ay di pa rin nito napigilan ang pagkalat nito . Ngayon ang dating mga taong malayang nakakagala kung saan ay ngayo'y nagtatago sa likod ng harang na promoprotekta sa kanila .

September 21 , 2014 Cavite , Philippines

Tahimik ang gabi noong gabing iyon sa Bayan ng Cambrid . Huni ng mga kulisap ang tanging iyong maririnig na tila musika sa mga taong naninirahan doon . Ngunit di nila alam ay ito na ang huling gabing sila'y maninirahan dito

7:45 Pm - dumating ng maaga ang Saint Agustin train ng maaga sa inaasahan nagtaka ang ilan sa mga trabahador doon pero agad din nilang binuksan ang gate papasok sa kanilang bayan ngunit ang takbo nito ay hindi bumabagal . Ang pagtataka nila ngayon ay nabalot ng pangamba . Agad nilang itinaas muli ang gate na pumoprotekta sa kanila ngunit ito'y huli na , masyadong mabilis ang takbo ng train at ang pag angat naman ng gate ay masyadong mabagal . Sumalpok ang train sa gate at ito'y tumilapon papasok sa bayan . Gaya ng karamihan ay nag panic ang mga tao di nila alam ang gagawin . Mabilis ang mga pangyayari ilang oras pa ay kagaya ng iba pang mga bayan ay nagmistulan ding wasteland ang bayan ng Cambrid .

Malayo sa sa gate ng bayan ng Cambrid ay may nakatayong isang lumang ngunit malaking bahay na malapit sa kakahuyan . Masaya ang lahat dahil ang isa sa mga tao rito ay may kaarawan . Tug tugan , sayawan , tawanan at iba pang masasayang bagay ang makikita't maririnig mo rito . Pero hindi nila alam ay ito na ang huli nilang pagdiriwang ilang oras bago mangyari ang insidente sa Cambrid ay agad na kumalat ang sakit at nakapunta sa kanilang bahay . Lumaban ang mga tao rito ng buong lakas nila ngunit masyadong marami ang mga ito . Pinagtago ng mga matatanda ang mga bata sa basement ng kanilang bahay . Pero habang papunta palang sila rito ay nakagat na sila ng mga zombies . Isang binata lang ang ligtas na naka punta sa basement ng kanilang bahay nasaksihan niya kung paano patayin nito ang kanyang kapatid , mga kaibigan at mga pinsan . Ngunit wala siyang nagawa para sila'y tulungan . Tumakbo lang siya palayo sa mga ito at ngayon ay nasa basement na siya at iyak ng iyak . Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas na siya ng bahay . Nasaksihan niya roon ang walang buhay na mga mahal niya sa buhay . Siya na mismo ang tuluyang pumatay sa kanyang mga mahal sa buhay upang hindi na ang mga ito ay maging katulad nila . Noong araw nading iyon ay ipinangako niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at ibabalik niya ang kapayapaan sa mundo .

Maya maya pa nga ay dumating na ang mga sundalong sumaklolo sa kaniya . Ininspeksyon muna siya nito bago pasakayin sa armored truck . At inihatid siya sa Train Station ng bayan ng Cambrid . Maraming tao ang naroon na nagkakagulo makapasok lang sa train . At maya maya pa nga ay nakapasok na siya sa Train . Pupunta ang Train na ito sa kalapit nitong bayan ang Bayan ng Grass sa Cavite . Habang sila ay nasa paglalakbay ay di nila maiwasang mangamba . Pano kung ang train na kanilang sinasakyan ay mapasok din ng mga zombie at kagaya nga ng kanina ay silang lahat ay maging isa rin sa kanila .

10:30 Pm - Nasa kalagitnaan ng ng Biyahe ang Train ng mga nakaligtas papuntang Bayan ng Grass . Tahimik lang ang lahat at tunog lang ng sasakyan ang iyong maririnig . Mamaya pa ay ang katahimikan kanina ay ngayong nabalot ng nakakarinding sigaw ng mga zombies at putok ng mga baril . Inaatake na sila ng mga zombies . Ang dulong bahagi ng Train ay napasok ng mga ito . Agad napatay ng mga ito ang mga tao roon . Agad namang inihiwalay ng mga tao ang train na kung saan may mga zombie at tagumpay sila .

May konti mang nabawas sa kanilang bilang ay tagumpay paring nakarating sa bayan ng Grass ang mga mamayan ng Cambrid







Authors note

Hellow Everyone . Ano po masasabi niyo sa Story . Ok lang po ba . Kung sino man po ang nagbabasa nito ngayon at di pa nababasa yung isa ko pa pong story pakibasa naman po . Ang Title po ay Triton Academy . Thank you 😊

Follow me on instagram @gilesjasper
And on twitter @gilespilipinas
At dito narin po sa wattpad thank you po :)

WRITTEN BY : gilespilipinas

Modern Zombies ( The Birth Of A New Hero ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon