Chapter 2 : Hope Academy

292 15 4
                                    

Tatlong taon na ang nakalilipas ng dumating ang virus sa bansang Pilipinas . Unti unti ng nasasanay ang mga tao rito . Bumalik na ulit ang dating pamumuhay ng mga tao . Sa loob ng mga naglalakihang harang ay doon ipinag papatuloy nila ang pamumuhay bilang isang mamayan . Mabuti nalang ay naging handa na sila sa pagdating ng sakit na ito .

Nagsimula narin ulit ang pagbubukas ng paaralan kung saan ang unang prioridad nito ay ang pag aralan ang virus na kumakalat sa buong mundo at ang paglaban sa mga ito . Sa Bayan ng Grass ay mayroong isang Academy na nakatayo at ito ang Hope Academy . Layon ng Academy na ito na ituro at gawing handa ang mga estudyanteng nag aaral dito sa oras ng pag salakay ng mga zombies .

June 10 , 2016

Nag bukas ng muli ang Hope Academy masayang masaya ang lahat lalo na ang mga estudyante dahil sa wakas ay makakapag aral na muli sila .

Charm : Dann at Charlie baba na gumising na kayo . Diba kayo excited may pasok na ulit tayo .

Sigaw ng dalaga habang siya ay busy sa pag aayos ng mga gamit niya .

Charlie : Baba na ako sandali lang

Bumaba na nga si Charlie pero si Dann ay hindi padin bumaba

Charm : Si Dann di mo kasabay bumaba

Charlie : Ayaw yatang pumasok , ayon parang ang lungkot doon .

Pinuntahan ni Charm si Dann upang kausapin at kumbinsihing ito na pumasok na .

Charm : Di kaba papasok

Dann : Para saan pa at papasok ako . May magagawa ba yon . Para maibalik nito ang pamilya , kaibigan , kamag anak at mga kakilala ko . And besides di na natin kailangan mag aral pa .

Charm : Di nga nito maibabalik ang dating buhay mo . Pero yung mga bagay na alam natin ay di sapat kailangan din nating matuto sa kanila .

Dann : Tatlong taon na ang nakalilipas masaya ang buhay ko . Gigisingin ako ni mama , sabay kaming papasok ng aking kapatid , papasok sa classroom na madat datnan mo doon ang iyong mga kaibigan na naghihintay sayo at Uuwi sa bahay at sabay sabay kaming kakain sa hapag kainan . Tatlon taon normal lang ang aking pamumuhay pero ngayon . Nandito tayo ngayon sa lugar na ito na kung saan ay nakakulong tayo na parang mga hayop .

Charm : Tatlon taon gaya mo namatayan din ako ng pamilya . Pero nangako ako sa kanila na ipaghihiganti ko sila . Maaring marami narin tayong nalalaman tungkol sa mga zombies pero kailangan parin nating matuto sa kanila upang mas maging malakas tayo at ang focus naman ng pag aaral natin ay tungkol lang sa mga zombies . Kaya kailangan talaga natin iyon

Napaisip si Dann . Tama si Charm na kailangan padin niyang mag aral dahil hindi parin sapat ang mga nalalaman nila .

Dann : Sige na papasok nako .

Charm Scarlet

Sa wakas napilit ko narin itong si Dann na pumasok . Pabebe pa kasi eh hahahaha . Siya nga pala ako nga pala si Charm Scarlet 17 years old at kagaya ng mga iba pang tao dito sa Pilipinas ay namatayan din . Wala na akong magulang . Ako at si Charlie nalang ang natitira sa aming pamilya . Nakatira kami dati sa ibang bayan at kagaya din ng iba ay napabagsak din ito ng mga zombies . Mabuti nalang ay may bahay bakasyunan kami dito sa bayan ng Grass . Masasabi ko kasing meron din kaya ang mga magulang ko kasi ay nag mamayari sila ng ilang mga kompanya at dito nga sa bayan ng Grass ay meron din sila . Isa itong kompanya na gumagawa ng mga armas at dito rin sa kompanya nina Daddy nakasentro ang pag aaral para mapigilan ang mga zombies sa buong Cavite .

Since na wala naman akong alam sa pag papatakbo ng isang kompanya dahil sa nakakatanda naming kapatid nag focus sina Daddy sa pag papamana dito ay si Spencer nalang ang bahala dito . Siya kasi ang pinagkakatiwalaan nina Dad and Mom noong nabubuhay pa sila at since close din kami sa kanya ng aking kambal ay noong ipinasa na sa amin ang lahat ng responsibilidad ay siya naman ipinasa namin sa kanya .

Modern Zombies ( The Birth Of A New Hero ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon