Chapter 5 : Graduation

192 12 5
                                    

2 years after ( Graduation Day )

Charm Scarlet

Parang dati lang kakaumpisa palang naming mag aral . Naalala ko pa tuloy noong first day of school . Pinilit ko pang si Dann na pumasok dahil ayaw talaga nito at nung nasa class room na kami yung mga sandali na umepal naman ang grupo nina Queen kahit siya lang naman talaga .

Lumipas ang mga araw at di ko inaakala na silang lima ay magigi naming kasundo . Dahil sa palagi naming pagkikita ay puro bangayan lang ang aming ginagawa . Naaalala ko tuloy noong lahat kami ay sasama nangako sa aming sarili na ibabalik namin ang kapayapaan dito sa mundo

Lumipas ang mga buwan na unti unti na kaming napalapit sa isat isa . Isang grupo na lagi nandyan at nagdadamayan sa oras ng pangangailangan . Naalala ko pa tuloy noong minsang muntikan ng bumagsak si Rave dahil sa ang kanyang magulang ay di nakaligtas sa pag atake ng zombies galing sa kanilang business Trip . Ilang Linggo din itong nag kulong sa kanyang kwarto at di na nakakapasok . Ginawa namin ang lahat para siya bumalik sa dati dahil nangako kami sa bawat isa na hanggang sa huli kaming walo padin ang magkakasama .

Lumipas ang dalawang taon at mamaya lang ay naroroon na kami sa school nakasuot ng aming toga at ready ng umakyat sa stage at ipag malaki sa lahat na eto na kami ngayon sa loob ng dalawang na taon naming pag hihirap ay eto na kami ngayon at handang ibalik ang kapayapaan sa buong mundo .

I didnt expect na makakarating kami hanggang dito . Dahil sa tuwing kada taon na matatapos ang aming pag aaral ay iniisip ko makakatapos kaya kami o hindi na namin ito maaabot dahil sa panahong iyon ay nasakop narin kami ng mga zombies. Kaya nag papasalamat ako dahil sa loob ng dalawang taon naming pag aaral ay hindi na buwag ang depensa ng aming bayan na sa loob ng dalawang taon ay naging ligtas kami sa likod ng mga harang na pumoprotekta sa amin .

Mamaya lang ay simula na ang aming graduation ceremony at sana magi itong payapa at walang gulo na mangyari .

Bumangon na ako at magsimulang kumilos . Pagkababa ko ay nandoon na sina Charlie at Dann at nag preprepare ng aming kakainin .

Charlie : Gigisingin kana bali namin .

Dann : Buti naman bumangon kana .

Napangiti ako sa sinabi nila dahil 2 years ago . Ako ang naunang gumising sa kanila at nag kandasigaw sigaw pa para lang bumangon na sila ngayon ay sila namang itong nauna nat masayang nag hahanda ng aming pagkain para mamaya .

Charm : Ang aga pa kaya . Akin na nga yan mamaya niyan ano pang lasa ng mga niluluto niyo .

Inagaw ko na nga sa kanilang ang lutuin dahil di naman sila talaga marunong magluto . Ewan ko nga sa mga ito at ang agang mga nag sigising at naisipan pa talagang sila ang mag luto .

Pagkatapos kong magluto ay sabay sabay na kaming kumain . Nag kwentuhan saglit at pagkatapos noon ay nag simula na kaming maligo at mag bihis .

6:45 na ng matapos kaming lahat .
Sakto namang dumating sina Queen dala ang kanilang Van .

Queen : Ready na kayo

Charm : Syempre naman

Charlie : Parang ang aga naman natin at 6:45 palang at mamaya pang 8 ang ating graduation

Ethan : Oo nga bro . Eto kasing si Queen pag madaliin ba naman ako ng sobra sobra . Di na nga tuloy ako nakaligo . Amoy niyo ba guyss

Sabay sabay kaming nagsabi ng iww at nagtawanan kaming lahat eto talagang si Ethan kahit kailan nakakatuwa .

Leanne : Kaya pala kanina pang may mabaho dito .

Ethan : Hindi naman ah . Joke lang yun sabay pout

Modern Zombies ( The Birth Of A New Hero ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon