Dann Van Leyn
May mga putok kami ng baril na narinig kung saan naroroon sina Rain kaya nagmamadali kaming pumunta doon sa kinalalagyan nila .
Pag karating namin doon ay napapalibutan na sila ng mga zombies . Sampu lang ang mga ito . Pero kahit na kaunti lang sila ay wala pading laban ang isang ordinaryong tao rito .
Pasugod na ang isang zombie sa kanila ng ibinato ulit ni Aira ang dagger niya at sakto ulit iyon sa Iron heart ng zombies .
Nagalit ang mga zombies kay Aira kaya siya na ang pinuntirya ng mga ito mabuti nalang at nilubayan na sina Rain ng mga ito .
Ilang segundo nga lang ang lumipas ay nasasa amin na ang atensenyon ng mga ito .
Nagsimula na nga ulit namin kalabanin ang mga ito at tagumpay kami natalo nga namin sila agad .
Sky : Niligtas niyo ulit ang buhay namin . Salamat .
Dann : Its our duty kaya wag ka nang mag pasalamat .
Rain : Kuya Dann ate Aira ang galing niyo po talagang dalawa .
Aira : Sasalamat .
Rain : Kailangan niyo na po bang uminom ulit ng dugo .
Nagulat naman ako sa sinabi ni Rain at nakita ko namang si Aira ay nakatingin sa akin at siya na ang sumagot .
Aira : Once a day lang namin kailangan uminom ng dugo kaya di pa namin kailangang uminom .
Nag patuloy na nga kami muli sa paglalakad . Isang oras nadin kaming naglalakad at wala pading kaming makita mga bahayan . Kaya minabuti ko nang mag tanong kay Dew kung malapit na ba kami .
Sinabi naman niya na mga tatlong oras pa ang kailangan naming lakarin para makapunta sa Bayan ng Harris .
Sinabi ko naman sa kanya kung tatlong oras pa kami maglalakad ay aabutin na kami ng dilim at mas magiging mapanganib iyon sa amin at sa tingin ko din ay pag may umatake ulit na mga zombies ay hindi na nila makakayanang tumakas dahil sa pagod
Sinabi naman niya na mga isang oras simula ngayon ay may isa kaming Mansyon na madadaanan at doon daw ay mag palipas muna kami ng gabi .
Sumangayon naman kaming lahat at ngayon ay tumungo na kami roon .
Makalipas ang isang oras na paglalakad ay sa wakas nakarating narin kami roon .
Isa itong Modern Mansion at ang laki nito at ang ganda kaso nga lang ay mukang napabayaan na dahil sa Zombie apocalypse pero noong nakalapit na kami doon ay napansin ko may mga bakal na nakharang sa buong mansyon na ito .
Pinakiramdaman ko naman ang paligid at napag tanto ko na walang zombie ang naroroon . Pero may kakaiba akong nararamdaman .
Aira : May buhay pa na tao rito .
Dann : Kung ganon naramdaman mo din .
Aira : Oo naman .
Cloud : Baka meron din silang sasakyan na pwede nating mahiram .
Sky : Kaya tara na at puntahan iyon .
Naglakad na nga kami papasok sa mansyon . Pero naka lock ang pintuan nito .
Pinindot namin ng paulit ulit ang doorbell at ilang segundo pa ay may nagsalita through speaker .
??? : Were so sorry but we dont accept visitors .
Sky : Kung pwede lang sana makituloy kami ngayong gabi lang sa inyo at pangako aalis din kami bukas .
??? : Ok sige pero bukas ay kailangan niyo nading umalis agad agad gaya ng sinabi niyo dahil the more people are living in this mansion our chances to survive is decreasing .

BINABASA MO ANG
Modern Zombies ( The Birth Of A New Hero )
ParanormalLimang taon na ang nakalilipas Ng nagsimula ang sakit na halos burahin na ang mga bakas ng tao sa sanlibutan Isa lang itong experimento Experimentong naglalayon na bumuhay ng mga patay Pero sa halip na ito'y makabuhay ay ito'y pumatay ng nakarar...