Dann Van Leyn
Nagising ako ng tumama sa aking muka ang sikat ng araw . Pabangon na bali ako ng naalala ko ang mga nangyari kahapon .
Sumakit ulit ang ulo ko dahil sa pag alala ng mga iyon . Mamatay tao ako , pinatay ko sila . Muli bumalik iyon sa aking isipan at di ko na alam ang gagawin ng nagsalita si Aira .
Aira : Di mo kasalanan ang pag kamatay ng pamilyang iyon .
Dann : Anong sinasabi mo na di ko kasalan . Pinatay ko sila !
Aira : Pero hindi ikaw iyon . Sa tingin mo kaya mo ba yung gawin . Kaya mo bang pumatay ng tao . Diba hindi . Ang virus ang may kagagawan non .
Di mo iyon kasalanan kung tutuusin ay kasalanan ko iyon dahil hindi kita nabantayan ng maayos . Alam ko nang mangyayari iyon pero hindi kita sinundan ng panahon na iyon . Masyado kasi akong naging pabaya .Natulala lang ako sa sinabi niya dahil sa kahit anong anggulo tingnan ay ako padin ang pumatay sa kanila . Nag patalo ako sa virus na iyon kaya lahat iyon ay nangyari . Kung nagawa ko sana iyong controlin ay di na iyon mangayayari .
Muli na baling mag sasalita si Aira ng may narinig kaming mga zombies na papalapit sa amin . Agad naman niyang sinara ang pinto at hinarangan ito ng kung ano ano bagay upang hindi sila makapasok .
Aira : Tara na Dann . Umalis na tayo dito . Alam na nilang may buhay pa dito .
Ngunit tulala padin ako ng mga sandaling iyon . Nakapatay ako ng tao at hindi ko padin iyon matanggap . Napati mismo ang isang walang kalaban laban na bata ay nagawang kong patayin .
Hinila na ako ni Aira upang tumayo ngunit di ko padin magawang kumilos . Pinatay ko sila yan ang paulit ulit na tanging pumapasok lang sa aking utak .
Napatingin nalang ako sa kanya ng sampalin niya ako ng malakas
Aira : Ano ba Dann umayos ka nga sinabi ko nang di mo iyon kasalanan kasalanan yan ng Virus kaya tumayo ka na dyan at ipaghiganti sila .
Dann : Pero ako padin ang pumatay sa kanila .
Aira : Dann sa tingin mo kaya mo bang pumatay ng tao .
Dann : Aira di pa ba sapat ang nakita mo kagabi at kahit ikaw nga muntikan ko ng mapatay .
Aira : Hindi mo iyon kagustuhan . Kagustuhan iyon ng Virus na nasasa iyo . Kaya ngayon tumayo ka na diyan at wag hayaan yang virus na nasasakatawan mo na talunin ka . Tandaan mo ito Dann kung mamatay ka ngayon sa tingin mo magiging worth it ang pagkamatay nila . Oo napatay mo sila pero hindi mo man lang ba bibigyan iyon ng halaga . Ngayon siguro nasa Heaven na sila at pahanggang ngayon ay galit parin sa iyo . Pero sana ipakita mo sa kanila na nagawa mo lang iyon dahil sa virus at sana ipakita mo din sa kanila na babawi ka sa kanila sa pamamagitan ng pag babalik ng kapayapaan dito sa mundo . Tumayo ka na diyan at kumilos . Dahil kung mamatay ka ngayon habang buhay ka nilang sisisihin at sa kabilang buhay ay dadalhin mo din iyang pag sisisi .
Natauhan naman ako sa sinabi niya kaya kahit na di padin ako nakakarecover sa nangyari kahapon ay tumayo na ako sa akin kinauupuan .
Tama siya oo alam ko ang nangayayari noong mga panahon na iyon pero gawa padin iyon ng virus at tama din siya na kung hindi ako kikilos ngayon at hahayaan nalang mapatay ng mga zombies ay hanggang sa kabilang buhay ay uusigin padin ako ng aking konsensiya .
Nagsimula na kaming kumilos at gaya ng sa mga palabas ay saktong nakapasok na ang mga zombies .
Bago paman sila makalapit sa amin ay tumakbo na kami sa bintana dahil doon kami dadaan . Tumalon na doon si Aira kaya sinundan ko nalang siya . Nagdadalawang isip man akong tumalon dahil nasa 10th floor kami ay ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil pag di pa ako tumalon ay siguradong maabutan na ako ng mga zombies .
BINABASA MO ANG
Modern Zombies ( The Birth Of A New Hero )
ParanormálníLimang taon na ang nakalilipas Ng nagsimula ang sakit na halos burahin na ang mga bakas ng tao sa sanlibutan Isa lang itong experimento Experimentong naglalayon na bumuhay ng mga patay Pero sa halip na ito'y makabuhay ay ito'y pumatay ng nakarar...